Natuod kaming dalawa. Binabalot na ako ng hiya. Hindi ko na alam ang gagawin at ipapaliwanag. Ito ang aming kinakatakutan. Paano namin idedepensa ang aming sarili? Paano kami magtutulungan ni Thrale sa ganitong sitwasyon?

Hindi natuloy ang pagsasalita ni mom dahil nagdating ang mga kaibigan ni Thrale. Kasunod nila sina Tita Line at Link, mukhang alam nila ang mangyayari kaya dumating. Baka may nalaman si Tita Line sa private investigator kaya pumunta rito. Hanggang ngayon ba may nakamasid pa rin sa amin?

“Threa, anong ginagawa mo sa mga bata?” Gumitna si Tita Line sa mag-ina. “Tama na ‘to. Kausapin mo sila ng maayos. Thrale, umakya—”

“Kahit ngayon lang, huwag ka munang mangialam, Line.” Matigas ang pananalita ni mom kaya walang nagawa si Tita Line kun’di ang bumuntong-hininga. Tumabi siya kay dad. “Sagutin mo ako, Thrale Keiter Wrent, tama ba ako? Sa dami ng babae, bakit ang kapatid mo? Bakit nagawa mong mah—”

“Ako po ang unang nagmahal.”  Putol ko sa kaniyang sasabihin. Nakatingin na ako sa mga mata ni mom na kailangan ko talagang harapin.

“Thrizel, ano ba?” Inis na baling ng aking kuya. “It’s all my fault, mom. Huwag kang magaga—” Nagulat si Thrale kaya hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin. Sapo-sapo ko ang aking pisngi dahil sa sampal ng nanay ko. Hindi ko inaasahan.

Nadurog ang puso ko hindi dahil sa ginawa niyang pananakit. Nadurog iyon nang marinig ko ang hikbi ng aming nanay. Hudyat na umiiyak na siya. Masakit sa anak na napaiyak mo ang sarili mong nanay. “H-Hindi niyo ba kami naisip? Kahit a-ako lang?” Nanginginig ang kaniyang boses. Nakaharap siya sa amin. “Ilang beses kong tinanggihan ‘yong private investigator! Ilang beses kong hindi tinanggap ang mga mali niyang report tungkol sa inyo na tama pala ngayon!” Nawala ang pagkamasungit niya sa pananalita. “Sinasabi niyang may mali sa magkapatid, na may namamagitan at may ibang kinikilos. Dinadahilan ko roon na ‘ganiyan lang talaga ang mga anak ko dahil malapit sa isa’t isa...’” Umaagos ang kaniyang luha. “Mga anakkkkk!” Umalingawngaw iyon. Napapadyak pa siya ng isang paa. “Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong hindi tama ‘yon... Pero dahil sinabi at pinakita niyo... Wala... Ito na... Paano nangyari? Siguro maling desisyon ang iwan namin kayo? Dapat daddy mo nalang ang pumuntang ibang bansa? Pakiramdam ko... Kasalanan ko... Bakit nagkaganito ang mga anak ko? Bakit nakakaramdam sila ng gano’n?”

Tumutulo ang luha ni Thrale habang nakayuko. Walang tumulong luha sa akin dahil naiipon ang sakit sa puso. “Sorry, mom. Patawad po. Hindi ko  napigilan. Inaamin ko pong mahal ko talaga si Thrize—”

“Thrale, tama na!” Tumaas ang boses ni dad.

Kinontra ni Thrale ang aming tatay. “Dad! Minahal na ako ni Thrizel ulit. Nangako ako sa kaniyang ako ang haharap sa inyo. Ipaglalaban ko siya dahil mahal ko si—”

“Leo, stop!” Galit na rin ang boses ni Tita Line. Lumapit siya kay Thrale dahil sinuntok ito ni dad sa mukha kaya napatumba. “Intindihin niyo ang mga bata. Ano ba?”

Huminga ako nang malali. Nakita ko kasing gumitna ang nanay ni Link. “May tanong po ako.” Ito na yata ang oras para isahan nalang. Lahat sila ay napatingin sa akin. “Bakit nanggaling kay Tita Line ang private investigator? Bakit siya ang nakaisip?” Pinapakalma ko ang sarili dahil tila ako inuulanan ng kaba. “Ang sabi rin ni Link, may peklat sa tagiliran si Arella na galing sa inyo. Look mom, I have!” Pinapalakas ko ang aking loob. “May napapanaginipan po akong bata, kinakawawa ng kaniyang tatay...” Nagiging barag ang aking boses. “Iniwan siya ng kaniyang nanay sa bahay na ‘yon. Do you know who her mother is?” Bumaling ako kay Tita Line. “It’s Tita Line...” Pinipigilan ko ang aking pag-iyak. “Kamukha ko ‘yong bata pero may pinagkaiba kami... May peklat po siya sa mukha... Ngayon naguguluhan ako, kung patay na si Arella, bakit may ala-ala sa akin? Tell m—”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now