“Edi sana sinundan ko rin kayo kagabi. Nag tanong pa ako, pero okay lang. Nakita ko naman kagabi si R.A sa likod malapit sa bintana ni Ate Val tapos nakatingin siya sa bintana mo habang may kausap sa call. Nung lumabas ako sa Room ko, narinig kitang may kausap kaya alam kong si R.A na ‘yon. Pumasok lang ako nung marinig ko ‘yong pag hawak mo sa doorknob at sa pagkalabog sa likod.” paliwanag naman ni Violet.

Wala na akong kawala, parang lahat lang din sila nakakita sa pangyayari even though, hindi nakita ni Vida. Itong tatlo naman ang nakakita. Dalawang nakakita sa argh! Mygosh.

“teka nga? edi ano ‘yong nakita niyo? Vea, Venus. Ano? dali,”

“Oo nga, unfair! Ako lang talaga. pero maliban sa nakita at pagtatanong ko kagabi. tinanong ko sino ‘yong lalaki, sabi mo naman ate val. si R.A, so i bet. magkasama nga talaga kayo?”

“Tell the truth na kasi ate.” sabi naman ni Vea. eh, kung pagsa-sampalin ko kaya kayo dahil sa mga pinagsasabi niyo?

“Fine.” bumalik ulit ako sa upuan ko. saka muling i-kinuwento ‘yong nangyari.

Bigla naman kinikilig si Vea at Vida tapos palihim na natatawa si Violet, si Venus naman hindi ko alam kung anong nasa isip nito.

“OMG! Maybe siya si Rage?” sabi naman ni Vea. Nagsilingunan naman kami sakanya.

“oh, I get it. Remember nung sabi nila Stanley? Rage daw. then, biglang may nag message sa’yo. so, baka nga tama si Vea.” this time, si Vida naman ang nagsalita.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa amin, pero napagpasyahan din namin na umalis nalang. maging ako, basta nalang ako dinala ng mga paa sa lugar na feeling ko magiging okay ako, at mawawala ang bumabagabag sa isip ko. masyadong maraming tanong na pumasok sa akin kanina.

Hindi ko naman alam kung saan nagpunta ‘yong apat. Maaring may mga importante nga talagang pupuntahan, pero saan? saan yung importanteng lugar. minsan kasi araw araw na silang wala sa bahay. kahapon lang talaga kami nagkaroon ng pahinga at nung isang araw pero araw araw talaga kaming wala sa bahay dahil may mga bagay kaming dapat pagtuunan, hindi ko nga lang alam sa mga kapatid kong laging ding wala. Wala naman talaga dapat akong pake kung saan sila pumupunta. Hindi ko ba alam sa sarili ko.

Sigurado naman akong safe sila kung nasaan man sila. Nabigla naman ako nung may tumabi bigla sa akin pero hindi ko naman pinahalata. “What are you doing here?”

“It's none of your business, anyway.” sagot ko nalang atsaka muling tumingin sa kalangitan at tinanggal ang gloves ko dahil pinagpagan ko ’to saka nilagay sa bulsa bago magsalita muli. “eh, what about you? bakit ka nandito?”

“Wala lang. Binabantayan ka siguro?” tinignan ko naman siya matapos niyang sabihin ‘yon.

“Hindi mo naman kailangan.” sabi ko, paano kung malaman niya yung mga ginagawa ko? oh, gosh! no. hindi siya pwedeng ma-involve sa mga ginagawa kong hindi legal para sa mga mata niya.

“But i have to pero kapag sinabi mo naman sa akin, hindi naman ako susunod araw araw sa’yo.” sabi niya. tumahimik naman ako.

“then, huwag mo na akong sundan. kaya ko naman ang sarili ko. kahit sa bahay ka lang mag bantay pwede naman na. hindi mo kailangan bantayan ako araw-araw.”

“okay but text or call me, anytime. if you need my help.”

If i want tho. hindi ko naman kailangan ng tulong niya, gaya nga ng sinabi ko. kaya ko ang sarili ko hindi ko... no. i don’t know.

Marahan siyang tumayo. At hinawakan ang kamay ko. “Elle, hold my hand.”

Ano. Anong tinawag niya sa akin, Elle? tinignan ko naman siya, bakit ko siya hahawakan. Anong meron. “Why?”

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jan 26, 2023 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Mysterious LadiesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu