“Alalang-alala siguro ang boyfriend mo.” Pagsasalita ng driver kaya nalipat ang tingin ko sa harap. “Kapag nasa relasyon ka, hija. Kailangan mo talagang magsabi sa boyfriend mo kung saan ka pupunta. Pasensya na sa pangingialam.”

“Ayos lang po.” Bahagya pa akong ngumiti. “Saka hindi ko po siya boyfriend.” Napatango-tango nalang ang driver.

Binaba na ako ng taxi driver sa babaan dahil napansin ko si Silas na nakatayo sa waiting shed. Umalis na naman siya ng bahay? Saan ito pupunta? Wala siyang dala kahit ano maliban sa kaniyang aso. Para lang itong lumabas ng sandali para bumili.

“Hoy, anong ginagawa mo riyan?” Lapit ko sa kaniya. Nagulat pa siya nang makita ako.

“Saan ka galing, Thrizel? Bakit ka nakabihis? Nagsimba ka ba?” Kaswal ang kaniyang pagtatanong. Simula nang pumunta siya sa kanila, madalas nalang itong magbiro. Aaminin kong hinahanap ko ‘yon.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko. Bakit ka nandirito? Mag-isa ka pa, huh?”

May tiningnan siya sa kaniyang likuran. “May motor akong dala.” Tiningnan ko ang tinutukoy niya. Hindi ko masyado masipat pero ito ‘yong motor niya sa hideout ni Brooks.

“Papunta ako kila Link. Ikaw ba?”

“Sasabay na ako, parehas lang naman pala tayo ng pupuntahan. Nakalimutan ko kasi ang papunta kila Link, inaalala ko ngayon, hehe.” Nauna na siyang maglakad sa akin kaya nagtaka ako.

“Paano ang motor mo?” Muli kong tiningnan ang hitsura. Nasuri ko lang nang umalis siya dahil natatakpan kanina. Himala, bumago?

Humarap ito sa akin habang nagkakamot ng batok. “Hindi akin iyan e.” Natawa siya sa sinabi niya. “Actually, nag-123 lang talaga ako sa jeep. Wala akong pera e.” Napailing-iling ako at sumunod na sa kaniya. Inakbayan ko pa ito sa balikat. Wala naman siyang naging reklamo.

Nadaanan pa namin ang ilog kung saan may nabuo akong ala-ala kasama si Callum hanggang matanaw ang bahay nila Link. Binaba ni Silas si Smurf para maglakad at tumakbo. Ako naman ay nagunot ang noo dahil nakita ko si Thrale na nakatayo sa gate.

“Anong ginagawa mo riyan? Patirik na ang araw.” Puna ko rito.

Nawala ang paningin niya sa kawalan nang lingunin niya ako. “Nagbibilang ng eroplanong dumadaan.” May pagkabanas sa kaniyang boses kaya nagsalubong lalo ang aking mga kilay.

“Seryoso ka?”

“Hindi ba halata? Malamang hinihintay ka.”

“Ang init ng ulo mo.” Kalmado kong sabi at nauna nang pumasok sa loob. Nakasunod sa akin si Silas.

“Kanino ka ba nakipagkita? Kay Brooks?” Nakasunod siya sa akin.

“Ano namang pakay ko kay Brooks? Kaibigan mo iyon, alam mo kung saan pupunta.” Natunton ko ang sala, nakita ko si Tita Line na naghihiwa ng mga gulay. Mukhang naghahanda palang sila. “Hello, Tita Line, good morning po. Where’s Link?”

“Sinundo ang mga ibang kaibigan niya, Thrizel. Kakaalis lang.” Sigurado akong kasama na roon si Dominic. Kaya ba nakilala nila mom si Dominic dahil kay Link? Hays, malabo.

“Si Brooks ang una kong tinawagan pero ayaw sumagot kaya pumapasok sa isip kong nakipagkita ka roon.” Hinarap ko si Thrale na nakaupo sa sofa habang nakapikit. Hindi pa pala siya tapos?

“Overthink ‘yan?” Tugon ko. Kinuha ko ang carrots na hinugasan sabay kinain. “Sana pinatrack mo na rin kay Link ang numero ni Brooks para alam mo.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now