Chapter 10

84 12 0
                                    

Chapter 10 : Syinara's POV

"What the..."

"What happened?"

"Gosh, is Syinara okay?"

"I'll check the CCTV."

Nagising ako dahil sa ingay. Napatingin ako sa gumawa ng ingay na 'yun. And of course, it's them. Zeik, Cry, Zon and Zin.

"Ano ba? Ang ingay nyo!" Inis na saway ko sa kanila. Agad silang nagsilapitan maliban kay Zon na lumabas.

"Did something happened here last night?" Cry.

"Are you okay?!" Zin.

"I told you, you need someone by yourside but you just push me away." Zeik.

Napairap ako. Alam nyo yung nakakabwisit ngayon? Yung ginising ka nga nga nila, tinanong ka pa with sermon. Puyat ako! Puyat! Sinira nila tulog ko! Grr.

"Ayokong sagutin tanong nyo at ayoko rin marinig sermon nyo. Puyat ako kagabi kaya hayaan nyo akong matulog." Saad ko at nag talukbong ng kumot. Pero hinila din yun ng kung sino. Tinignan ko naman ng masama ang hinayupak na gumawa non.

"We don't care if you're puyat. Wake up and get your self together. Kailangan mong sabihin kung ano ang nangyari dito." Utos ni Cry.

"Tama." Tango pa ni Zeik.

Naiinis akong bumangon. Kaso biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi kaya dahan dahan ulit akong humiga. No, i can't. Wala akong maisasagot sa kanila kung sakali. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang nangyari.

"What are you doing?" Tanong ni Cry.

"Oo nga, anong ginagawa mo?" Gaya ni Zeik pero hindi namin sya pinansin.

"A-ah eh, inaantok pa talaga ako. Mamaya nalang kayo mag tanong pag gising ko." Sabi ko pero mukhang walang talab.

"No, you need to explain now. This is not joke, Syinara. You're newbie here pero nabugbog ka na at ngayon we saw this two door na sira." Conyo na saad ni Cry.

"Agree. Kailangan mo mag explain ngayon." Gaya nanaman ni Zeik kaya tinignan na namin sya ng masama. Inosente syang tumingin sa amin. "What? Did i say something wrong?" Tanong nya.

"Mukha mo wrong." Sagot ni Zin.

At dahil si Zeik bilang Zeik, syempre gaganti 'yan kasi pikon sya. "Talaga, Zin? Ikaw kausap ko? Ikaw? Ikaw?" Asar na balik ni Zeik.

"Oh, easy lang Mr. Pikon. Nagmumukha kang nauulol na aso. Take it easy." Natatawa pang sabi ni Zin kahit nangaasar talaga sya.

"Zin, tingin ka nga sa ibang salamin. Wag kang manalamin sa akin."

"Sinasabi mo bang mukha akong aso?"

"Ikaw nagsabi n'yan. I didn't say anything na mukha kang aso."

"Ayan oh, kakasabi mo lang!"

"We're talking about earlier, not now. Don't make it obvious na asar talo ka, Ms. Loser."

Sasagot pa sana si Zin nang biglang humarang sa pagitan nilang dalawa ni Zeik si Cry na walang emosyon ang mukha at halatang iritado na.

"Tumahimik kayong dalawa dahil ako mismo mag tutulak sa inyo sa palabas ng dorm na 'to." Sabi ni Cry kaya natahimik yung dalawa.

Napailing nalang ako. Mukhang hindi na ako makakatakas sa kanila. Mag papaliwanag at magpapaliwanag talaga ako dahil narinig ko kanina si Zon na titingin sa CCTV so anong pang takas ko? Kaso anong ipapaliwanag ko?

><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><

"So you're saying these two motherfvckers pointed a fvcking gun at you and asked what was your relationship with us?" Galit na tanong ni Zeik.

Uh, oh. That was a big wrong move for me to say that. Pero mas big big wrong move kung sasabihin kong nag kausap kami nung gunggong na Kye na 'yun. Mas okay kung hindi nila alam ang pag uusap na 'yun.

"Oo. Pero easy ka lang. Wala namang ginawang masama. Basta sabi ko lang kakilala ko lang kayo. That's it. Don't worry, okay lang ako. Hindi na dagdagan sugat ko." Katwiran ko para mapakalma sya.

Seryoso nya akong tinignan na parang sinusuri ako pero dahil magaling akong mag tago ng reaksyon at emosyon, hindi nya nahulaan ang iniisip ko. That's my talent. I can change my emotion and expression whenever I want to change it. I could manipulate it. For example, I'm not comfortable but I don't want anyone to notice it so I put a comfortable look on my face. In short, they can't read me. They don't understand how I feel. They can't predict what's on my mind.

"Fine. Pero dito na ako matutulog para may bantay ka. Doon ka muna sa kabilang kwarto at dito na muna ako sa kwarto mo dahil sira ang pinto. Hangga't hindi pa naaayos ang pinto, doon ka muna sa kabilang kwarto." Aniya kaya napangiti ako.

"Okay, lolo." Sagot ko at mapang asar na ngumiti dito.

Sumimangot sya. "Lolo ka d'yan. Baka nakakalimutan mo, baby face ako at mas mukha kang gurang sa akin." Sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi nya kaya agad nyang binawi ito. "Hehe, joke lang. Hindi ka naman mabiro. Mukha ka pa ngang sanggol eh." Anito. Pagkasabi nya, nagmamadaling umalis sya sa sala at tumungo sa kusina.

"That guy... may girlfriend na pero isip bata parin." Rinig kong komento ni Cry. Natawa ako.

"Hayaan mo sya. Hindi nya kasi nasulit ang childhood nya dati dahil may nangyari. Kahit pa man noon ay ganyan na sya kaso dahil nga sa nangyari hindi na nya ulit nasulit ang pagiging bata nya. Kaya siguro ngayon nya nalang ulit binuhos ang pagiging isip bata nya." Sabi ko.

"I wonder kung ano nangyari sa past nya." Sambit nya.

"Wag mo tatanungin sa kanya, ha. Masamang magalit ang isip bata na 'yan." Saad ko sabay tapik ng balikat nya.

Biglang dumating si Zon na may hawak na laptop at inilagay ito sa harap namin. Tumingin sya saglit sa kambal nyang nakatulog sa isa pang sofa at napailing bago tumingin sa amin.

"These two guys are unfamiliar to me." Aniya at pinlay ang Video sa laptop nya.

Ayun yung time na sinira ang pinto ng dorm ko ng dalawang lalaki. Sinilip ko si Cry na titig na titig sa laptop na tila pinag aaralan ang dalawang lalaki.

"They are not familiar to me either." Saad nya.

"Asan? Asan?" Biglang sulpot ni Zeik at tinignan ang laptop.

"Si Cali 'yan, ah?"

Bigla kaming natigilang apat nang biglang sumulpot yung babaeng pasimuno sa pangbubogbog sa akin. Nakita namin na bahagya syang sumilip sa loob ng dorm ko. Sandali syang nakatingin doon tsaka sya walang pakealam na umalis.

Nung time na 'yon, paniguradong yun yung time rin na kausap ko si Kye. Hindi nya maririnig ang usapan namin ni Kye pero makikita nya ang loob ng kwarto ko so it means she saw that two mens pointed a gun on me but she didn't heard our conversation.

"S'ya ba yung bumugbog sa'yo, Syan?" Tanong ni Zeik. Tumango ako. "Tsk. Hindi namin sya pwedeng bawian o saktan din katulad ng ginawa nya sayo dahil may kapit sya. Kumbaga, magkasing yaman sila ni Zero kaya wala kaming lakas para bumawi sa kanya." Dugtong nya.

Wala naman akong planong bumawi. Ang gusto ko lang, huwag na sanang maulit 'to. Ayoko ng maulit ang pangyayari na 'yon dahil uulit din ang bangungot ko at baka hindi na ako makatulog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Heirs (On-Going)Where stories live. Discover now