Chapter 35: HE'S BACK

ابدأ من البداية
                                    

“Marasigan, you better go to the stage. Magsasalita na yung mga principals.” Sir Hilario said.

“Sir, I can’t host the party anymore. Sorry” Tinignan niya muna ako bago nagsalita.

“You know, the two of you really look good together. The way na magtinginan kayo kanina, it’s very different to the point na kinikilig yung iba sa inyo. Now, why am I saying this to you? It’s because I want you to do something. Apologize and gain her trust again. I don’t know what happened to the both of you pero kung wala kang gagawin, I’m telling you Ethan, It will be your loss.” Tapos nagsmile siya at agad na umakyat sa stage at siya na yung nagintroduce sa mga principals.

My loss?

 [Pagkatapos ng party]

“Kuya…” Sabi sakin ni Monique.

“Wag ka ng sumabay sakin ngayon. Kila Bryan ka na muna”

“Sige. Pero di yun yung pakay ko eh. Kuya nagtext si Mama…”

“Oh anong sabi?!”

“He’s Back.” Sa pagkasabi ng kapatid ko nun. Lalong uminit ang ulo ko. PUCHANG BUHAY TO!

“F*CK. NO WAY!” Ayaw ko. Ayaw kong maniwala na ang isa sa mga taong lubos na kinaiinisan ko ay babalik matapos ng halos dalawang taon.

“I know pero, sabi rin ni tita. Bumalik na siya sa pinas kanina. Biglaan lang din daw.” Si tita na rin pala mismo ang nagsabi. Yung hinayupak kong pinsan eh bumalik na sa pinas pagkatapos siyang ipadala sa amerika two years ago.

“Sh*t. Not now!!!” Kung kelan naman medyo magulo yung buhay ko tsaka ulit siya babalik. At sa oras na malaman niya na magulo ang buhay ko, for sure he’ll do anything para mas lalong guluhin iyon. He will do anything para makapaghiganti sakin kasi isa ako sa dahilan kung bakit siya sapilitang pinadala sa amerika.

“Nako kuya. You’ve got nothing to worry about. I guess he won’t dare to do anything stupid again.”

“I doubt that.”

“Aynako. Ay! Kuya kila Lexi na lang ako sasabay ha.”

“Bahala ka” Tapos umalis na siya.

“Yow pards, uwi na tayo?” -Bryan

“Siguro papalamig muna. Pupunta muna ako sa Caps (CAPS LOCK – Isang sikat na bar)”

“Oy sama ako diyan!” –Bryan

“Teka, hatid ko muna si Lexi susunod na lang ako.”

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن