Sino ba naman kasi ang hindi maiinis at manggigigil, 'di ba? Kahit pa sabihin na Boss niya iyon, wala iyong karapatan na kausapin siya o ninuman sa ganoong paraan. Dapat naman kausapin siya ng maayos. Hindi iyong harap harapan siyang kakausapin ng ganoon sa harap pa naman ng mga ka-trabaho niya. Hindi man lang ba niya naisip na nakakahiya? At parang tinanggalan siya ng mukhang ihaharap sa kanyang mga ka-trabaho?

Mukha yatang nag-uumpisa pa lang ang pagsubok niya!

"Yeah, because the next time you do it again," Naglakad na si Adam at huminto sa kanyang harapan. Hindi niya maiwasan na mapalunok, sobrang lapit nilang dalawa sa isa't isa. "I'm sorry too, but I won't hesitate to fire you." Nakangising ani ni Adam bago siya tuluyan na lagpasan nito.

Hindi kaagad nag sink in sa utak ni Kelly ang sinabing iyon ni Adam, napaawang pa ang kanyang labi. Hindi siya makapaniwala! Kailangan pa ba na umabot sa puntong iyon?

Nabalik lang siya sa reyalidad ng makita na dinumog siya ng mga ka-trabaho niya.

"Ayos ka lang ba?" Marahan na tanong ng isang ka-trabaho niya. Hindi niya magawa na sagutin ang mga ka-trabaho niya, pero ramdam niya ang pag-aalala nila sa kanya.

"Gusto mo bang kausapin namin ni sir?" Suhestyon pa ng isa.

"Hayaan mo na muna, baka masama lang talaga ang gising ni sir. At nadamay ka lang talaga." Pag-alo naman ng isang lalaki, marahan pa na hinahaplos ang kanyang likod.

Tipid lang siyang ngumiti sa mga ka-trabaho niya at tahimik na tinungo ang kanyang upuan. Mabuti naman at naintindihan iyon ng mga ka-trabaho niya dahil hinayaan lang siya. Kahit wala siya sa sarili, nagawa pa rin niyang magtrabaho na para hindi na siya pansinin pa ng kanyang mga ka-trabaho.

Iyon pa naman ang pinaka-ayaw niya, ang pagtuunan ng pansin ng mga taong nakapaligid sa kanya.

NANINGKIT ang mata ni Adam nang makita iyong pag haplos ng kamay ng isa sa mga ka-trabaho ni Kelly sa likod nito. Hindi niya nagustuhan ang ideya na iyon!

What the hell is that man thinking? Does he want to disappear from his job? Or maybe in this world?

Hindi niya dapat palampasin iyon!

Hinanap niya ang record ng mga employees niya sa branch at doon niya nakita ang apelyido ng lalaki.

"Mr. Prado, come into my office now!" Anunsyo ni Adam sa intercom.

Segundo lang nang pumasok agad ang kanyang empleyado. Nang makita niya iyon ng malapitan parang mas lalong sumama lang ang kanyang pakiramdam.

"What do you think you're doing?" Matigas niyang bungad. Hindi niya man lang binigyan ng pagkakataon na magsalita ang kanyang empleyado, kahit pa man ay paupuin iyon hindi rin niya nagawa.

Nagtataka man ang empleyado niya. Ngunit, nagawa pa rin siyang sagutin. "W-What do you mean, sir?" Kabadong tugon ni Mr. Prado.

Tinaasan iyon ng kilay ni Adam. "Comforting a woman? May pa-haplos ka pang nalalaman?"

"What's wrong with doing it? I am being nice to her, sir." Depensa naman ni Mr. Prado.

Sumama ang timpla ng mukha ni Adam, hindi niya nagustuhan ang sagot ng kanyang empleyado. Akalain mo talaga iyon na ang pinaka-maling sagot. "Nice my ass! I don't need you to be nice to her. Your responsibility here is to do your job. Aside from that, wala na! You should be minding your own business." Tunog man paalala iyon, pero parang ang naging dating nang sinabi ni Adam, isang banta.

"I don't get it, sir." Umiling-iling pang sabi ni Mr. Prado, naguguluhan pa rin sa nangyayari. "Ka-trabaho ko po siya, kaya normal po iyon na damayan ko siya. Kahit sino naman po sa kanila, ganoon din ang gagawin ko. At alam ko pong nasaktan siya sa mga sinabi ninyo." Talagang ipinaglalaban pa niya ang kanyang punto, parang hindi man lang naalarma sa sinabi ni Adam.

"Why? Do you prefer to hear it yourself instead?" Taas kilay pa niyang tanong. Kaunti na lang talaga, mauubos na ang kanyang pasensya.

Mabilis naman na umiling ang kanyang empleyado. "N-No, sir!"

"Get out!" Sigaw ni Adam, tinuro pa ang pinto.

Nakita pa niya kung paanong aligaga na lumabas ng pinto ang kanyang empleyado.

That is what you deserve!

Napahilot na lang sa sentido si Adam. Mariin siyang napapikit! Umagang umaga, talagang sinusubukan siya.

Where the hell are they getting their confidence to answer me back?

Handa na sana siyang isandal ang likod niya sa kanyang swivel chair. Kaso muling nagkasalubong ang kilay niya nang makita si Kelly na may kayakap na lalaki sa labas ng kanyang opisina, kitang kita niya iyon sa cctv sa kanyang gilid. Nang humiwalay ang lalaki, doon niya malinaw na nakita na si Alex pala iyon.

"Miss Tolentino and the guy with you, come to my office now!" Walang pagdadalawang isip niyang anusyo, sa galit pa rin na tono.

Mukha yatang mahihirapan siyang pahupain ang galit niya sa mga nakikita niyang pangyayari.

"Did you forget that you are at work, and yet you two are flirting?" Bungad niya sa dalawa nang makapasok ang mga iyon sa kanyang opisina. Hindi niya gusto ang choice of words niya, pero sadyang hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

Hindi lang masakit ang kanyang mata sa nakikita, para siyang mababaliw sa mga oras na iyon.

"I am not flirting with her, sir!" May diin na tugon ni Alex. "I am comforting her."

Tumaas ang kilay ni Adam. "You mean com flirting, huh?" May diin niya pang bigkas sa mga salita.

Sa mga oras na iyon, kulang na lang kung irapan ni Alex si Adam. Kung hindi lang talaga niya Boss. "If that's what you want, sir." Tila sumusuko na wika ni Alex, ayaw niyang makipagtalo pa sa kanyang Boss. Baka kung saan pa mapunta ang kanilang usapan kapag pinagpilitan pa niya ang kanyang punto, kahit naman nakikita niyang malabo na sumuko rin si Adam pagdating sa ganoong klase ng sagutan.

Hindi na pinansin pa iyon ni Adam. Nawala saglit ang atensyon niya sa dalawa nang may kinuha siya sa kanyang drawer. Sinenyasan niya si Alex na lumapit tsaka niya iyon inabot. "I don't want to see your face here, so buy that!" Utos niya.

Gustong ipakita ni Alex ang hindi makapaniwala niyang mukha sa kanyang Boss, pero hindi na siya humugot pa ng lakas ng loob para gawin iyon. Binalingan na lang niya si Kelly sa kanyang likod, na hindi man lang nagawang sumagot sa kanilang usapan. Pinaparating niyang aalis siya, kahit naman narinig pa iyon ni Kelly na sinabi ni Adam.

Hindi naman inaasahan ni Alex na lalapit pa si Kelly sa kanyang tabi. "Samahan ko na po siya, sir." Magalang pa rin na sabi ni Kelly, tila balewala sa kanya iyong mga sinabi ni Adam kanina. Kahit pa iyong mga kakasabi lang ngayon ni Adam ng magkaharap silang tatlo.

"Look at me," Utos ni Adam kay Kelly. Hindi kasi magawang matingnan ni Kelly ito. Kahit man ayaw ni Kelly ang ideya na iyon, dahan-dahan pa rin siyang nag-angat ng tingin at sinalubong niya ang tingin ng kanyang Boss. "Did I ask you to come with him?" Pormal na tanong ni Adam, kahit man iba na ang kanyang nararamdaman pinilit niya pa ring magtunog normal ang kanyang pagkakasabi.

Umiling naman si Kelly at mabilis na iniwas ang tingin sa kanyang Boss. Hindi talaga niya matagalan. "Nagvo-volunteer lang po ako, sir." Pagtama naman niya.

"Stay your eyes on me!" Muling utos ni Adam, ngunit nakikiusap ang kanyang tinig. Napakagat na lang sa labi si Kelly dahil sa hiya na nararamdaman niya. Sa isip-isip nito, kailangan pa talaga niya iyon sabihin? "I repeat, did I ask you to come with him?" Tanong muli ni Adam, sa mahinanon ng paraan.

Tila na-hipnotismo si Kelly sa tinig na iyon ni Adam at hindi na niya nagawa na alisin pa ang tingin sa kanyang Boss. Nagawa pa niyang umiling. "N-No, sir."

Lihim na napangiti si Adam sa kanyang narinig. Bago muling magseryoso.

"Then, stay here." Puno ng awtoridad niyang utos. "Stop with your volunteerism act."

Itutuloy...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon