CHAPTER 3

410 8 0
                                    

Huna

Pagdating ng time off ko ay mabilis akong nagligpit at isinuot ang blazer bago sumakay ng elevator.

Baka mamaya nakaalis na si Lila— Aish, ang weird parin banggitin ng pangalan niya lalo na at kapangalan niya ang aso ko pero mahal ko naman ang aso ko. Katulad ng nararamdaman ko sa kaniya.

Yup, I love her. Sa tagal ba naman ng araw na nakalipas. Pero, nainlive talaga ako sa kaniya una palang naming pagkikita which is 'yonv Aksedenting natamaan ng sinipa niyang bato ang noo ko.

She's so cute and pretty. Hoo, my heart.

Sa tuwing nakikita ko siya, lagi nalang hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Suwerte ko nga at naging kaibigan ko siya.

But I'm not planning to be stuck with that relation to her. 'Cause I want to be her forever. Wow, ang advance ko naman.

But really, I am sure about this. Actually, I'm planning on Courting her but firstly first, I ask permission to her parents na hindi naman niya alam na nag-uusap kami ng mga magulang niya.

Pumayag naman sila na ligawan ko ang anak nila, as long as hindi ako magluluko. Ako magluluko lang kapag hindi niya ako niyakap, joke, I don't do cheating and I won't gonna do that.

Gusto ko kapag naging kami, mararamdaman niya segu-segundo, minu-minuto, oras-oras at araw-araw ang labis na pagmamahal ko sa kaniya.

Argh! I'm going crazy towards her.

Lumabas na ako ng elevator ng magbukas iyon at seryoso ang mukhang naglakad papalabas ng kompanya.

I don't want to waist any time baka mamaya naka sakay na siya at nakauwi na. I will not allow her! Surely.

Nasanay na akong hinahatid siya at kung minsan ay sundo, pero gusto ko naman. Dahil nga kaibigan ko siya. Argh, I don't do friends! I do Love ship.

Hasyt, darating rin tayo diyan.

Nang makalabas ng kumpanya ay agad kong tinakbo ang daan papunta sa lagi niyang tinatambayan at nakahinga ng maluwag ng makitang nasa kabila siyang kalsada at naghihintay ng taxi.

Mabilis akong pumuntang parking lot at kinuha ang sasakyan. Nang makasakay ay minaneho ko iyon at hininto sa harap ni Lila.

Lumabas ako ng sasakyan at pumunta sa tabi niya. Nginitian niya ako na muntik ng nagpatay sa akin, just kidding. Nakakalusaw kasi ang mga ngute niya. Lalo tuloy akong nahuhulog.

"Hello." Bati nito.

"Hi rin. Sakay kana." Hindi ko siya hinayaang siya ang magbukas ng pinto ng upuan katabi ng druver seat.

"Alam mo, nasasanay na ako sa mga paganiyan-ganiyan mo Huya. Para mo na rin akong tinatratong Prinsesa at isa pa, Boss pa kita." Ani nito bago pumasok sa loob.

Nang makaupo siya ay nginitian ko ito.

"Payag naman akong maging Prinsesa kita." Bulong ko. Taka naman niya akong tiningnan.

"Ano? May ibinubulong kaba?" Agad akong umiling at bahagyang tumawa. Isinara ko nalang ang pinto at umikot bago pumasok sa driver seat.

Ilang sandali pa ay nasa daan na kami at bumabyahe papuntang bahay niya.

Panay rin naman ang daldalan naming dalawa.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang Boss namin? Nakakahiya tuloy. Pero swerte ko naman at naging kaibigan ko ang Boss. Grabe, siguro kapag nalaman ng mga etsapwera kong mga katrabaho mahihimatay sila sa inggit." Napailing nalang ako at bahagyang tumawa dahil sa kadaldalan niya.

Nakakatawang Isipin (GxG)(Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon