CHAPTER 32

43.3K 1.3K 112
                                    

MADELINE

     AYON pinalitan nga ni Karson ang sofa, ang sahig niya ay pinalagyan din niya ng carpet para daw hindi masaktan ang mga bata kapag malaglag.

"Mamu, Dede ako." Sabi ni Slex. "Isa lang po."

"Laki mona dapat awat kana din, gayahin mo si Nlex sa baso na lang nag iinom ng gatas." Sabi ko dito

"Ayoko, mas masarap milk mo." Malantod na sabi nito

Hiniga ko siya sa lap ko at inumpisahang padedehin.

"Paubos na gatas ni Mamu." Sabi ko dito. "Dapat matuto kang uminom sa baso."

Tumango lang ito.

"Slex, akala koba lalag–" Nahinto si Karson sa pagsasalita ng makita kami ni Slex. "Sige Dede ka muna."

"Ano bang gagawin nyo?" Tanong ko

"He want to put make up in my face." Sagot nito. "Aayusan niya daw ako, ayaw kasing pumayag ni Jomuela."

"Okay lang sayo?"

"Ofcourse, I'm his Father, I will do everything just to make him Happy."

Ang na-iimagine ko dati, kung sakali mang makita ni Karson si Slex ay hindi niya ito matatanggap kasi nga malambot, akala ko magagalit ito pero nagkamali ako.

Pantay ang pagmamahal niya sa kambal at lahat ng luho ni Slex sa make up ay binibigay niya, support siya sa lahat ng kalandian ng Anak naming panganay.

"Anong feeling ng may Anak na beki?" Tanong ko dito. "Tapos panganay mo pa."

"I felt lucky." Nakangiting sagot nito. "So, what if he's gay? He's my son after all, I'll support him in everything he want, If he's happy for being a gay then I will let him. Hindi mababawasan ang pagmamahal ko sa kanya, mamahalin ko siya kahit ano pa siya."

"Astig noh? Mafia ka tapos yung panganay mo bading."

"Well, I'm proud."

"Maraming salamat sa pagtanggap sa kanya." Nakangiting sabi ko dito.

"No, Thank you for raising them."

"Tapos na aketch." Tinago ni Slex ang Dede ko at tumayo. "Papu, let's start na sa make up."

"Wait, kukunin ko lang ang make up ni Tita Jillian mo."

Nagmamadali itong pumasok ng kwarto niya, pagbalik niya ay may dala na siyang sandamakmak na make up.

"Come on my little kiddo, put make up on Papu's face."

Humagikhik lang ang baklita bago umpisahang drawing-an ang muka ng Papu niya.

Nasa ganon kaming posisyon ng may nag-doorbell, nagkatinginan kaming lahat.

Tumayo si Karson at binunot ang baril niya, dahan dahan itong lumapit sa pinto ng condo.

Binuksan niya ito at mabilis na tinutukan ng baril sa muka ang tao sa labas.

Napaawang na lang ang bibig ko ng makilala kung sino yun.

"Papa!" Masayang tawag ni Jomuela at agad lumapit dito. "Papa!"

Napatingin ako kay Jomuela, gulat na gulat din ang itsura nito.

"J-Josuel.."

"Sorry for interrupting your day." Tumikhim ito. "Are you Karson Walter?"

"Yes." Seryosong sagot ni Karson

"I'm Josial Haudo, the heir of Haudo Clan." Seryosong pakilala nito. "I'm Josuel twin."

Twin? Kambal?

"Come in." Gumilid si Karson

"Uhmm.." Napatingin itong Josial kay Jomuela na nakayakap sa binti niya.

"P-Pasensiya na." Agad nilapitan ni Jomela ang Anak at nilayo dito. "Anak, hindi siya si Papa mo."

Pumasok si Josial at naupo.

"Mamu, chupapi." Bulong sakin ng malantod kong panganay.

"Magtigil ka." Mahina ko itong kinurot sa tagiliran.

"What do you need?" Seryosong tanong dito ni Karson na nakaupo na sa tabi ko.

"I'm Agent, and I'm here because of Josuel's death." Sabi nito. "I'm here to arrest Joel Walter."

"I want to give him to you but sorry Joel is mine." Ngumisi si Karson. "I will kill him, he doesn't deserve his life."

"That actually my plan too." Ngumisi ito. "Palalabasin ko lang na nanlaban siya, he take my twin's life, so I will take his life too."

Napangiwi na lang ako dahil pakiramdam ko pinaliligiran ako ng mga Dimonyo–gwapong Dimonyo.

"Papa!" Lumapit ulit si Jomuela dito. "Papa, ikaw po, Papa ko. Diba tama ako babalik siya."

"Anak, hindi siya si Papa mo, kakambal lang siya ni Papa mo." Paliwanag dito ni Jomela. "Parang si Nlex at Slex."

"Siya pala ang Anak ng kapatid ko." Ngumiti si Josial kay Jomuella. "Come here baby."

Lumapit naman dito si Jomuela at agad yumakap.

"Papa ko."

Ramdam ko ang pangungulila ni Jomuela sa Ama niya.

"Naaamoy kona ang future pangalawang manugang ko." Ngiting ngiting sabi ni Donya Karlina.

"Slex, continue your doing." Sabi ni Karson sa panganay. "Sige na, pagandahin mona si Papu."

"Yes Padir hansam."

Napatingin lang ako kay Jomuela na titig doon kay Josial, sinunggo ko ang balikat nito.

"Yung mata mo nag-ha-heart shape." Bulong ko dito. "Paalala lang hindi si Josuel yan, pero keri pa yan kapag single kaso mukang may asawa, tingnan mo may singsing na."

"Ang issue mo kahit kailan." Umirap ito sakin. "Hindi ba pwede happy lang ako kasi kasundo niya agad si Jomuela?"

"Laos na 'yang palusot na yan." Nilingon ko si Josial. "Kasal kana Josial?"

"Engaged." Sagot nito habang nakangiti.

Nilingon ko si Jomela. "Pwede pa yan, agawin mo."

"Tumahimik ka, hindi ako malandi kagaya mo!"

"Mas nauna kang nabuntis sakin girl."

Sinamaan ako nito ng tingin pero inirapan ko lang siya.








A/N: HMM?

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon