Chapter 4

291 27 26
                                    

        Hinawakan ni Zhemrel yung buhok ko tapos sinabunutan ako dahil sa sinabi ko sa kaniya.

choss lang!

Hindi yun magagawa ni Zhemrel kahit pa magtagis pa buong bagang niya, kasi nga ako si Luissa, duhh!

Kaya nanatili na lamang siyang seryoso pero halata sa mga mata niya na nagpipigil siya ng galit sakin.

Sorry bebe ko!

"Paano mo nalaman ang hinggil sa aking sekreto?" Tanong niya ulit sakin habang nakatingin ng nakasulubong ang makakapal niyang puting kilay.

"Ahh, ano..may third eye kasi ako, kaya nakikita ko yung future!" Nababangag na sagot ko.

Huh?

Hakdog!

Napakunot na naman ang noo ng bebe labs ko dahil sa sinagot ko.

"Charot lang! Narinig ko lang yun sa mga kaibigan mong kawal!" Sabi ko pa ulit.

Pero mukhang hindi naman naging kombinsido si Zhemrel sa naging sagot ko.

Buti nalang may dumating na knight sa kwarto niya.

"Zhemrel!" Tawag nito sa kaniya nang makapasok sa kwarto. Tapos namilog yung mga mata nung knight nung makita ako.

Yumuko naman agad yung knight at nagbigay ng galang.

"Magandang Araw, Prinsesa Luissa." Magalang na bati nung knights sakin. Napaisip naman ako kung sino tong knights na to, para kasing familiar yung outfit niya sakin.

Ahh, alam ko na siya si Gregorio Del Pillar, ang bayani ng america yung pumatay kay Lapu-lapu!

Choss lang!

Siya si Gregor, ang vice general na siyang bestie nitong si Zhemrel.

Pasiple itong sumilip doon sa kamay ni Zhemrel na nakapatong sa lap ko. Napansin naman agad yun ni Zhemrel kaya tinanggal niya yung kamay niya sakin.

"Paumanhin kamahalan ngunit may mahalaga kaming bagay na pag-uusapan ni Gregorr." Seryosong sabi ni Zhemrel.

Nag-nod naman ako bilang pagsang-ayon, tapos nagpaalam na si Zhemrel pati yung knights.

Lumabas na sila sa kwarto tapos naiwan akong mag-isa.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Yesss! Save by the knight!!

Nahihirapan pa kong mag imbento ng explaination kay Zhemrel, kung paano ko nalaman ang secret niya. Buti nalang dumating si Gregorr!

Humiga ako sa kama ni Zhemrel tapos feel na feel ko yung kama niya.

Gass! Ang bango-bango talaga ng kama ni my labss!!

Niyakap ko yung malambot na unan niya na kulay white na singkulay ng buhok niya.

Mahigpit yung pagkakayakap ko dun na para bang gigil na gigil ako.

Iniimagine ko na si Zhemrel yung unan! Tapos kini-kiss pa yun ng bonggang-bongga tapos nagpapagulong-gulong pa! Yayy!

Para na nga akong timang!

Pero natigilan ako ng bigla nalang bumalik si Zhemrel sa kwarto niya, kaya pinikit ko agad yung mga mata ko tapos nagtulog-tulugan.

Kunwari humihilik pako, as if naman mapapaniwala ko siya na tulog talaga ako.

Gass! Pinapahiya ko lang sarili ko kay Zhemrel!

Narinig ko nalang na parang natigilan rin si Zhemrel ng maabutan ako na parang tanga sa kama niya. Tapos napabuntong-hininga siya. May kinuha lang ata siya sa wooden drawer niya which is damit siguro tapos umalis din agad.

Saving the Second Male Lead (Hiatus)Where stories live. Discover now