CHAPTER 44: Surprise!!

20 1 0
                                    

Forever You
[JeongMi Fanfic Story]

CHAPTER 44: Surprise!!

Ilang araw ang lumipas, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Bambam na masabi ang nalaman niya dahil sa naging busy sila nang sumunod na mga araw. Marami ang nag-enroll sa kanila ngayong buwan at lahat ay may sasalihang contest sa susunod nang buwan.

Habang ngayon araw naman ang huling araw na mga dalaga't binata sina Mina at Jeongyeon. Ang araw din nito ay ang petsa kung kailan nagsimula ang relasyon nila noon. Ang araw na isinigaw ni Mina sa buong Cafeteria ng kanilang school ang tungkol sa kanilang relasyon. Kahit peke lang yun nung una, dun pa rin naman daw sila nagsimula na ibigin ang isa't isa.

"Mga besh, mamaya ah. Hang-out tayo. Mina, isama mo na itong si Betty." Saad ni Nayeon.

"Yan! Diyan ka magaling sa inuman. Tapos sa huli, ano? Daig mo pa na-heartbroken kung mag-emote." Pasaring naman ni Jihyo.

"Nandiyan naman kayo eh. Tatlo kayong aalalay sa akin. Pwede niyo namang tawagan sina Dahyun para tulungan kayo." Sagot naman ni Nayeon sa kaibigan.

"May sariling lakad naman ang mga yun. Hayaan na muna natin sila." Ani Jihyo.

"Speaking of lakad, may sinabi ba si Dahyun sayo sa mangyayaring party nila mamaya para kay Jeongyeon?" Tanong naman ni Nayeon.

"Wala, bakit?" Sagot ni Jihyo.

"Iniisip ko lang kasi, bakit ba hiwalay ang party? Paano kung mambabae ang mga yun?" Reklamo ni Nayeon.

"Hays alam niyo? Buti pa itong si Mina kalmado lang. Kayo? Baka kunti na lang mag-collapse kayo diyan dahil sa high blood. Alam niyo namang hindi pwedeng magkita ang dalawang ikakasal bago ang mismong araw na yun di ba?" Singit naman ni Betty.

"Eh bakit kasi may pamahiin pa? Ang luma na niyan." Ani Nayeon.

"Alam kong hindi naman babaero si Jeong. Pero yung dalawang yun, mas lalo na si Dahyun, alam kong puro kalokohan na naman ang gagawin nun." Dugtong niya.

"Hayaan mo na. Kung totoo man, talagang makukuha niya ang hinahanap niya." Saad naman ni Jihyo.

FAST FORWARD

[Boys convo]

"Bro, handa ka na ba sa surpresa namin sayo?" Tanong ni Dahyun kay Jeongyeon.

"Alangan namang hindi. Pinaghandaan niyo ito eh." Sagot naman ni Jeongyeon.

"Hanggang ngayon, bro? Kailan ka ba aayos ng sagot? Palagi na lang patanong." Ani Dahyun.

"Kapag umayos na rin kayo." Sagot naman ni Jeongyeon dito.

"Hays okay. Halika na nga. Baka mapunta pa tayo sa misunderstanding niyan eh. Ito na ang last day mo bilang single." Aniya ni Dahyun.

"Single? Anong tingin mo saamin ni Mina?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Last day bilang binata kasi. Lutang ka ba bro?" Pagtatama naman ni Jin sa kanya.

"Sabi ko nga. Halika na."

~~

[Girls convo]

"Mga Besh, dito ba talaga tayo? Bakit sa bar pa?" Tanong ni Mina pagkapasok nila sa isang Bar.

"Wag kang mag-alala, dun naman tayo sa VIP Room para walang panggulo." Sagot naman ni Nayeon.

Matapos ang ilang oras, medyo lasing na ang mga kaibigan ni Mina maliban sa kanilang dalawa ni Betty. Kaunti lang kasi ang iniinom nila. Si Betty naman ay hindi sanay kaya mas marami pa ang pulutan na nakain niya kaysa sa nainom niya.

Forever You (JeongMi Fanfic) [Completed]Where stories live. Discover now