“Oh? Natahimik yata kayo!” Hinagis ni Rya ang kaniyang balabal na kulay pula saka sasaluhin. Tila ito naglalaro. “Thrizel, ayos ka na ba? Mangha nga ako kanina na girlfriend ka pala ni Thrale. Iyon ang sabi niya sa akin.”

“Uhh...” Bigla akong nailang. “He’s not my boyfriend, he’s my—”

“FATHER!” Sinamaan ko ng tingin ang apat dahil sa kanilang sigaw. Ang sumigaw niyon ay sina Ryke, Elkhurt, Gio at Brooks. Wala nga rito si Silas, sila naman ang pumalit. Apat pa sila.

“Nandito na ako.” Gumilid si Rya para mapadainin si Thrale na nasa kaniyang likuran. “Thrizel, Kein, narinig ko ang boses niyo kanina? May nangyari ba? Pasan-pasan ni Brooks ang kapatid ko kanina e.” Napatingin ako kay Rya. Wala siyang reaksyon. Baka binibiro lang siya ni Thrale kanina. Saka alam ng lahat na nandirito na magkapatid kami.

“Hindi niyo ba nakita ‘yong multo kanina?” Giit pa ni Brooks sa nakita. “White lady iyon, lumulutang pa ng—”

“Itong telang puti ang nasa ilalim ng puno kanina.” Winagayway ni Thrale ang kaniyang hawak. “Nabasa ko kanina. Malakas ang hangin kaya nakuha kong isampay.” Nilagpasan niya na kami matapos niyang sabihin ‘yon. Sabay nalang kaming napatabingi ng ulo ni Brooks sa nalaman. Madilim kasi kaya hindi namin medyo naaninag.

“I told you, ghost doesn’t exist.” Natatawang usal ni Ryke na may halong ngisi. Nang-aasar siya.

“Ayos na ba ang binti mo, Thrizel?” Hinanap ko si Thrale. Nakaupo siya sa tent habang ang tingin ay sa akin. “Come here, my stellina...” Napasuklay siya ng kaniyang buhok gamit ang kamay. May sumilaw na ngiti sa kaniyang labi. “Can I check your legs? Time is running, faster.”

Nagpakawala ako ng buntong-hinga bago lumapit sa kaniya. Umupo ako sa harapan niya. “Kakagamot mo lang kanina, magaling naman na.”

“Sigurado ka?” Umiling-iling siya. “Pinuwersa mo ba ang binti mo? Tingnan mo ang band aid, may dugo. Kanina ay ayos lang ito, huh?”

Napaiwas ako ng tingin. Sa pagpasan yata ni Brooks sa akin kanina, hindi ko namalayan dahil sa takot. Rinig ko ang sunod-sunod na singhal ng aking kuya.

“Tara! Laro tayo! Bilis!”

Narinig ko ang sigaw ni Rya. Nakapalibot silang lahat sa bonfire maliban sa amin ni Thrale dahil ginagamot pa nito ang aking sugat.

“Hindi ba tayo sasali sa kanila?” Harap ko sa kuya ko.

“Ikaw ang hindi sasali.” Natapos niya nang gamutin ang sugat ko. “Magpahinga ka na. Babantayan kita.” Umalis siya sa tent para makapasok ako roon.

“Oy, Thrizel, Thrale! Hindi ba kayo sasali? Tara na!” Tumayo si Thrale para sabihing hindi ako sasali ngunit naunahan siya ni Rya. “Partner dapat ang katabi, kailangan mo niyon, Thrale. Come here now. Mag-uumpisa na.”

Walang nagawa ang lalaking nasa harap ko. Napakamot siya ng kaniyang kilay, nagsasabing wala siyang pagpipilian kun’di ang isali ako. Tinayo niya ako, inalalayan sa paglalakad. Umupo kaming dalawa sa bakante. Ang aming p’westo ay babae, babae, lalaki at lalaki. Kailangan nga talaga ng partner.

“Let’s play, paper game. Alam niyo naman kung anong laro iyon, ‘di ba? Mouth to mouth, hehe.” Tila nahiya si Rya sa kaniyang paliwanag kaya natawa ang iba sa amin. “Kakain ng sili ang makalaglag ng papel, that is punishment kaya mabutihin niyong hindi malaglag dahil uulit sa umpisa.” Naglapag si Rya ng sili sa gitna. “Kay Elkhurt mag-uumpisa tutal excited siya.” Nagtawanan kaming lahat doon. “Bawal hawakan ang papel at kagatin. Tanging bibig lang ang gagamitin para maipasa sa katabi.” Napatingin ako sa gilid ko. Partner ni Elkhurt ang aking katabi na hindi ko kilala. Sa kabila naman ay si Thrale. “So let’s start.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now