Nagpaalam na si Maice sa akin para umuwi, dumarecho na ko sa kama ko para matulog at magpahinga dahil may appointment pa nga ako kay Mayor mamaya.

--------------------
Nagising ako around 11:40am, pag bukas ko nang condo ko ay andun yung paper ba na wari ko ay ito na yung lunch ko na order ni Maice. After ko kumain ay naligo na ko at nag ayos.

I'm wearing white turtleneck, black pants at black coat tinernohan ko din ito nang black stiletto. Naglagay lang din ako nang light make-up, nakakahiya naman kay Mayor kung hindi ako mag aayos.

Wala pang 30 minutes ay narating ko na ang municipal hall, sinabi ko na may appointment ako Kay Mayor nang 1pm kaya pinapasok naman ako kaagad. Expected din pala nila ako today, actually may 10 minutes pa ko bago mag 1pm.

Dumarecho na ko sa mayor's office, nakita ko din doon yung taong matagal ko nang gustong makita at mayakap.

"Hi Mayor! Hindi kapa din nag babago hanggang ngayon. Grabe sobrang namiss kita." Sabi ko kay Mayor kaya agad ko tong yinakap nang mahigpit.

"Bruha ka! Pwede mo naman akong tawaging Gianne may pa-Mayor Mayor kapa." Sabi ni Gianne sakin at yinakap din ako nang mahigpit.

Sya na kasi ang Mayor ngayon dito yung Dad nya ay tumaas yung posisyon as congressman. Dati kasing Mayor yung dad ni Gianne, mabuti na lang at sya ang pumalit.

"Dapat lang na tawagin kitang Mayor, Gianne." Sabi ko sa kanya.

"Okay, Engr. Justine Robles." Pag payag ni Gianne sa sinabi ko, umupo na ako sa chair sa harap nang table nya at umupo na din sya sa kanyang swivel chair.

"Wait, bago ang lahat. Sino ba ang kinuha mong arkitekto nang ipapagawa mong mansion at hospital?" Pagtatanong ko sa kanya

"Relax, parting na din sya." Sabi naman ni Gianne sa akin at ngumiti sakin nang malapad.

Parang may something!

"Sorry, I'm late. Start na ba ang meeting natin."

Alam na alam ko kung kaninong boses nag mumula iyon, ayoko pa syang makita. Hindi ako handa sa pagsulpot nya dito, bakit nga ba hindi ko sya naisip?

Pero ganon na lamang ang pagbilis nang tibok nang puso ko nang marinig ko ulit ang boses nya, walang pagbabago. Ganon pa rin kalakas ang tama ko sa kanya kahit pa 3 years na ang nakalipas.

"Sakto, andito na pala ang pinaka magaling na civil engineer at architect na kakilala ko." Sabi ni Gianne na mas sumobra pa yung lapad nang ngiti "umupo kana sa harapan ni Justine, Craye but hindi ko sinabing sa lap nya Ikaw umupo ha doon sa vacant chair, malinaw ba?" Sabi ni Gianne na halata mong sinasadya yung sinasabi nya, sarap batukan kung hindi ka lang Mayor.

"Hi Justine, nice to see you again." Sabi ni Craye na ngiting ngiti pa sa akin, kainis! Kapal nang fez nya ha after nya kong hayaan na lang na umalis tapos ngayon na pag balik ko ay parang close na kami.

But gosh! Kahit anong gawin ko ay iba talaga ang dating nya sakin. She's wearing formal office pero ang sexy at ang hot nya pading tingnan, awww ang cute cute pa rin nang cheeks nya na gusto ko langing pinipisil, bagay na bagay din sa kanya yung make-up nya,  grabe Lord! Bakit naman ganito nyo ko pinarupok pagdating sa babaeng to? pero agad ko namang nakita yung right hand nya na may black ponytail, that ponytail sobrang tagal kong inintay na makitang suot nya yun at talaga nga namang ngayong araw pa.

How lucky she is? Ngayon pa talaga nya sinuot ha. Araw-araw ko kasing dala yung sakin kasi feeling ko pag dala or nasa wrist ko yun safe ako.

Pero syempre feeling hindi muna ako apektado.

"Umpisahan na natin to Gianne, nakakasira nang mood itong nasa harapan ko." Sabi ko kay Gianne

"Justine, pwede ka bang imbitahin mag coffee?" Tanong sakin ni Craye at si Gianne abot langit ang ngiti, botong boto ata kay Craye.

"Craye, seryoso tanghaling tapat?" Sabi ko sa kanya, naiinis ako ehh pampam.

"Parang ako, hanggang ngayon tapat parin sayo." Banat nya sakin, napatingin ako kay Gianne sa pagtawa nito gayon din ang pagkainis ko naman sa kanya

Ibang Craye na yung nakikita ko ngayon, marunong na syang bumanat at infairness naman, hindi ko na dadayain ang sarili ko. Yes! Kinilig ako.

Pero hindi ako nagsalita, ano sya swerte.

"Okay, maglandian na muna kayo jan kahit bukas na natin ituloy tong meeting natin." Sabi ni Gianne at tumayo na ito "Craye, you owe me kaya bayad na ko ha. Gawin mo nang maayos ang mansyon ko at hospital na ipapagawa ko and Justine para lang sabihin ko sayo free yang si Craye and ready to mingle." Dagdag pa ni Gianne bago umalis

"Sure, thankeeee Mayora." Sabi ni Craye kay Gianne bago ito umalis kaya naiwan kami ni Craye dito.

Potek! Bakit parang na frame-up ako?

"Justine, pumayag kana kahit mag coffee lang tayo. Please Baby, sobrang tagal kitang inintay. Walang araw na hindi ka sumasagi sa isip ko, wala akong panahon para sa iba pero dahil andito kana lahat nang panahon ko para sayo na. Wala akong tiningnan, hindi ako naghanap kasi worth it kang intayin. Deserve mong mahalin nang sobra. Gusto kong bumawi sayo, Ikaw Ang gagawin kong priority ko, Ikaw ang pagsisilbihan ko sa araw-araw~"

Hindi pa man tapos magsalita si Craye ay nagsalita na ako.

"Andami mong sinasabi, gawin mo na lang. And okay sige pumapayag na kong makasama kang mag kape pero kape lang ha." Sabi ko sa kanya, ang kulit ehh at ang marupok nyong si Justine eto na naman.

"Talaga ba? Seryoso ka?" Tanong ni Craye at napatayo pa.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Yes!" Sigaw ni Craye at napatalon pa ata sya sa sobrang tuwa.

"Bakit nga pala suot mo yan?" Sabay nguso ko sa wrist nya

Tumingin sya sakin, no actually nakatitig sya sakin.

"Simula naman nung umalis ka lagi ko na tong suot, kasi pag suot ko to pakiramdam ko lagi ka lang nasa tabi ko." Sincere nyang pagkakasabi sa akin.

Grabe! Hindi ko alam pero noon pa man sobrang naniniwala na talaga ako kay Craye na mahal nya ko, napaghiwalay lang kami ng sitwasyon at pagkakataon pero hindi ko na yun sinagot pa kasi alam ko naman na totoo yung sinabi nya.

"So tutuloy pa ba tayo o hindi na?" Tanong ko na lang sa kanya pero deep inside ay sobra na kong kinikilig sa ginagawa nya at sinasabi nya.

Alam na alam nya na talaga kung paano nya ko makukuha.

"Shall we?" Sabi ni Craye at nilahad nya ang kamay nya sa harapan ko at walang dalawang isip na inabot ko ito.

Sabay na naming nilisan ang mayor's office

---------end-----------

Justine Bibe
Craye-yons
Kerubin
Leonardo da Vinci
Gianne Apuli
Silly Sally
Three blind Maice
Mabuhangin

Signing off


Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now