Naka swimsuit lang si Justine at wala pang cover or kahit see through man lang tapos yung guy naka boardshort lang.

Fudge! Nakakainis.

"I don't know kung paano mo natitiis na tingnan yang dalawang yan." Sabi ni Mon sa side ko at alam ko kung sino ang tinutukoy nya

"Baka kasi huling pagkakataon na, titingnan ko na lang at susulitin ko na kahit ayoko nang nakikita ko at naiinis talaga ko." Sabi ko na lang kay Mon.

Wala kasi akong idea kung kailan sila aalis kaya kahit nakakainis, kahit masakit titiisin ko na kesa hindi ko na makita.

"I have an idea, mag swim kaya tayo later tapos mag two peace swimsuit ka lang din. Hayaan mong Ikaw naman ang kumuha nang attention nya. Sounds good?" Pagpupush sakin ni Mon at ngumisi pa "Ewan ko na lang sa kanya, kanina pa yan ganyan ehh."

Pumayag din ako sa idea ni Mon, bahala na kung uubra ba yung idea na yun kay Justine. Itataya ko na kesa ako lang yung parang Tanga na mukang habol na habol kahit totoo naman.

After namin kumain ni Mon ay nagyaya na ding mag swim sina Angel, sakto naman at mag sswim na din kami.

Nagpalit na kami nang swim wear namin, malaki naman ang pool nila Maice at hindi crowded yung pool, hindi din naman lahat naliligo.

I'm wearing black two peace pero mas sexy sa suot ni Justine.

"Nice, first time ko atang nakita na naka ganyan ka." Bati sakin ni Angel dahil naka two peace din ito pero normal na sa kanya.

Nag smile lang ako sa kanya tyaka ako nag dive sa pool, ang iba naman ay bumaba sa hagdan.

Nakita ko si Justine na nag dive na din sa pool at napansin ko na lumapit ito kay Sally.

Naglapitan silang lahat kaya lumapit na din ako, one last chance na makita ko manlang sya ng malapitan kasi ang lakas nang kutob ko na kaya may paevent na ganito ang mag best friend ay aalis na sila.

Paglapit ko ay ganon pa din ang siste, tumingin lang sya sakin at inalis nya din ulit.

"Bakit may paganito kayo ni Maice?" Biglang tanong ni Sandy

"Later, iannounce namin ni Maice for now let's have fun." Sabi ni Justine at nakita kong masaya sya

"Pa surprise pa ha." Singit naman si Sally tyaka sya yumakap mula sa likod ni Justine "pero kung ano pa man yan, I'm so happy for you."

"Wait, Craye asan nga pala si Kylie? Last time kasama mo sya diba?" Nagulat ako sa tanong ni Justine, actually parang lahat kami ay nagulat ayokong sagutin pero parang need nya nang answer galing sakin

"Ahh siguro nasa kanila lang." Yan na lang ang sinagot ko

"Sayang, sana isinama mo na." Sabi ni Justine sakin habang nakangiti

Ganon na lang ba yun kadali sa kanya? Na okay lang sa kanya na kasama ko si Kylie? Ganon nya na lang kabilis na tanggapin or sadyang ako na lang ang naiwan sa sitwasyon? Lahat naka move on na, almost 3 months na din kasi ang nakalipas mula nung sa nangyari sa lab room.

Ewan ko pero

"Ganon na lang yun kabilis Justine?" Wala sa sistemang naitanong ko yan sa kanya.

"Craye, it's been 3 months. Anjan ka pa rin sa panahon na yan? Ako nakalipat na ng school, may bago nang friends, paalis na nga din for scholarships abroad. Move forward! Grow up." Sabi ni Justine tyaka nya ko tinalikuran

Parang patalim ang mga salita na sinabi nya sa akin, ang sakit. Para bang gusto kong umalis at umiyak na lang.

Pakiramdam ko ay para nya kong itinapon na lang at binasura.

"It's okay Craye, hayaan mo na si Justine. Intindihin mo na lang." Sabi sakin ni Mon.

Tinamad na kong magswim kaya umahon na lang ako, kumuha na lang ako nang beer para kahit papano ay mawala yung sakit na pinararamdam sakin ni Justine ngayon.

Habang umiinom ay nakita ko si Maice at Justine sa side nang pool at parang may announcement sila.

Kinabahan ako bigla, eto na ba yung pagpapaalam nila? Meaning itong pool party na ito ay isang padespedida?

"Hi Guy's! Yes, ininvite namin kayo dito para magparty and also may big announcement din kami ni Justine." Panimula ni Maice

"Yes! So thank you sa inyo and eto na nga dahil mahalaga kayo sa amin ni Maice need nyo itong malaman. I'm very happy and thankful na approved kami ni Maice sa scholarship abroad, nag email samin last week yung university at this coming week ay aalis na kami dito. Part of me ay mamimiss namin kayo but for our future naman ito, hindi naman kami doon for good but in some point, opportunity na din na baka doon kami mas okay or sana may mag offer din samin nang work after graduation." Mahabang salaysay ni Justine

Gusto kong pigilan sila pero anung karapatan ko? Ayoko! Pero kung para kay Justine baka tanggapin ko na lang ang lahat, kung saan sya masaya at kung saan sya makakabuti.

"Masaya din naman yung parents namin, actually nagulat sila sa binalita namin pero pumayag na din sila for our future." Dagdag ni Maice habang nakangiti

"Nako, baka kalimutan mo na kami ha pag big time na kayo." Singit naman ni Sally

"Basta ako, masaya ako para sa inyo. Galingan nyo dun ha." Sabi naman ni Sandy

Hindi na ko nakinig pa sa sasabihin nila, itinuloy ko na lang ang paginom nang beer. Kailangan masaya ako, kailangan madali kong matanggap.

Kailangan ko talagang matanggap na hindi na ako parte nang future ni Justine. Kailangan kong tanggapin na may sarisarili na kaming path! Ang hindi ko lang din talaga matanggap ay bakit ganon kabilis? Bakit ganon sya kabilis na aalis, bakit ganon na lang.

Hindi manlang namin napagusapan yung nangyari nung nakaraan, tinanggap nya na lang din kahit pa sobrang labo labo sa akin. Walang araw naman na hindi ko sinabing hindi ko na sya mahal, hindi naman ako tumigil na mahalin sya.

Kung saan mas makakabuti para kay Justine, sige doon na lang ako.

---------------
Hi po! Last 2 chaps. 😂😂

Sorry at ngayon lang nakapag ud.

Vote, follow and comment. Ciao!

Happy birthday nga pala kay Leanne Mae Saberon, ayan ha nag ud na ko for you. 🎉🎉


Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now