Ngumiti ako sa kausap ni Mommy ,"Hello po ,I'm Garrett Ramirez."

Nagpakilala ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. Sa tingin ko naman mabait siyang tao base nung kinausap niya ako.

"Nga pala hijo ,eto pala anak ko....si Stephanie ,"sabi ni Tita Rica kaya tumingin ako doon. At patago akong ngumiti na nakatingin pa rin siya sa akin.

Damn! ang cute naman niya!

"Hello miss ,I'm Garrett Ramirez ,"agad akong naglahad ng kamay sa kanya at parang naestatwa pa siya saka siya tumingin sa akin ,"And you are?"

"Stephanie Gomez ,"tinanggap naman niya ang kamay ko at nung nahawakan ko na kamay niya ay mas lumawak ang ngiti ko.

Simula nung nakilala ko si Stephanie ay niligawan ko na agad siya. Well ,nung una ko siyang nakilala ay napagkasunduan kami na kami ang itinakdang ikasal pero tumanggi kaming dalawa doon sa plano na yun ,dahil bata na kami at wala pa kami sa tamang panahon para ikasal kaya naintindihan naman nila ang naging desisyon namin kaya di na nila pinilit yun sa amin.

Apat na buwan ko siya niligawan bago niya ako sinagot. Simula noon ,palagi ko na sa kanya pinaparamdam na mahal na mahal ko siya. Same lang kami ng university na pinapasukan at kaklase ko pa siya kaya naging madali na lang sa aming dalawa na magkaroon ng communication sa isa't isa.

Di rin naging madali ang relasyon namin ni Stephanie ,nagkakaroon ako minsan ng mood na ayaw ko siyang makasama kahit isang araw lang. Naiintindihan naman niya ako kaya binibigyan niya ako ng pagkakataon para makapag isip isip ng maayos.

Nang bumalik ako sa dati ay naging sweet ako sa kanya kaya di nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya dahil ganun pa rin ang epekto sa akin kapag niyayakap ko siya.

Sometimes Stephanie gets annoyed with me too especially when I keep her away from men approaching her. Well ,I'm a possesive boyfriend so that's how I act and I keep her away from those men. I'm quick to get jealous so what I own should be just me!

"What's wrong ,Steph?"tanong ko sa kanya. Pansin ko na palagi siyang nakatutok sa cellphone niya at kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan kaya nag tinanong ko na siya kung ano ba ang problema niya.

Tumingin siya sa akin at pagod na ngumiti ,"Hindi ko na mahanap ang kapatid kong matagal na gusto kong makasama ,"nagulat pa ako sa biglang rebelasyon niya sa akin. Akala ko solong anak lang siya pero may kapatid pala siya ,"Pumunta na ako ng Ilocos para sana kunin siya pero....wala na ako naabutan na tao 'don."

Yumuko siya kaya inakbayan ko siya. Ramdam ko ang pagkawala ng pag asa na mahanap pa niya ang kapatid niya.

"Di ko na alam kung saan ko pa siya mahahanap dahil sa Ilocos lang ang alam ko kung saan siya nakatira!"her voice irritating ,"Pero ngayon wala na siya doon ,hindi ko na alam kung saan ko pa siya mahahanap!"

"Hush ,calm down okay..."pinatahan ko siya para mabawasan ang pagkainis niya ngayong araw.

Tinignan niya ako ng mabuti ,"Paano ako kakalma Garrett? gayong ,hindi ko na makakasama kapatid ko? Nangako pa naman ako sa sarili ko kapag nahanap ko ang nag iisa kong kapatid masasabi ko na kay Mommy. Dahil mas matutuwa yun kapag nalaman niyang galing sa akin na nakita ko na ang bunso niyang anak!"

Di naging maayos ang naging relasyon namin dahil sa patuloy niyang paghahanap sa kapatid niya. Kahit ako tumulong na rin ako sa paghahanap para may hindi lang si Stephanie ang naghahanap sa kapatid niya. Lahat gagawin ko para sa kanya!

"Claudette Santos?"tanong ko sa investigator na hinire ni Stephanie noon.

"Opo sir ,yan po pangalan yung pinapahanap po sa akin noon ni Mam Stephanie ,"sabi ng private investigator kaya tumango ako.

Together For A Day ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن