"Okay ,kung yan ang gusto mo."he smiled softly.

Kinabukasan ay nagpasundo nga ako kay Garrett na papuntang ospital. Nang nakarating na kami sa ospital ay marahan niyang hinawakan ang kamay ko.

"Mag ingat ka 'don sa Albay ,"he said calmly ,"Di mo ako makakasama ng dalawang araw dahil sa medical mission."

I giggled while stared to him ,"Of course naman. I can take care of my self ,don't worry."

Napangiti siya saka siya yunakap sa akin ng mahigpit. Mahigpit ko siyang niyakap at marahan kong inamoy ang damit niya. Honestly ,sobrang mamimiss ko siya dahil di ko siya makakasama.

"I love you so much..."

Ilang minuto kami nagyayakapan at wala sa aming dalawa ang naglakas ng loob para kumalas. Mas okay na rin 'to gusto ko sulitin ang oras habang di pa ako pumupunta sa Albay.

"Claudette ,"narinig ko ang boses ng pamilyar ng boses kaya kahit ayoko kumalas ay kumalas na ako ng pagkakayakap kay Garrett saka ko tinignan kung sino yun.

Si Harry ang nakita ko at matamis niya ako nginitian. He's wearing a casual outfit while carrying his doffle bag.

"Harry ,"I greeted him.

Lumapit siya sa akin at bumaling siya ng tingin kay Garrett at nginitian naman niya yun. Tumingin ako kay Garrett at di man lang ngumiti at seryoso nakatitig lang kay Harry.

Bumalik ang tingin sa akin ni Harry ,"Uhm...Claudette. sa loob na ng van yung ibang makakasama natin. Ikaw na lang ang hinihintay sa loob para makaalis na tayo."

Ako na lang pala hinihintay? Nakakahiya naman!

"Oh....sorry about that ,Harry ,"I bit my lower lip ,"Sige mauna ka na. Susunod na lang ako ,magpapaalam na lang ulit ako sa boyfriend ko."

Sandaling natigilan si Harry at ngumiti ulit siya sa akin ,"O-oh s-sige ,mauuna na ako. Sumunod ka na."

Tumango ako bago niya ako taliuran at nagpatuloy na siya maglakad palayo sa akin. Nang di ko na makita si Harry ay tumingin ako kay Garrett na seryoso nakatitig sa akin.

"He's still courting you?"Garrett suddenly asked ,"Your doctor friend?"

I bit my lower lip. Nakita ko sa mukha na nagseselos siya kay Harry. Sinabi ko kasi sa kanya na may nagkagusto sa akin sa ospital at isang doctor. Wala naman siya sinabi tungkol doon kaya natutuwa ako na nakikita kong nagseselos siya.

"Si Harry?"I innocently asked ,"He's my doctor friend. Well ,nanligaw yun pero nireject ko din kalaunan."

Isang beses ko lang nireject si Harry dahil pagkatapos non hindi na siya muli nagsabi na ipagpapatuloy niya pa rin ang panliligaw sa akin kaya di ko alam kung nililigawan niya ako ng patago na di ko alam.

"That's good to hear ,"he said then he suddenly kissed my forehead.

I smiled bitterly. Damn ,ang sweet niya talaga!

"Sige na , masyado ka ng sweet baka langgamin na tayo niyan ,"natatawang sabi ko ,"Sige na mauuna na ako. Hinihintay na ako sa loob ,ingat ka."pagkatapos kong sabihin yun ay hinalikan ko lang siya sa labi ng mabilis.

Naestatwa siya dahil sa ginawa ko pero nakita ko na ang pamumula ng mukha at natawa na lang siya.

Nginitian ko siya bago ako tumalikod sa kanya. Lumayo na ako at di pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi ko.

Noon at ngayon di pa rin nababawasan ang kilig at pagmamahal ko sa kanya. Nananatiling ganun at mas lalong nadadagdagan ang pagmamahal ko kay Garrett.

Pumasok na nga ako sa loob ng van at nagulat pa nga ako na katabi ko pa si Harry. Nakangiti pa siya sa akin kaya pabalik ko siyang nginitian.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now