Bakit sa dinami dami ng tao sila pa?

Umupo sila Karson sa upuan sa dulo kaharap namin, buti na lang ay hindi gumagawi dito ang tingin niya

"Madeline, kahawig nung kambal mo si Mr. Walter." Kalabit sakin ni Jenelyn.

"Confidence lang yun." Sagot ko

"Tanga Coincidence kasi." Bulong ng katabi ko

"Pabayaan mona, bobo din naman si Jenelyn."

Nagsimula na ang laban, kasabay ng pag-pito ng referee ay ang pagtingin ni Karson sa gawi namin. Ngumisi ito kaya inirapan ko siya

Mapanat sana ang itlog mo at pumayat sana ang talong mo!

"Nlex for three!"

Napapalakpak ako ng maka-three points ang Anak ko.

"Habol boys." Malantod na sabi ni Slex habang hawak ang bola. "Yan ganyan dapat hinahabol nyo ang magandang tulad ko."

Napailing na lang ako, samantalang ang mga tao ay natawa.

"WAG KA MUNANG MALANTOD!" Sigaw ni Momshie B dito

"This is for you Mother B." Kumindat ito bago i-shoot ang bola na agad namang pumasok.

"GO ANAK!" Nakangiting sigaw ko pero napawi ang ngiti ko ng makita ang tingin sakin ni Karson.

Tinaasan ko siya ng gitnang daliri.

"Pagkatapos nito sibat agad tayo." Sabi sakin ni Jomela

"Sana naman hindi nila kasama si Joel." Nangangambang sabi ko dito

Nagpatuloy ang paglalaro hanggang sa matapos ang first quarter. Hanggang second quarter lang ito, ewan ko din kung bakit.

"Ang galing naman ng mga Anak ko." Pinunasan ko ang mga pawis nila at hinalikan sila sa pisngi.

"Nice game Slex." Niyakap ni Nlex ang kapatid.

"Ofcourse, ayokong matalo." Sagot nito. "Btw Mamu, nandito si Papu, ano ng gagawin natin?"

"Ako ng bahala doon Anak." Nakangiting sagot ko lang. "Inom at upo muna kayo, sasayaw si Jomuela."

Sumunod naman sila

Dahil time out, ang mga muse naman ang magpapakitang gilas, rarampa at sasayaw sila.

"GO TOMBISH, IKEMBOT MO YAN!" Sigaw ni Slex. "WAG KANG PAPATALO SA CHAKA NA YAN!"

"Kumalma ka." Natatawang sabi ni Jomela sa Anak ko. "Mananalo yan, ako nagturo diyan at ikaw."

Nang matapos sila ay rumampa ang dalawang muse sa gitna kaso maldita ang kalaban niya dahil pinatid siya.

Tumayo naman agad si Jomuela at tinulak ito kaya natumba ito. Tumayo naman ang mga player ng kabilang team at sinugod si Jomuela.

"ABA!" Tumakbo ang kambal at nakipagrambulan din

"Jusmiyo!"

Agad na kaming lumapit doon si Jomela, kinuha namin ang mga Anak namin na may galos at binuhat.

"MAMU BITAWAN MO AKO, SINAMPAL NUNG LALAKING ISA SI JOMUELA!" sigaw ni Nlex na pilit bumababa

"MAMU SORRY!" Nabitawan ko si Slex ng kagatin ako nito

Agad nitong sinugod ang isang lalaki at sinuntok.

Wala na naging lalaki na si Slex ko!

"TANGINA TAMA NA SABI!" Malakas kong sigaw kaya natigil silang lahat.

Taga ibang Barangay ang kalaban nila Slex kaya malaking gulo ito

"Yung mga Anak mo pagsabihan mo!" Nilapitan ako ng isang butanding. "Walang respeto, manang mana yata sayo."

"Natural magmana sakin yan, Anak ko yan eh." Nagpameywang ako sa harap niya

"Walang modo yang Anak mo, parang ikaw. Ikaw yung babaeng nabuntis lang ng kung sino diba? Kilalang kilala ka sa Barangay namin at ang balita Anak ng rapist yang mga Anak m–"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng malakas ko siyang sapakin.

"TANGINA KA! WAG MONG IDADAMAY ANG ANAK KO!" Galit kong sigaw. "Wala kayong alam sa buhay ko ah! Mga chismosa kayo! Wala naman kayong ambag sa buhay ko!"

"Hina mo." Nilapitan ni Jomela yung babae at sinipa sa tiyan. "Ako lang pwedeng umaway kay Madeline."

Natigil ang pag aaway ng dumating ang mga barangay, grabe late reaction sila.

"Ayos lang ba kayo?" Lumuhod ako at sinuri ang dalawang Anak ko. "Sorry."

"Sorry Mamu." Umiiyak na yumakap ang dalawa sakin. "Sorry."

"Okay lang, tahan na okay?"

"Sa Barangay office ho tayo." May lumapit sa'ming isang tanod. "Sumunod ho kayo."

Ang liga ay napunta sa baranggayan...

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon