Chapter 2. Meeting Him

58 9 1
                                    

"Yim....listen mayroon akong sasabihin sayo"

" Ano po yun mommy?"

" Alam mo ba ang kwento ng ulan?" .

"Hmmm. ang kwento ng ulan hindi pa po"

A gentle voice of a woman is vividly appeared in Yim dream.

" Listen.... If a rain....."

He open his eyes habang hinihingal, ang babaeng sa panaginip niya ay ang kanyang ina na namatay 10 years ago. Bawat gabi napapaginipan niya na ito at mayroon siyang sinasabi ba hindi maalala ni Yim. Pakiramdam niya mayroon siyang mahalagang bagay na nakalimutan pero kapag pilit niya itong inaalala nakakaramdam siya ng pananakit ng ulo at pagkahilo.

" Fate, please don't leave me"

Nabaling ang attensiyon niya kay Tap na nakahiga sa katabing kama. Tumayo si Yim at umupo sa tabi niya, mayroong mga luha na tumutulo sa mata ni Tap habang natutulog. Hinawakan ni Yim ang mukha niya at pinunasan ang mga luha sa mata niya.

" It must be tough" bulong ni Yim sa kanya

" Don't leave me, please" sambit ni Tap habang tulog

" Don't worry, I will stay by your side" sabi ni Yim

Nakatulog si Yam habang hawak ang kamay niya.

----kinabuksan-----

" Ahhh" sigaw ni Tap ng makita si Yim sa tabi niya

" May problema ba?" Tanong ni Yim sa kanya

" Who are you, bakit nandito ako?" Tanong ni Tap

Tumayo si Yim sa kama at kumuha ng tubig sa kusina.

" Ohh, uminom ka muna" alok ni Yim

Inilahad niya ang tubig kay Tap, tinanggap niya ito at inubos ang isang basong tubig.

" Thank you" sabi ni Tap bago binalik ang baso sa kanya

Tap sighed, umupo sa tabi niya si Yim habang pinagmamasdan ang mukha niya.

" Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Yim

" Yeah " sagot ni Tap

Ngumiti si Yim habang inaalala ang mga narinig at nakita niya kagabi.

" Mabilis sabihin ang salitang okay lang ako, but you're eyes tells everything" sabi ni Yim

" Kapag sinabi ko bang hindi ako masaya magagawa ka ba?" tanong ni Tap

Yumuko si Yim habang nakahawak sa baba niya.

"Hmmm..maybe you can tell me everything " seryosong sabi ni Yim

" Why would I do that?" Tanong ni Tap

" Sabi nga nila mas madaling magsabi ng isang sekreto sa isang taong hindi mo kilala kaysa sa taong tinuturing mong kaibigan, you can consider me as your stranger-friend " sagot ni Yim

May namuong ngiti sa labi ni Tap matapos niyang marinig yun.

" Anong pangalan mo?" Tanong ni Tap

" Hindi mo kailangan malaman ang pangalan ko at hindi din kita tatanungin ng pangalan mo" sabi ni Yim

Tumawa ng malakas si Tap hindi niya akalain na malakas ang sense of humor ng kausap niya.

" So you're telling me na pwede kong sabihin sayo lahat lahat, without knowing your name or what kind of person are you?" sabi ni Tap

Tumango si Yim bilang sagot sa tanong niya.

" You can judge me of who I am kapag sinabi mo sa akin lahat" sabi ni Yim

" Are you making a deal?" Tanong ni Tap

" Yeah " sagot ni Yim

Napaisip si Tap sa alok niya.

" Alright, payag ako" sabi ni Tap

Kinuha ni Yim ang cellphone niya sa side table ng kama at binigay sa kanya.

" Text your family and friends na maayos ka lang at mawawala ka muna pansamantala" sabi ni Yim

Ginawa ni Tap ang sinabi niya.

" Done" sabi ni Tap bago binaba ang phone niya

Inagaw ni Yim ang cellphone niya at lumabas ng kwarto.

" Sandali, anong gagawin mo?" Sigaw ni Tap bago siya sinundan

Tumakbo si Yim sa gilid ng dagat at hinagis ang cellphone ni Tap sa tubig.

" Kung gusto mo siyang kalimutan kailangan mong itapon lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya" paliwanag ni Yim

" What a weird guy" bulong ni Tap

Sumikat ang araw at nagbigay ng kulay sa kalangitan. Lumingon si Yim sa kanya habang nakangiti. Ang ngiti niya ay kasing tingkad ng liwanag ng araw sa umaga.

September  Rain Where stories live. Discover now