"Craye, straight forward tayo. Bakit?" Yan ang unang tanong na lumabas kay Maice

Simpleng tanong pero kailangan nang malawakang paliwanag.

"Sorry." Sabi ni Craye then yumuko na sya

"Putang*na Craye, iexplain mo." Napatayo si Maice sa inis dahil sa sinabi ni Craye, kaya agad ko naman syang hinigit para umupo ulit.

Nakita ko na may mangilan-ngilan na nagtinginan pero hindi din nagtagal.

"Sabihin mo na kasi Craye, lahat lahat." Pagko-convince sa kanya ni Mon

"Craye please, para hindi na din tayo makagawa dito nang commotion." Singit naman ni Angel

"Justine." Pagtawag sakin ni Craye na para bang sakin sya humihingi nang tulong, nakita ko sa mga mata nya na pabagsak na ang mga luha nito. "Justine, hindi ko na alam yung gagawin ko kasi ang sakit sakit na. Iniisip ko pa lang na lalayo kana ang hirap hirap na." Sabi sakin ni Craye tyaka tuluyang pumatak yung mga luha nya at kahit ako ay gusto ko na ring umiyak pero pinigilan ko.

Ang makita ko syang nasa ganong kalagayan ay sobrang sakit, gusto ko na lang syang yakapin at ilayo. Yung kami lang, yung walang sila. Yung kami lang dalawa pero kasi wala kami sa sitwasyon na yon.

Nakita ko naman si Mon na agad na hinimas ang likod nang best friend nya at inabutan ng panyo.

"Pasensya na kayo ha kasi natakot ako." Sabi ni Craye habang ginagamit nya yung panyo na binigay ni Mon sa kanya. "Kayo ang nagbigay kay Kylie sa akin, kahit gusto kong lumayo ay kusa nyo syang binibigay pero habang napapasakin sya hindi ko na nakayanan pang layuan sya. Yung care, effort, lahat kaya nyang ibigay hanggang sa ako na yung priority nya. Habang ginagawa nya yun, hindi ko alam na sobra ko na palang nasasaktan si Justine. Akala ko kasi normal lang yung ginagawa ni Kylie hanggang sa may isang tao na nagparealize sakin na sobrang halaga ko kay Kylie. Yeah! And it's Kuya Nico." Patuloy syang umiiyak habang nag kkwento

"Si Kuya ang nagturo sa akin na wag akong mangiwan nang taong ginawa akong priority." Nakita ko na ngumiti sya ng pilit "I got traumatized before, akala ko magpapakamatay na si Kuya nung iniwan sya nung taong sobra nyang minahal, yung taong ginawa nyang priority. Ako ang naging sandalan nya that time, ako ang laging nag eeffort para sabihin sa kanyang kaya nya pa. Ilang buwan din syang nag kulong sa kwarto nya at natakot talaga ako nun kasi minsan nasa isip ko baka kung ano na naman ang gawin nya. Araw-araw pag gising ko kakatok ako sa kwarto nya para Icheck kung okay pa sya, pag uwi ko ganon din. Si Mama kasi sobrang busy nang araw na yon kaya ako yung nag aalaga sa kanya." Tumigil si Craye sa pag kkwento pero kahit na isa sa amin ay walang nagsalita.

2 or 3 minuto bago sya ulit nagsalita.

"Then one day, bilin sakin ni Kuya na wag na wag kong gagawin yung ginawa ni Ciara sa kanya. Yun nga yung babae na niligawan nya at ginawa nyang Mundo. Kung alam nyo lang kung gaano ko kagusto na i-reject sya kaso kada iisipin ko yun ay naaalala ko si Kuya Nico. Baka ganon yung mangyari kay Kylie pag iniwan ko sya, worse baka kasi magpakamatay sya. Lalo na ngayon na naaksidente sya, ahhh hindi. Ayon sa imbestiga ay kusa daw ibinangga ni Kylie yung kotse nya sa poste at nakainom pa ito. Kaya natatakot ako, takot na takot ako." Napansin ko na tumingin ulit sakin si Craye, para bang sinasabi nito na ako lang ang kailangan nya.

Iniwas ko ang paningin ko, ayoko na. Wala akong kalaban laban sa sitwasyon. Naipit si Craye sa sitwasyong kami mismo ang gumawa.

I felt guilty, pinush sya nung mga Barkada namin na magpaligaw sya kay Kylie, inireto ko pa sya kay Kylie before kahit labag sa loob ko.

Ngayon, sya ang humaharap na mag isa. Sya ang nag susuffer nang lahat.

"Pasensya na." Sabi sakin ni Craye pero mas lalo lang syang naluha habang tinitingnan nya ko. "Pasensya kana kung nasasaktan kita, you know how much I love you. Kaso andito na ko sa sitwasyon na to at hindi na ko makalabas pa, hindi ko alam kung hanggang kailan at kung hanggang saan ako nasa sitwasyon na to. Sana nasa tamang panahon tayo, sana nasa tamang pagkakataon, sana wala ako sa ganitong sitwasyon para kaya kong alagaan ka, kaya kong mag effort sayo, kaya kong gawin lahat lahat para sayo kaso hindi. Pinagkakait sa atin nang Tadhana." Dagdag nya pa sa mga sinabi nya, akma na syang tatayo pero pinigilan sya ni Mon.

"Craye, sorry." Singit ni Sandy tyaka nya hinawakan ang kamay ni Craye na nakapatong lang sa table. "Sorry kasi ako yung todo push sayo nung time na liligawan kapa lang ni Kylie."

Ngumiti lang si Craye kay Sandy pero halata mo sa mga mata ni Craye na nasasaktan sya.

"Hindi namin alam na ganito ang kalalabasan." -Gianne

"Pasensya na ha Craye, sana kasi ininform nyo kaming dalawa ni Justine na gusto nyo na pala ang isa't isa." Sabi ni Sally na medyo naiiyak na.

"Gumawa kaya tayo nang paraan para sa inyong dalawa?" Suggestion naman ni Angel

"No!" Biglang sabi ni Maice

"Tayo ang may kasalanan nitong lahat." Resbak ni Mon kay Maice

Umiling iling si Miace

"Kayo! Wag nyo akong isali jan, dahil never kong pinush yan kay Kylie dahil alam kong mahal yan nang best friend ko. Ayokong isisi kay Justine dahil inireto nya si Kylie kay Craye, nagawa nya lang yun kasi akala nya gusto ni Craye si Kylie at ang gusto lang naman ni Justine ay maging masaya si Craye." Pagmamatigas Maice, may point din sya sa inexplain nya

"Okay lang." Nakangiting sabi ni Craye kay Maice pero halata mo talaga na nasasaktan sya pero bigla syang tumingin sakin "wag na! Baka deserve ko naman dahil sa pananakit na ginawa ko kay Justine. Pero sana Justine, isang favor na lang bago ka umalis sa school na to. Wag mo naman sana akong kalimutan agad, sana pag okay na lahat pwede pa." Habang sinasabi yon ni Craye sa akin ay muling pumatak yung mga luha sa mga mata nya.

Wala akong emosyon na ibinigay sa kanya, hahayaan ko na lang ang panahon kung anong mangyayari.

Sa lahat nang sinabi nya ay walang ni isang salita na lumabas sa bibig ko. Baka sa unang salita pa lang ay traydurin na agad ako nang puso ko at iba ang masabi ko.

Tumayo na ko, wala na akong gusto pang marinig. Ngunit sa pagtalikod ko sa kanila ay syang una-unahang pag bagsak nang mga luha sa mga mata ko.

Masakit.

------------------
Hi readers, siguro malapit na itong matapos. Mga 5 chapter na lang ay tatapusin ko na, expect the unexpected. Ciao!

Vote and feel free to comment.

Craye! Bakit nakakaiyak ka? Shuta ka. 😂😂







Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now