"Ito na nga po." Lumabas na ako ng bahay. "Excited masyado ang mga bata."

"Syempre po."

Binilin ko muna saglit kay Jomela ang bahay bago kami umalis ng mga bata.

Sumakay kami ng Bus na inabot ng tatlong oras ang byahe, sunod kaming sumakay sa taxi na papuntang airport.

"Kaloka!" Tili ni Slex na katatapos lang sumuka. "Mamu, ayoko na sumakay doon."

"Kailangan nating sumakay doon Anak." Tugon ko. "O gusto mo maglakad tayo?"

"Mas keri ko mag walk." Nakangusong sabi nito

"MAMU ANG LAKI NG EROPLANO!" Sigaw ni Nlex habang nakaturo sa isang eroplano palipad. "Wow."

"Balang araw Anak, makakasakay ka din diyan." Nakangiting sabi ko. "Tara na."

Madaling araw pa lang kaya kaunti lang ang tao, okay na din yun dahil siguradong kagigiliwan na naman ang mga Anak ko pag-nagkataon.

Pumasok kami sa airport at umupo sa waiting area.

"Mamu, sleep lang ako." Sabi ni Slex

Agad ko naman siyang hiniga sa bisig ko

"Ikaw Nlex?" Tanong ko

Umiling lang ito habang nililibot ang paningin

Nasa ganon kaming posisyon ng bigla na lang magkagulo ang mga tao kasunod nun ang pagyanig ng airport.

"Ma'am sa labas muna po, may bomba ang airport." Sabi ng isang lalaki nakaitim.

Nataranta naman ako dahilan para magising si Slex, parehas kong hinawakan ang dalawang kamay nila at hinila sila palabas.

Malapit na sana kami sa labas pero may matigas na bagay na tumama sa ulo ko, nandilim ang paningin ko hanggang sa lamunin ako ng dilim.

Nang magising ako ay nasa isang medical center na ako. Nataranta ako ng maalala ang mga nangyari

"Ang mga Anak ko!" Tinanggal ko ang nakakabit sa'king IV.

"Mamu!" Niyakap ako ni Nlex. "Ayos kana po? Nag alala po ako."

"Ayos lang ako Anak." Sagot ko

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang mga luha niya.

"Nasaan si Slex?" Tanong ko

Umiling lang ito kaya kinain ako ng kaba.

Hindi pwede.." Kahit masakit ang ulo ko ay binuhat ko ito. "Kailangan nating bumalik sa airport."

Akmang lalabas kami pero hinarangan kami ng guard.

"Ma'am bawal pa ho." Sabi nito.

"Pasensiya na Manong." Sinipa ko ito sa itlog niya bago nagmamadaling lumabas.

May nakita akong bisikleta sa gilid na may angkasan, agad ko yung kinuha, sinakay ko sa likod si Nlex at nagsimula na akong mag-pidal.

Buti na lang ay malapit lang kami sa Airport kaya nakarating kami agad.

"SLEX!" Sigaw ko

Akmang lalapit ako sa gumuhong aiport pero hinarang ako ng isang pulis

"Miss hindi po pwed–"

"Putanginamo!" Sinipa ko ito at dire diretsong lumapit sa gumuhong airport.

Pero may isang tao ang umagaw ng pansin ko...Karson

Nasa akin ang paningin nito at kita ko ang galit sa mga mata niya.

Bahala na...

Akay si Nlex ay lumapit ako sa kanila.

"Kilala mo ako diba? Ako yung katulong mo dati na kinantot mo!" Ako yung girlfriend mo, ako yung taon mahal mo, ako yung pinangakuan mo ng kasal

"M-Madeline.."

"Mamaya kana magalit, yung Anak natin nasa loob." Wala sa sariling sabi ko. "Kapag yun namatay, magpapakamatay ako."

Syempre joke lang

"Mag uusap tayo mamaya." Mariing sabi nito. "Kumilos na kayo, tangina nasa loob yung Anak ko!"

Bahala na si Batman, aalis na lang ulit kami kapag nakita na si Slex. Hindi ko kayang manatili dito

Nahihiya ako sa kanya at alam kong wala na akong mukang maihaharap pa sa kanya.

At ang isa pang kinakatakot ko ay baka magkita kami ng Dimonyo niyang Ama. Hindi pa ako handa

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon