Kusa siyang natawa. "Hindi ko na kailangan ng partner kung ako ang nagpasimuno ng party na 'to."

"Oh? Ikaw ang designer? Manager?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Masyadong pormal ang kaniyang suot. Amoy na amoy ko rin ang kaniyang kabanguhan.

"Hindi." Muli na naman siyang natawa ng mahina. "Kilala ako ng mga babaeng kasama mo kanina. Kuya ako ni Xia. Why do I even need a partner?" Kaya pala medyo hawig niya ang babaeng kasama ni Ryke.

"Anong pangalan mo?" Kusa ko iyong natanong.

"You seem interested in me, huh." Alam ko namang nagbibiro siya dahil halatang-halata sa pagsasalita. "I'm Xren, beautiful lady." Napatango-tango nalang ako sa kaniya. "Gusto mo bang ilibot kita rito? Sa likod kasi ng bahay na 'to, malawak ang lupain namin. Nandoroon ang mansyon. Bawal nga lang tayo magpakita sa mga guards. Bawal kasi pumasok ang iba roon na hindi kilala."

"Huwag na baka mapagalitan ka pa." Inayos ko ang hawak ko sa kaniyang balikat. "Nabuburyo ka rito?"

"Yes, kanina pa. Pero sige, huwag na roon, tara? Ikutin nalang natin 'to. Minsan lang kasi ako magsayaw ng babae kaya medyo nangangalay na ako."

Tumango ako sa kaniya. Hinawakan niya ang aking kamay para igaya palabas. Bago lumabas ng pinto, kita ko namang kakarating lang nila Thrale sa aming p'westo. Hindi naman siguro siya maghahanap.

"Mahilig ang lola ko sa mga rosas." Pagsasalita niya habang naglalakad kami. Panay ngiti siya sa kaniyang mga kaibigan na nadadaanan namin. Kapag nakikita siya, diretso agad sa akin ang tingin. Animo silang nagbibigay malisya.

Nakarating kami sa likod ng bahay na 'to kung saan tahimik. Namangha ako dahil nakita ko ang mansyon na kaniyang tinutukoy. Masyadong malawak ang lupain, may mga guwardiya ngang nagbabantay. Kapag pumasok ako, marami sigurong magagandang lugar.

Binitawan niya ang aking kamay. Binuksan niya ang ilaw dahil madilim. Sa pagbukas, napatingin sa aking harapan. Puno ng rosas, hindi ko ito napansin kanina. Akala ko ay ordinaryong halaman lang. Hinahawakan ko mga bulaklak na 'to. May naamoy din akong sampaguita na nakalambitin sa bakal. Bakit kaya mas pinili nilang itanim dito sa likuran? P'wede namang sa harapan.

"Mahilig ang mga babae sa bulaklak, nagustuhan mo ba?"

"Oo." Humangin nang malakas. Bigla akong napayakap sa aking sarili. Ramdam ko ang lamig ng hangin sa aking likuran.

Pansin kong hinubad niya ang suot niyang black blazer slim fit at sinuot sa akin. "Kapag gabi, hindi ka dapat nagbabackless o kaya magdala ka ng blazer." Napangiti ako. "Maya-maya ay aalis din ako rito. May botique kami sa loob ng bahay, may blazer doon."

Hindi niya na hinintay ang aking sagot. Pumasok na kaming dalawa sa loob, ibang pinto ang dinaanan namin. Sa pintong iyon, walang tao. Nang makapasok kami sa loob, pasilyo agad ang bumungad sa amin na puro kwarto. Sa pasilyong ito, may red carpet. Masyadong maliwanag.

"Huwag ka nalang maingay kay Xia, sa kaniya kasi 'yon." Muli na naman siyang natawa.

Pumasok siya sa isang kwarto kaya sumunod ako. Pagkapasok namin, kama ang bumungad pero may dalawang pinto pa. Pumasok siya sa isa kaya pumasok din ako. Doon ko nakita ang napakaraming damit, puro pangbabae.

"Kwarto ba ito ni Xia?" Hindi ko mapigilang hindi mapatanong.

"Hindi, guest room lang ito." Kinuha niya ang isang blazer. "Here, bagay sa 'yo ito. Dark blue." Hindi na ako nag-inarte. Sinauli ko na ang blazer niya at sinuot ang kaniyang binigay. "Tara, baka hinahanap ka na ng mga kasama mo."

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon