"Nasaan na kaya yung masungit na matandang dalaga na dating nakatira sa katapat nating apartment?" Vega curiously asked. "I'm sure that your stalker spent a lot of money to buy that place!"

I'm still in the healing process, I lose my baby 2 months ago and it's still hurts like hell but here I am, trying to survive. Sa loob ng dalawang buwan na dumaan ay ilang beses kong naisipan na sundan na lang ang anak ko pero hindi ko magawa dahil ayaw kong matulad sa sarili kong ina, ayaw kong ulitin ang ginawa ni Mama dahil alam ko kung gaano kasakit ang naramdaman ng mga taong iniwanan niya kaya nandito pa rin ako ngayon, pinipilit lumaban kahit nahihirapan.

Dumating ang araw ng birthday ko at si lang ni Vega ang kasama kong mag-celebrate dahil hindi makakapunta dito sa Las Vegas si Margaux at Donna. Si Axcel naman ay nasa medical mission na naman. 

"I'll show you the real life in Las Vegas,Van!" I shake my head hearing her shrieks, excitement is evidence on her voice.

Muli kong pinagmasdan ang sarili ko, napangiwi pa ako habang pinagmamasdan ang dress na suot ko.
I consciously touch my body while staring at my reflection on the mirror, I'm wearing a color brown halter-neck cutout sheath mini dress.

Kitang-kita ang tiyan ko maging ang tattoo sa ilalim ng dibdib ko dahil sa laki ng butas ng suot kong damit, maikli rin ito at hapit na hapit sa katawan ko. Si Vega ang namili ng dress ko ngayong gabi dahil dadalhin niya ako sa isang sikat at bagong bukas na club dito sa Las Vegas para doon namin i-celebrate ang birthday ko.

"Hindi ako sanay magsuot ng ganito, Vega," sabi ko sa kanya pero inirapan lang niya ako at nilapitan para itaas ang buhok ko kaya naman mas lalong lumantad ang likuran ko dahil backless ang dress na suot ko.

"Masanay ka na! You should flaunt your body more often, you look so hot!" Parang bata pa siyang pumalakpak pagkatapos lagyan ng pulang lipstick ang labi ko.

She's wearing a black mesh ruched cutout backless bodycon dress, her dress is more revealing but she seems comfortable because she is confident.

"Tara na! I'll show you the wild life here in Vegas, bilisan mo naman, Van. Hinihintay na ako ng mga boys ko doon," nagrereklamo niyang saad kaya tinawanan ko na lang siya at inabot na ang puting blazer na nakapatong sa kama maging ang bag na dadalhin ko.

Sabay kaming lumabas ng apartment at katulad ng dati ay nandoon na naman si Blare, nakasandal siya sa pintuan ng apartment niya at halatang hinihintay ang paglabas namin. Nagtataka talaga ako kung paano niya nalalaman ang schedule ko, alam na alam kasi niya kung tuwing kailan ako lalabas ng apartment.

Nakasalubong ko pa ang berde niyang mga mata at nailang ako nang makita na nakatitig iyon sa katawan ko, magkasalubong din ang mga kilay niya at halata ang disgusto sa mukha habang pinagmamasdan ang suot ko.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at tahimik na sumunod kay Vega patungo sa parking lot ng apartment, pagsakay ko pa lang sa sasakyan ay sinilip ko na agad ang side view mirror upang makita ang sasakyan ni Blare na naka-park sa likuran ng kotse ni Vega. Napailing ako nang makitang nakasunod na naman ito sa amin, mukhang hindi talaga ako patatahimikin ng lalaking ito.

Sa Zouk Las Vegas Nightclub ako dinala ni Vega, almost 15 minutes lang ang layo nito mula sa apartment. Pagpasok pa lang ay sinalubong na kami ng malakas na hiyaw ng mga taong nagwawala sa gitna ng dance floor, idagdag pa ang maingay na mga kanta mula sa mga DJ na nandoon.

Halos malula ako sa dami ng tao sa nightclub na ito, sumasakit din ang mata ko sa patay-sindi at iba't ibang kulay ng mga ilaw. I've been to clubs before but night clubs in Las Vegas are way wilder.

Madaming kakilala si Vega, halatang madalas siya rito dahil sa dami ng mga bumabati sa kanya, nagpatangay lamang ako kay Vega hanggang sa umakyat kami sa second floor ng club at naupo sa bakanteng couch.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon