✟ CHAPTER 6 ✟

77 14 5
                                    

“Okay ka lang ba?” tanong ng doktor sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Nakatayo siya at nakalagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng puting coat niya. Hinahabol ko pa rin ang aking paghinga kaya hindi ko magawang sagutin agad ang kaniyang tanong. Para akong galing sa pagtakbo sa isang malawak na oval.

“Ito, inumin mo muna.” Inabot niya sa akin ang isang bottled water na kinuha niya sa mesa na nasa harapan ko.

Inabot ko ito at binuksan. Lumagok ako nang mga limang beses para maibsan ang paghingal ko. Pagkatapos kong inumin iyon ay nagtanong uli ang matandang doktor sa akin. “Ano ang nakita mo? Nasagot ba ang tanong na gusto mong malaman?”

Tumingin ako sa kaniya at sinabing, “Bahay namin—mama ko at kapatid ko.”

“Ibig sabihin ay totoong may kapatid ka. Mabuti at nasagot na ang katanungan na ninanais mo, misis.”

Marahan akong tumango sa kaniya. Tumayo na ako at inalalayan niya ako. Inayos ko ang aking sarili at ngumiti sa doktor.

“Salamat po, Doc,” pasasalamat ko.

Kaagad akong tumalikod sa kaniya nang ngumiti siya sa akin. Nilisan ko kaagad ang kuwarto. Nabayaran naman na namin ang session bago kami nakapasok sa loob.

Paglabas ko ay nakita ko kaagad ang aking asawa na pabalik-balik sa isang maliit na pasilyo ng clinic. Nilapitan ko siya, at nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa akin. Hindi ko matantiya kung galit ba siya o nag-aalala. Pagkalapit niya sa akin ay kaagad niya akong niyakap. Tinapik ko naman ang likod niya. Nag-aalala nga siya. Nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

“Okay ka lang ba? Ano ba ang nangyayari, Jessica?” nag-aalalang tanong niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. “I’m fine. Alam ko na ang katotohanan.”

Biglang bumilog ang mga mata niya at dumiin ang kaniyang paghawak sa aking balikat. “Ano’ng nalalaman mo?” asik niya sa akin.

Bigla-bigla lang siyang nagalit. Dahil sa inasta asawa ko ay bigla akong natakot sa tono ng boses niya. Biglang nag-flashback sa utak ko ang banta ng bata at ni Mang Ricardo. Biglang nanginig ang tuhod ko nang marinig ko ang boses niya na parang galit.

At biglang may sumaging maliit na imahen sa paningin ko dahilan para sumakit ang aking ulo. Parang tinutusok ang sentido ko ng matalas na karayom. Napaatras ako mula sa kaniya dahilan para makawala ako sa pagkakahawak niya sa akin. Unti-unting lumabo ang aking paningin. Naging blurry ang mukha ni Xander nang tingnan ko ang mukha niya. Pero kahit ganoon ay nakikita kong nag-aalala ang mukha niya.

“Jessica! Jessica!” Rinig ko ang kaniyang boses pero pa-echo ito. Ang mukha niya ay parang nagsi-switch ng batang bersyon niya—mga eighteen or twenty years old na siya.

Naramdaman ko na lamang ang aking likod na may braso nang nakalapat dito. Sinalo ako ng asawa ko sa aking pagbagsak. Tiningnan ko kaniyang guwapong mukha na ngayon ay klaro na.

“Did we met before?” I asked him.

“Huwag ka na munang magsalita. You are not in good shape.”

Dahan-dahan niya akong itinayo at inalalayan palabas ng clinic. Nakita ko rin ang iilang staff ng clinic na nagbubulungan dahil sa nangyari. Hindi ko halos mailakad ang aking sarili na para bang may pinapasan akong mabigat. Siguro ay dahil ito sa stress na natamasa ko may ilang araw na o hindi kaya ay epekto ng hypnosis.

Pagkalabas namin sa gusali ay kaagad kaming nagtungo sa kotse. Pinagbuksan ako ni Xander ng pinto at pinasakay. Nasa likod niya ako pinaupo. Humiga na lang ako para kahit papaano ay maipikit ko ang mga mata ko. Kaagad siyang nagtungo sa driver’s seat. Hindi pa man din ako nakakapikit ay nakita ko sa salamin na seryoso niyang pinaandar ang kotse.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Where stories live. Discover now