✟ CHAPTER 7 ✟

60 14 1
                                    

NAKITA ko si Kuya Lukas sa aking harapan kaya naiatras ko aking sarili ng isang hakbang habang napahawak sa aking dibdib. "Ginulat niyo naman po ako kuya," sabay usal ko.

Nakita kong napakamot siya sa kaniyang ulo bago nagsalita, "Pasensya ka na. Nakita ko kasi kanina na nabuksan ang bahay kaya pumasok ako kaagad para i-check ang bahay," paliwanag niya.

Nakatuon ang pansin ko sa likod ni Kuya Lukas kung saan makikita kong puro mga naglalakihang litratong naka-frame doon sa dingding ang mga mukha ni Mochel.

"Dumaretso kasi ako rito dahil nandito rin ang main switch ng bahay para magka-ilaw . . ." may sinasabi pa si Kuya Lukas ngunit hindi ko na ito naintindihan dahil dinala na ako ng aking mga paa sa kinaroroonan ng mga nakasabit na frame pictures.

Hinimas ko ang isa sa frame. Marumi na ito pero nababalot ng cobwebs at alikabok. Napabahing pa nga ako dahil alikabok. Pero may iilang retrato na makikita ang buong mukha ni Mochel. Kinuha ko ang mga alikabok na nasa may mukha nitong isang naka-frame na picture. Nakatingala ako sa isang malaking frame kung saan palagay ko ay nasa edad na sixteen pa lamang si Mochel.

Nakasuot siya ng isang magarang pink dress. Makapal ang make-up at eyeliner nito. Malayo ang taste naming dalawa sa pampaganda. Gusto ko lang kasi yung light lang.

"Pinapalagay kasi ni Ma'am Michelle ang lahat ng gamit ni Mochel mula noong nawala siya," narinig kong sabi ni Kuya Lukas habang abala pa rin ako sa pagmamasid sa larawan ng kakambal ko.

Mayamaya ay inikot ko ang aking sarili sa loob at pinagmasdan ang kabuuan ng basement. Puno ng mga gamit ang loob at halos kulay rosas ang mga kagamitan nito. Pink ang kulay na paborito ni Mochel. Sa aming dalawa ay siya ang pinaka-girly. May mga naalala na akong ibang mga memorya ko tungkol sa bahay at kapatid ko pero hindi pa vivid. Marami pa rin akong hindi matandaan.

"Halos mga kagamitan ni Mochel ang pinapalagay ni Ma'am Michelle rito sa loob, Couh," dagdag niya ulit.

Humarap ako kay Kuya Lukas. "Kuya, puwede bang ikuwento niyo sa akin ang pagkawala ni Moch?" tinanong ko na siya at baka makalimutan ko pa.

Total ito naman talaga ang pakay ko. Ang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkawala—pagkamatay ng kapatid ko.

"Tara muna't lumabas dito, Couh. Doon sa bahay ko ikukuwento sa iyo ang mga pangyayari."

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko malaman isasagot ko sa kaniya. Nagdadalawang-isip kasi ako kung pagkakatiwalaan ko ba siya o hindi.

Tumalikod na siya at naglakad. Naiwan pa rin akong nakatingin sa kaniya at hinihintay niya ako sa may pintuan. Hawak-hawak na niya ang doorknob.

Parang naka-glue ang mga paa ko sa sahig na ayaw sumunod sa kaniya. May naglalaro sa isipan ko. Hindi ko alam kong anong klaseng tao ang kausap ko ngayon. Baka kasi ay isa rin pala siya sa dahilan kung bakit nawala ang kapatid ko.

Pero kailangan ko rin talaga malaman ang katotohanan. Kaya napakumbinse ko ang akong sarili  na sumunod na lamang kay Kuya Lukas.

"Tara na, Couh."

Pilit akong ngumiti at saka naglakad patungo sa kinaroroonan niya, saka niya tuluyang binuksan ang pinto. Pinatay na rin niya ang ilaw sa loob basement. Kaya paglabas namin ay patay ang ilaw sa kabuuan ng bahay.

Paakyat na kami ng bahay habang naririnig ko pa rin nagsasalita si Kuya Lukas patungkol sa bahay. Kailangan pa raw niya i-check ang ilaw ng bahay dahil ang basement lang ang gumagana na ilaw.

"Gaya ng sinabi ko sa iyo dahil sa pagkawala ni Moch ay nawala sa katinuan si Ma'am Michelle dahilan kaya namatay siya sa sobrang lungkot."

"Bakit hindi niyo nakita agad si Mochel?"

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Where stories live. Discover now