BONUS CHAPTER

13.4K 222 16
                                    

Note:

This chapter is related to the ending and a glimpse on the climax chapter or part. Papunta na kasi tayo sa exciting part at climax.
After this chapter, continuation ng chapter 26 na. And it will explain everything happen in this chapter at sa mga naunang chapters nito.

***

Leo

"Alam kong mayro'n nang iba
Sa kilos mo'y nadarama
Mukhang ako ay nakalimutan mo na
Wala nang masasabi, 'di ba?"

Nasa sulok lang kami ulit dito sa Monrow's bar nang maulinigan namin magkakaibigan ng boses ng isang lalaki sa center stage. May banda ngayon dito dahil sa monthly event ng bar na ito. Nasa malapit kami sa labas sa tabi ng glass. Kahit si Riyo, Samatha, Lizzy at Trevor ay napatahimik na nag-iingay kanina at napalingon din sa lalaki.

Napatingin din ako sa buong paligid at kita ko rin na lahat sila ay natahimik at napatingin din dito.

"Kapit mo, kay lamig na
Pati yakap mo'y wala nang gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin"

Ngayon ay napatingin na ako diretso dito, nakasuot ito ng itim na damit at itm din na jacket habang binabate ang gitara. Ramdam na ramdam ang lungkot sa boses nito, napapapikit pa siya.

Agad akong nagtaka ng tumingin ito sa paanan namin at ngumiti na ikinataka ko, napatingin din ako kila Sam, Riyo, Lizzy at Trevor pero kahit sila parang walang idea. Pero may kakaiba sa kilos at awra ni Lizzy ng hindi agad tinanggal ng lalaki ang tingin dito.

"Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang"

Napabalik ang tingin ko sa lalaki ng makita kong napayuko si Lizzy at nabigla ako ng makita ko ang lalaking nasa stage na may kasamang lalaki rin. Nakatingin din ito sa pwesto namin, kahit ang ibang tao ay nakatingin narin sa amin ng may pagtataka. Agad akong napatingin kay Riyo ng kalabitin ako ni Sam at kitang-kita ko ang pagtulo ng luha nito.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa stage, dun ko napagtanto kung sino ang lalaking kasama ng naggi-gitara, ito yung kwento ni Riyo sa amin na kababata niya na akala niya namatay na sa aksidenting nangyari sa barkong sinakyan nila nung mga bata pa sila. Siya yung kababata niyang matagal na niyang hinahanap.

"Justine," nabulong ko na lamang dito at napatingin din sa kanya.

Lumalakas narin ang iyak ni Riyo. Lalaki pa si Riyo ng kaibigan niya ito, hindi pa siya tuluyan ladlad noon hindi tulad ngayon na mahaba na ang buhok at nagpi-pills na siya kaya medyo may laman na ang dibdib niya.

"Alam kong mayro'n nang iba
Ang init ay nanlamig na
Ba't 'di maamin ang 'di malilihis?
Ikaw at ako'y tapos na"

May biglang babaeng lumapit sa katabing singer ni Justine nung sa part na ito at nagbigay ng kiss saka bulaklak. Humihikbi narin si Lizzy ngayon na ikinataka ko rin.

"Are you okay?" Tanong ko rito ng hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa kuryosidad.

Tumango lamang ito saka ako niyakap at umiyak sa balikat ko. Napatingin ako sa likuran ng table namin at nakaupo roon si Daniel, Xavier, Isaac, Axel at Lucas. Hindi ko napansin na andito rin sila. Agad akong umiwas ng makita kong napatingin din si Dan sa akin at kita ko ang pagkabigla rito. Kahit mga kasama niya sa table ay napadako ang tingin sa table namin at nagulat din sila.

"Bawat hakbang ay palayo ka
Walang linaw na babalik ka
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin"

Napabalik ulit ang tingin ko sa stage dahil biglang natahimik ang kapaligiran ng matapos ang huling stanza na ito at namatay ang ilaw. Tanging ilaw na buhay ay nasa stage lamang at doon tumayo si Justine.

Slave By My Stepfather (M2M)(SPG18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon