"WaSalam lang? Wala naman bang kumusta ka or ano?" Birong reklamo nya ,Akma syang uupo sa tabing upuan ko ng pigilan ko sya

"Pwede ba Saheer tigilan mo na ako kasi kahit anong pilit mo hindi talaga kita gusto atsaka
pwede ba lubayan mo na ako nakakainis na"

sabi ko sakanya na ikinatigil nya hindi ko kaya yung sabar ko sakanya at lumabas na ako ng room at pumunta sa bench,

Ginawa ko yun para tigilan na nya ako ayoko kasi yung may nagpapansin saken lalo na't yung napaka clingy.

He's a muslim and a good-looking man but he's always care about his face and posture wala sya masyadong alam sa islam.

Umupo ako dito at hihintayin na lang ang mga kaibigan ko.

A few minutes later when i saw my friends arrived and i ran towards them and give them a hug i have a lot of circle of friends i have 8 bestfriends at my arabic school and all of them are a muslimah and i have 3 friends here at my school 2 of them are both Catholic but we respect each other.

After that we went to our room we glad that we are the same room than before. We sat at the same column and Colline sat beside me while Farziya and Lilly sat at our back hindi pa naman dumadating yung teacher namin kaya nag usap muna kami Lilly started open the conversation.

"Busy ba kayo bukas?"nag aalangang tanong nya. Alam nila kasi na may pasok ako tuwing sabado.

"Wala kaming pasok bukas ng hapon so?" Sagot ko. Ako lang talaga ang may klase tuwing weekends

Si Farziya kasi muslim sya kaya lang hindi masyadong naghihijab at hindi sya masyadong sumusunod sa kautusan kaya mapaghinalaan mo siyang Christian at dahil na rin sa puti ng balat at kulay red na buhok Astaghfirullah.

"Kita kits tayo bukas sa clinic nyo"sabi ni Colline na nagpapalakpak pa.

Madalas silang nandon kapag wala akong pasok sa arabic school at sinasama ko rin ang mga kaibigan ko para naman magkakilala sila.

Marami pa kaming pinag usapan about sa pupuntahan namin sa sabado at habang si Colline ay about sa crush at naghahanap ng sakristan para naman daw mahimasmasan ang kademonyohan nya na o-op ako sa sakanila buti na lang dumating na yung teacher namin at saka sinimulan ang klase.

12:30 na ng hapon na kakatapos ko lang mag salah.

Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen ng biglang may lumapit kay Lilly at may inabot na chocolates at isang rose nag aalangan pa syang kunin yon tiningnan nya kami na nangangahulugang tatanggapin ba nya o hindi kaya sinenyasan namin sya na tanggapin na lang at kinuha nya naman laking tuwa ng lalaki ng abutin yun ni Lilly at nag usap muna sila sa gilid ng stall ng canteen.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Lilly sa upuan nya na hindi maalis ang tuwa sa mukha kaya tinampulan namin sya ng tukso dahil matagal nya ng crush si black since 7 pa sila magkaklase sila nung grade 7 at nakilala ko naman sya nung grade 8 ako masasabi kong gwapo si black at mestizo may lahi syang german pero singkit ang mga mata nya kaya nagkacrush si Lilly sa kanya at dahil narin bukod sa gwapo at mayaman sya ay napakabait pa nito.

"Anong sabi nya sayo?" Usisa ni Colline na may mapanuksong tingin. Namula naman si Lilly sa tanong niya kaya nagkaroon ng malakas na 'ayieeeeeee' ang table namin at sinita kami ng isang teacher sa kabilang table kaya natahimik kaming apat

"S-sabi n-nya a-ano..." nahihiya niyang sabi na parang kinikilig kaya binatukan sya Farziya at Colline tinawanan ko sila dahil parang mga uhaw na mga tsismosa to'ng dalawa

"Mmm! Wag mo kaming bitinin" sabi ni Colline ng pagkatapos nyang batukan si Lilly

"Aray ha?!"sarkastikong reklamo ni Lilly

"So ano nga?" Tanong ulit nila

"Okay chill lang kayo"sabi nya habang tinataas ang dalawang kamay na parang pinpakalma to'ng dalawa"Ganito kasi yon.. Gusto nyang mag-" hindi nya natapos ang sasabihin ng magsalita si Colline

"Anong mag? Gusto nyang mag ano kayo? Nako nako Lilly huwa-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng binatukan ko sya ngayon sumabat na ako sa usapan

"Ayan! Makinig ka kasi muna patapusin mo muna si Lilly bago ka sabat ng sabat dyan na demonyo ka" sabat ko at pinag patuloy ni Lilly ang sasabihin

"Okay. Makinig kasi muna kayo! Gustong makipag KITA bukas" patuloy niya sa sasabihin nya at inemphasize talaga ang kita tsk malibog talaga to'ng si Colline kailangan na talaga ng pari este Sakristan.

"Farziya, pansin ko lang kanina pa umaga hindi pumasok yung crush mo?" Tanong ni Colline
Kasalukuyan kaming gumagawa ng performance task sa Filipino.

"Ewan ko ba't moko tinatanong?"tanong niya

By group kasi to kaya bawat grupo ay may limang miyembro atsaka kami ang pipili kung sino ang maging kagrupo namin kaya kaming apat ang magkagrupo at sinali rin namin yung tahimik naming kaklase si Kyla

tinutulungan namin si Lilly na magkulay patapos narin to kasi comics lang ang pinagawa sa amin buti na lang magaling mag drawing si Lilly.

Nang matapos na ang pinapagawa sa amin ay ipinasa na namin kay sir at ng nakatapos na ang lahat ay saka naman umalis si sir kaya hinabol nila ito papuntang faculty.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang teacher namin sa science kaso nagulat kami bakit yung adviser namin ang pumasok. Nakatingin kami sakanya na nagtataka.

"Good afternoon class"bati ng adviser namin

"Good afternoon teacher Monica" sabay naming bati at tumayo. Sumenyas sya na maupo na kami kaya nagsiupuan na ang mga kaklase namin.

"Cher bakit kayo po ang next teacher wala po ba si Cher Anica?" Tanong ng Class Secretary namin nasi Marissa

"Wala kayong paso—" hindi na natapos ng guro ang sasabihin dahil naghiyawan ang mga kaklase namin habang kaming tatlo nina Lilly at Kyla ay nanatiling tahimik habang sina Farziya at Colline ay nakisali sa hiyawan

"CLASS!! BE QUIET!!"sigaw ng adviser namin na ikinatahimik nilang lahat. Pinatuloy ng guro ang sasabihin at pinauwi na kami pagkatapos dahil magkaroon sila ng meeting para Filming namin at iba pa.

Pababa na kami ng hagdan ngayon patungong CR para mag ayos at maka ihi narin.

Nang pagkatapos naming mag CR ay nagsuggest si Lilly na pumunta ng Mall para magpalamig, alas dos pa naman ng hapon kaya sumama na rin ako at lumabas ng school para magcommute papuntang Mall.

HindranceWhere stories live. Discover now