"Wala naman. Bakit?" Nagtataka ko kunong tanong at mabilis na ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko.

"Strange. Then, why are you avoiding my gaze?" Napalunok ako sa tanong niya. Act like you are not avoiding him, Skye. Wag mong ipahalata na naapektuhan ka sa kababalaghan na iyon.

"No, I'm not. Baka imagination mo lang yun." Nasa libro pa rin ang atensyon ko ng sinabi ko iyon. Pero nagulat nalang ako ng bigla niyang sinara ang libro at kinuha niya iyon mula sa akin. Napatayo ako at lumapit sakanya para kunin ang libro pero inilayo niya iyon sa akin.

"Really?" Nahigit ko ang hininga ng makitang ang lapit na ng mga mukha namin. Itutulak ko sana siya palayo ng hinawakan niya ang kamay ko para pigilan iyon sa pag-tulak sakanya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong kinuha ang kamay ko sakanya tapos ay lumayo na para bang na-kuryente ako sa pag-hawak niya sakin.

"What are you doing, Kaius? I'm not in the mood to mess with you, so give me the book." Madiin kong ani at naglakad papunta sakanya para kunin ang libro pero inilayo na naman niya iyon sa akin. Pilit ko iyong kinukuha hanggang sa napatayo nalang siya at itaas ang libro kaya mas lalo pa akong nainis ng hindi ko iyon maabot.

Bakit ba kasi ang taas niya?! 6'0 ang height tapos 5'8 lang ako paano ko yan aabutin?!

Sinubukan kong abutin ang palapulsuhan niya para sana maabot ko na ang libro pero pinigilan niya ang kamay ko kaya sa inis ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba! Akin na yan! Stop messing around-" napatigil ako sa pagsasalita ng inilapit niya ang mukha sa akin kaya inilayo ko naman ang mukha ko. Inilalayo ko ang mukha ko pero siya naman itong lapit ng lapit hanggang sa naramdaman ko na ma-out of balance ako dahilan para mapa-pikit ako at hinintay ko na bumagsak ako sa tiles pero walang nangyari. I opened my eyes to see what he's doing pero hindi ako naka-react ng makita ko ang madilim niyang mga mata na nakatingin sa mga mata ko.

"I'm not messing around, Athy." Seryosong seryoso ang boses niya na ikina-tindig ng mga balahibo ko. Nakita kong umigting ang panga niya and I hate my mind for thinking he's hot.

"May tinatago ka ba sakin?" Kumunot ang noo ko. Tinatago? Wala naman ah. Dahan-dahan akong umiling at hindi ko na napansin ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

"Really? Wala? Eh ano yang kulay ng mga mata mo?" Hindi kaagad nag-process sa isipan ko ang sinabi niya pero kalaunan ay na-gets ko na din.

Shit, hindi ako nakapag-contact lenses!

"Asul ang kulay ng mga mata mo, athy. Hindi Hazel. Sabihin mo sakin, may tinatago ka ba?" Kinabahan ako doon at hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya. Napaka-careless ko naman ni hindi na ako nakapag-contact lenses matapos kong maligo.

Teka, paano ko ba ito e-explain sakanya?

"U-uh..." Nag-hanap ako ng pwede kong sabihin sa aking utak pero parang sa isang iglap lang ay nawala lahat ng braincells ko. Labis na kaba ang nararamdaman ko kaya mabilis kong inalis ang tingin sa kaniyang mga mata at itinulak siya para maka-layo na. Ang awkward kaya ng posisyon namin at isa pa, hindi na kaya ng puso ko.

Tumalikod ako sakanya at nag-lakad na paalis. Ni hindi ko na nga naisip na lingunin si zeke ng dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi pa ako nakakalayo ay hinigit niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Mabilis niya akong pinaharap sakanya at gusto kong maiyak ng sumalubong sa akin ang masama niyang tingin.

"Don't turn your back on me when I am asking you, Athy. Sagutin mo ang tanong ko. May tinatago ka ba sa akin? Sa amin?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil kapag hindi ko napigilan ay baka masabi ko sakanya pero wala namang masama kung umamin ako, hindi ba?

"Athy." May pag-babanta na ani nito dahilan para mapalunok ako ng ilang beses. Kalaunan ay sumuko na din ako sa lalim ng titig niya sakin. Wala akong laban sakanya. Alam kong hindi siya titigil sa kaka-tanong sakin kung hindi ko siya bibigyan ng malinaw na sagot. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko at tinanggal iyon bago siya hinatak pabalik sa gazebo saka naupo ulit ako sa upuan ko. Kaharap ko siya na ngayon ay hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Um... Ang totoo kasi nyan..." Naga-alinlangan na sabi ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nanatili naman siyang tahimik at hinintay ang kadugtong ng sasabihin ko kaya napa-buntong hininga na lang ako dahil alam kong wala na akong takas.

Kahit na mag-sinungaling pa ako sakanya ay hindi iyon uubra.

"Uh, erm... Ang totoo ay... Hindi talaga Asul ang kulay ng mga mata ko, kundi Hazel. Mom told me to wear contact lenses for my safety but I don't really know why. And since then, palagi na akong nag-susuot ng contact lenses at tinatanggal ko lang kapag matutulog na. And... I am very, very sorry for hiding it from you-I mean, to all of you pero sinabi ni mom na hindi ko dapat tanggalin iyon kapag nasa labas ako so I didn't tell you guys." Habang sinasabi iyon ay nakatingin lang ako sa mga kamay ko na pinaglalaruan ko ngayon. Natahimik kami ng ilang sandali at pareho kaming may mga malalim na iniisip.

"So, all this time tinatago mo ang mga mata mo mula sa amin?" Tumango ako.

"Yes, tama ka. I just can't take it off because I'm more worried dahil baka may maka-kita at malaman ng kalaban. That's what mom told me. Na dapat hindi ako mag-tiwala-"

"You don't trust us? You don't trust me, is it?" Pag-putol niya sakin na ikinanganga ko. Kinagat ko nalang ang ibabang labi dahil half true naman ang sinabi niya.

"Hindi naman sa ganun, Kaius. I trust you guys pero nababahala lang ako dahil baka may ibang makakita kaya hindi ko sinasabi. It might bring danger to us all. So, for our safety, parang-"

"Parang ganun na nga? Ayun ba? Your secret is safe with us, Athy, you know that. But, all this time may pag-hihinala ka sa amin?" Hindi ako naka-imik since totoo naman din. Napayuko ako at natahimik nalang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You know, It's fine. Ayos lang pero pagka-tiwalaan mo kami, Athy. Matagal mo na kaming na-kasama at pareho nating alam na mapagkaka-tiwalaan ang mga tao sa bahay na ito. But, can we have no secrets from now on?" Hindi pa rin ako umimik dahil nalulunod ako sa mga iniisip ko.

Did I put my walls too high? I think I overdo it. Siguro oras na din para umamin ako at pagka-tiwalaan sila, hindi ba? Pinagka-tiwalaan nila ako pero ako itong walang tiwala sa kanila. Unfair naman yata yun pero masyado akong naging wary sa mga tao na naka-paligid sa akin na mismo ang mga taong nag-titiwala sa akin ay pinag-hihinalaan ko na din. Just now, I think I don't deserve people like them, do I?

Pero simula ngayon, I will do better para ma-deserve ko sila. Sila lang ang mga tao na na-kasama ko sa mga ups and downs ko at sila lang ang mga tao na nanatili sa tabi ko hanggang ngayon kaya simula sa araw na ito, wala na akong sekreto na itatago sa kanila. Para na nila akong pamilya pero marami akong sekreto na tinatago sa kanila.

"Well... Okay. No secrets from now on." Nakangiti kong ani habang nakatingin sakanya at nakita ko ang pag-silay ng ngiti sa kanyang labi. Pero nawala ang ngiti ko ng maalala kong tatanungin ko pa pala siya sa nangyari kagabi at kung bakit siya nag-lasing.

"Saan ka nanggaling kagabi, Kaius?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero pinag-taasan ko lang siya ng kilay.

Akala mo makakatakas ka sakin ah. Kailangan ko ng paliwanag mo sa nangyari at baka masakal kita ng wala sa oras.

"Sa bar." Matipid na wika nito na ikina-irap ko.

"In details, Kaius. Details."

One Deep Love Where stories live. Discover now