Chapter 16: Feelings on Fast Forward

Start from the beginning
                                        

I wanted to tell her that it wasn't going to happen, but I didn't. Baka masaktan kasi si mom. Siguradong mas masasaktan siya kapag nalaman niyang may girlfriend na ako. Pinaplano ko nang ipaalam 'yon at ipakilala si Trixie sa kanila. Pinag-iisipan ko lang nang mabuti kung kailan ko ito gagawin.

Mahal ko ang best friend ko, pero hindi sa parehong paraan kung paano niya ako minamahal. Mahal ko rin ang family ko, na ang gustong makatuluyan ko ay si Stephanie. But I also loved Trixie. At kailangan ko nang gawing klaro ang lahat bago pa man sila mas umasang may mangyayaring mas higit sa pagitan namin ng best friend ko.

I just smiled and said, "Sige po, alis na ako, mom."

"Bumili ka ng water mo, ha?"

"Yes, mom!"

Lagpas 6:00 AM na kaya't maliwanag na ang paligid. Araw-araw ko nang ginagawa ang pagtakbo sa umaga. Napagtanto ko kasing dapat ko talagang gawin ito dahil bukod sa kailangan ito ng aking katawan, itinuro rin ito sa akin ni Stephanie. Parang ginagawa ko rin ito dahil baka bigla siyang dumating at sermunan niya ako kapag hindi ko ito ginawa. I didn't want that to happen again. Ayoko ring makiliti ulit.

Stephanie, I miss you...

Tuwing Sabado at Linggo at kapag wala silang pasok, binibisita niya ako, pero kahit na gano'n hindi ko pa rin siya maiwasang ma-miss. Parang kulang ang dalawang magkasunod na araw na kasama ko siya. I wanted to be with her, always. Gusto kong araw-araw kaming magkasama. 'Yon ang dahilan kaya't kinukumbinsi ko siya noon na mag-aral sa parehong school na pinag-aaralan ko at doon na lang siya tumira sa bahay.

Ang problema lang, ayaw niya dahil sa lola niya at nauunawaan ko naman 'yon.

Malayo na ang natakbo ko. Sa hindi kalayuan, may nakita akong isang babae na nakaupo. Mukhang umiiyak siya. Naisip kong lapitan siya. Bumili ako ng dalawang bote ng tubig at saka ako naglakad papalapit sa kanya.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at iniabot 'yon sa kanya. Tinanggap niya naman 'yon. "Heto, oh, miss, tubig," sabi ko sabay abot naman ng tubig. Naupo ako sa kanyang tabi at uminom ng tubig. Dahil nasa kanya ang aking panyo, kamay ko na lang ang ginamit kong pampunas ng mukha kong puno ng pawis.

"Salamat dito." Pinunasan niya ang kanyang mukha at saka uminom ng tubig.

Pinagmasdan ko siya. Mukha siyang mas matanda sa akin. She had a pretty face, but she didn't look okay. She looked pale. Para siyang may sakit. Ang dark din ng ibaba ng kanyang mga mata, nagpapakitang stressed siya at kulang siya sa tulog. Mukhang hindi niya masyadong naaayos ang sarili niya. Siguradong mabigat ang pinagdaraanan niya.

"Miss, okay ka lang ba? Oo, stranger ako, pero pwede kang magkwento sa akin. Promise, I won't tell anyone what you're gonna tell me. Mapagkakatiwalaan mo ako."

She smiled. "Thank you..."

"James po."

"Salamat, James. Ang buti mo." nakangiting sabi niya. She looked away and took a deep breath. "Lalaki ang dahilan kaya ako nagkakaganito, pero feeling ko, mabuti kang tao at iba ka kaya't pagkakatiwalaan kita. Buntis ako."

"Talaga po?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Congratulations, ate!" I sounded like a little kid.

"Buntis ako, ngunit ang ama ng batang dinadala ko, iniwan ako." She looked at me. Her tears started to stream down her face again. "Student pa ako, pero buntis na ako. Hindi ko alam kung biyaya ito. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Umaasa ang pamilya ko sa akin, pero binigo ko sila. Tapos 'yong lalaking minahal ko nang lubos, iniwan lang ako. Mag-isa na lang ako ngayon. At hindi ko alam kung... paano ako babangon."

Hinayaan ko lang siyang umiyak. I couldn't say that everything was going to be fine. I didn't even know what to say, but I spoke anyway, "Why did he leave you?"

She smiled. Mapait ang kanyang ngiti. "Iniisip niyang hindi siya ang nauna sa akin, na hindi siya ang nakakuha ng virginity ko. Ang sabi niya, katulad lang daw ako ng ibang babae at ang batang dinadala ko..." Hinawakan nito ang kanyang tiyan. "...ay hindi niya anak, kundi anak ng ibang lalaki. Ang sakit, ang sakit-sakit."

"Is that the only reason why he left you? Dahil tingin niya hindi siya ang nauna sa inyo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Baliw ang gano'ng lalaki! Siguradong nagda-dahilan lang siya dahil ayaw niyang tanggapin ang responsibilidad niya."

Ano ba ang problema ng mga kapwa ko lalaki sa mundo? Ang lakas ng loob nilang makipagsiping sa babae 'tapos kapag nagbunga ang ginawa nila, gagawa sila ng dahilan at basta na lang tatakas? Mga duwag! Hindi sila tunay na mga lalaki! Those guys don't deserve to be loved! Pero kadalasan, ang gano'ng uri pa ng mga lalaki ang mas higit na minamahal ng mga babae.

"Kasalanan ko ito. Ang landi ko kasi, eh! Ang landi-landi ko!" Pinalo-palo nito ang kanyang ulo. "Hindi ako nakinig sa mga magulang ko. Akala ko mahal niya talaga ako at hindi niya ako iiwan. Pero tama nga si mama, sa oras na nakuha na ng lalaki ang gusto niya sa isang babae, maglalaho na lang siya na parang bula."

Dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin, hinagod ko na lang ang kanyang likuran. Habang pinakikinggan at pinagmamasdan ko siya, naalala ko si Trixie. Kahit magkaiba ang pinagdaanan nila, pareho silang biktima. Siya'y biktima lang ng isang masamang lalaki, at ang babaing ito ay biktima naman ng pag-ibig. Siguradong walang katumbas ang sakit at paghihirap na nararanasan ng mga babaing humaharap sa gano'ng klase ng pagsubok.

Mas kailangan ako ni Trixie. I needed to make her feel the love she deserved. I needed to make her feel that she deserved to be loved, no matter what her past was. Kahit ano pa ang nakaraan niya, tatanggapin at mamahalin ko pa rin siya. Kahit may namagitan pa sa kanila ni Troy, hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal ko sa kanya. Siya ang babaing para sa akin kaya dapat ko siyang ingatan, at dapat ko ring gawin ang lahat upang hindi kami magkahiwalay.

Kasama na roon ang paglimot sa nakaraang mayroon siya.

FOREVER WITH YOU
GoddessTheophania (Tiffany)

Forever with You (Under Editing And Revision)Where stories live. Discover now