Chapter 16: Feelings on Fast Forward

Start from the beginning
                                        

"Why are you looking at me like that? May problema ka yata. Gusto mo ba ng kiss?"

Hahalikan na sana niya ako, ngunit niya nagawa dahil pinigilan ko siya. I held her by the hand and said, "We need to talk."

Pumunta kami sa tagong lugar, kung saan walang makakakita sa amin at makaririnig sa aming pag-uusap.

"James, pwede mo na ba akong bitiwan? Ang higpit ng pagkakahawak mo sa kamay ko, eh," sabi niya. She looked around. "Why did you take me here? Sa tagong lugar? Nangangahulugan ba ito na handa ka na? Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo na akong maka -"

"That's not what I want. I took you here because I want you to explain," I said. Her smirk disappeared and her eyebrows rose. "Totoo ba'ng noong fifteen ka, nang-akit ka ng mayamang lalaki at nagkaroon kayo ng baby?"

She froze. And instead of answering my question, she said, "Kanino mo nalaman 'yan?"

Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. "So it was true? You used your body to get what you wanted? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin? Bakit mo pa sinabi sa mga kaibigan ko na girlfriend kita kung may sarili ka na palang pamilya? Bakit?!"

Nanahimik lang siya.

"Trixie, mahal kita, pero ayokong sumira ng isang pamilya. Mahal kita, pero ayokong gumawa ng isang bagay na makasasakit sa isang inosenteng bata at makasisira sa kinabukasan niya. Huwag na nating ituloy 'to. Layuan mo na ako."

Aalis na sana ako, ngunit hinawakan niya ako sa braso. "No, James. Hindi tayo maghihiwalay. Hindi mo ako iiwan. Akin ka lang!"

Inalis ko ang kanyang kamay. "No, I'm not yours. I love you, but you don't love me. Ang taong mahal mo ay ang sarili mo lang, sarili mo lang ang iniisip mo. You're selfish. I'm leaving."

"Na-rape ako!"

Hinarap ko siya. Halos nakaupo na siya sa lupa at nakatakip ang kanyang mga kamay sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya.

"Ano?"

"Noong fifteen pa lang ako, na-rape ako ng isang lalaking hindi ko kilala. At... 'yong nangyari, nagbunga. Nagkaroon kami ng baby."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Tumingala siya sa akin. Lumuluha na siya. Hinawakan niya ang aking kamay. "James, believe me, hindi ko 'yon ginusto. Biktima lang ako. At oo, may anak na ako, ngunit hindi ko kailanman matatanggap ang batang 'yon. Ikaw ang mahal ko, James. Please stay by my side. Huwag mo akong iiwan. I need you."

Lumuhod ako upang magkapantay na kami at niyakap ko siya. Niyakap din niya ako. "Don't worry, hindi kita iiwan. I will stay by your side, lalo na't mas kailangan mo ako ngayon."

My mind was telling me that I shouldn't believe her But my heart, it was telling me to do the opposite thing. Noong mga sandaling 'yon, hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Ngunit emosyon ko ang pinairal ko. Mabuti akong lalaki, at ang mabuting lalaki ay hindi nang-iiwan ng babaing mahal niya, lalo na kapag kailangang-kailangan siya nito.

Because of what I did, because I chose to listen to my heart and not to my brain, I made a mistake again. Bago ko pa ito malaman, unti-unti na palang lumalala ang sitwasyon.

***

"MAGDYA-JOGGING po ako, mom," sagot ko sa kanya. "Kahit po wala rito si Stephanie, ang mga turo niya, nakatatak na sa isip ko. Hinding-hindi ko 'yon malilimutan."

"And it's obvious, James. Para ngang mas sinusunod mo pa siya kaysa sa akin, eh," sabi niya. "Pero hindi naman ako nagseselos. Ang totoo nga niyan, masaya ako dahil mas tumataas na ang tsansang lumevel up na ang relasyon ninyo."

Forever with You (Under Editing And Revision)Where stories live. Discover now