"Totoo ba?"
He nodded. "Oo nga!"
***
NANIWALA AKO sa sinabi ni Gio. Naniwala akong mahal ko na nga ang babaing 'yon, kahit may pagdududa sa loob ko. Dahil doon, hindi ko tinapos ang relasyon namin ni Trixie na hindi ko alam kung kailan nagsimula.
Everything was okay until I remembered something. Hindi ba't may kung ano sa pagitan nila ni Troy? Naging magkasintahan ba sila? At kung oo, naghiwalay na ba sila? Hindi ko ito naisip bago ko hayaan ang sarili kong makipagrelasyon sa kanya.
I went to their room and looked for her. Hindi ko siya nakita roon, ngunit may narinig akong pag-uusap na naging dahilan upang manatili ako roon.
"Alam mo ba ang dark past ng malanding si Trixie?" tanong ng isang babae sa kanyang kaibigan.
"May dark past siya?" She nodded her head. "Gaano naman ka-dark? I-share mo nga sa akin."
"Mula pa noon, slut na ang babaing 'yon. That girl came from a poor family and when she was fifteen, she seduced a guy na mayaman para lang maiahon niya ang sarili niya sa kahirapan."
"Really? Ang pretty girl na katulad ni Trixie na mukhang artista ay mahirap lang? Hindi naman yata kapani-paniwala 'yan. Ang ganda kaya ng skin niya at nakikita ko rin sa posts niya sa social media, palaging ang gaganda ng suot niya roon at ang ganda rin ng bahay niya. Maraming ibang bansa na rin ang napuntahan niya."
"Totoo itong chika ko, girl. Hindi lang ako basta chismosa, imbestigador din ako, 'no. Naiinis na kasi ako sa babaing 'yon dahil kahit mababang uring babae lang naman siya, ang taas ng tingin niya sa sarili niya kaya naisip kong alamin ang itinatago niyang baho."
"Eh, saan mo nakuha 'yang information na 'yan?"
"Girl, mayaman kami. Basta may pera ka, madali mo lang makukuha ang kahit anong gusto mo. Ipagpatuloy na nga natin ang pagtsi-chika-han about sa slut na 'yon."
"Sige, sige!"
"Alam mo bang may mas titindi ba sa bagay na 'yon?" pagpapatuloy niya. "After kasing ma-seduce ni Trixie 'yong guy, nabuntis siya. 'Yon talaga ang gusto niyang mangyari, ang mabuntis siya no'ng lalaki para may magamit siya laban sa kanya. Dahil doon, tumigil siya sa pag-aaral kaya naging repeater siya."
"What?" Ang laki ng mga mata niya at tinakpan na naman niya ang kanyang bunganga. "Ibig bang sabihin no'n, nagka-baby siya."
She nodded. "Oo. Kahit slut siya, hindi naman siguro sira ang ulo niya para ipalaglag ang sarili niyang anak," sagot niya. "Kahit grabe 'yong apoy, walang usok dahil tinulungan siya no'ng guy na itago ang nangyari. Uto-uto kasi 'yong guy at siya na ang sumuporta sa kanya financially. Siya ang nagpapaaral sa kanya, siya na rin ang bumubuhay sa kanya. At 'yong house na nakita mo sa post niya, house talaga 'yon no'ng guy. Nasa iisang bubong lang sila nakatira."
"Sobrang galing naman nilang magtago ng sikreto kung gano'n."
"But it's not a secret anymore dahil sisiguruhin kong kakalat ito. That girl deserves to suffer and to be miserable."
Naglakad ako papalayo. Sinubukan kong isipin nang mabuti ang lahat ng narinig ko. Was it true? Na si Trixie, na girlfriend ko na ngayon, ay nang-seduce ng lalaki para makaahon mula sa kahirapan? At may anak na siya?
"Oh, James. Hinahanap mo ba ako?"
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko napansing nagkasalubong na pala kami. I just stared at her. Tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha.
YOU ARE READING
Forever with You (Under Editing And Revision)
RomanceForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...
Chapter 16: Feelings on Fast Forward
Start from the beginning
