Chapter 16: Feelings on Fast Forward

Start from the beginning
                                        

"Gio, ilang beses mo na 'yang naitanong. You sounded like an investigator," I said.

"Yeah, ilang beses ko na nga 'yong itinanong. But you never answered any of those questions. Kailan ka ba magku-kwento? Nagka-jowa ka lang, naging malihim ka na."

Napaniwala na ni Trixie ang mga kaibigan ko na may relasyon kaming dalawa, at hindi ko 'yon itinanggi. Hindi ko alam, pero hindi ko magawang sabihin na hindi ko talaga siya girlfriend. Hanggang ngayo'y naguguluhan pa rin ako.

Ni hindi ko pa rin alam kung tamang hinayaan ko siyang halikan ako o hindi. Hindi ko rin alam kung gusto ko siya o hindi. Siguro'y gusto kong masiguro muna kung may feelings ako sa kanya o wala bago ako kumilos. Paano kung itinaboy ko siya, tapos mapagtanto ko bigla na mahal ko na pala siya?

Ano ba kasi ang tunay na meaning ng pagmamahal? Totoo ba 'yong sinabi ni Gio? Kasi sa tuwing kasama ko si Trixie, palagi akong may nararamdamang kakaiba na alam kong hindi tama.

Baka mahal ko na talaga siya?

"Sigurado ka bang tama ang desisyon mong gawin siyang girlfriend? Do you love her or you're just doing what we told you to do? Kasi kung nakipagrelasyon ka lang para magkaroon ka ng experience, mas mabuting ngayon pa lang, makipag-break ka na sa babaing 'yon," seryosong sabi ni Chris.

Pinalo siya ni Gio. Chris gave him a deadly glare. "Ano'ng nangyayari sa 'yo, Chris? Hindi ba't noong nakaraang araw, tinutulak mo si James na mag-jowa na? Sabi mo pa nga, dapat gamitin niya ang handsome face niya para makuha ang kahit sinong babaing gusto niya, at kapag nagsawa na siya, pwede na niya itong iwan."

"Noong nakaraang araw 'yon. What's past is past. Na-realize kong hindi para sa gaya ni James ang gano'ng paniniwala," sagot niya. "James, you're a good guy. Ang deserve mo ay 'yong pangmatagalang relasyon sa nag-iisang babae, at hindi maraming relasyon sa iba't ibang babae na isang laro lang at malaking pag-aaksaya ng oras. Kaya bago ka makipagrelasyon sa isang babae, siguruhin mo munang mahal mo siya at mabuti rin siya kagaya mo."

"Do you think there's still a girl like that, Chris? Hindi ba't pareho lang tayong naniniwala na manloloko ang mga babae?"

"Yeah. But this advice is for James. And he is different from us. May mabuti siyang ina at iginagalang niya ang mga babae. Kahit hindi pa ako nakakakilala ng babaing matino, may parte pa rin sa akin na naniniwalang nag-e-exist ang gano'ng uri ng babae," sagot niya at muli akong tiningnan. "Kaya James, huwag kang gagaya sa amin. If you don't love her, break up with her now."

"Hoy, Chris, ang pangit ng advice mo!" sigaw ni Gio. "James, don't listen to him. Don't break up with Trixie. Hindi ka na makahahanap ng babaing kasing-ganda at seksi niya. Siya lang ang makapagpapaligaya sa 'yo nang lubos. At saka mahal mo naman siya, 'di ba? Matapos ng nangyari sa inyo, imposible namang wala ka pa ring feelings para sa kanya?"

Gusto kong sabihin sa kanya na walang nangyari sa amin, ngunit hindi ko ginawa. "To tell you the truth, hindi ako sigurado kung mahal ko ba siya o hindi. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko para sa kanya."

"So may nararamdaman ka para sa kanya?" nakangiting sabi ni Gio. Nakakaasar ang kanyang ngiti. "Nararamdaman mo ba 'yong kakaibang feeling na sinabi ko sa 'yo kapag nakikita mo siya?"

I nodded my head. "Oo, palagi."

Gumawa siya ng ingay sa pamamagitan ng pagpalo ng kanyang palad sa isa pa niyang palad. "Mahal mo na siya, James! 'Yon ang tinatawag nilang heat or spark na ang makapagpaparamdam lang sa 'yo ay ang babaing mahal mo."

"James, huwag kang maniwala -"

"Don't listen to him, James. Maniwala ka sa akin. You love Trixie. Huwag mo na siyang pakakawalan. Kayo ang itinadhana para sa isa't isa."

Forever with You (Under Editing And Revision)Where stories live. Discover now