Chapter 16: Feelings on Fast Forward

Start from the beginning
                                        

Tumingin siya sa akin at sumagot. "Noong mismong araw na may nangyari sa atin. Nalimutan mo na ba? Ah, oo nga pala, napagdesisyunan pala nating itago itong sikreto." Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "Sorry, babe. Pero okay lang naman na malaman ng friends mo 'yon, 'di ba? I'm sure mapagkakatiwalaan sila at hindi nila ito ikakalat sa buong school."

"James, why didn't you tell us about it? Wala ka ba talagang tiwala sa aming mga kaibigan mo?"

"Marami kang kailangang ipaliwanag, James."

Nakataas ang kanilang mga kilay at mukhang hindi pa rin sila tuluyang nakukumbinsi na totoong may relasyon na kami ni Trixie. Wala naman kasi talaga kaming relasyon! At mas lalong walang nangyari sa amin! Why would I do that? Ni hindi ko pa nae-experience humalik at mahalikan.

"No, we're not -"

"Unawain n'yo na lang siya," sabi ni Trixie. Hanggang ngayo'y nakapulupot pa rin sa akin ang kanyang kamay. "Na-sha-shy lang siguro si James kaya pinili niyang ilihim muna ito. Ayaw niya rin kasing malaman ng iba na may nangyari sa amin."

I faked a smile and gently removed her hand from my arm. Lumayo rin ako sa kanya kaunti. Naging mas hindi ako komportable. "Chris and Gio, believe me, there's nothing -"

"Sige, uunawain ka namin. Pero sana'y sinabi mo sa amin ang totoo dahil mga kaibigan mo kami. Alam kong hindi kami mukhang katiwa-tiwala, pero hindi ka pa rin dapat naglilihim sa amin," sabi ni Gio.

Chris' face was serious. "Are you really in a relationship with her?"

I looked at Trixie and she gave me smile. What should I do? I swallowed the lump in my throat and nodded. "Totoo 'yon, Chris."

"Prove it. Kiss her in front of us."

My eyes widened. Was he serious? "Um... I can't... Ahh - "

"James."

When I turned to face her, she suddenly kissed me. And it was on the lips! My first kiss!

I didn't move. Ni hindi ako kumurap. Si Trixie, halatang nag-e-enjoy siya dahil nakapikit pa siya habang hinahalikan ako. Naging blangko ang utak ko kaya't hindi ko alam noong mga sandaling 'yon kung ano ang dapat kong gawin. Hanggang sa matapos 'yon, blangko pa rin ang utak ko at nanatili akong parang estatwa sa inuupuan ko.

"Wow! That was amazing! Parang kissing scene lang sa isang drama," komento ni Gio habang nakangiti nang malawak.

"Napatunayan n'yo na ang kailangan n'yong patunayan."

I didn't know how to react and what to think. My mind was telling me that I should've pushed her away. Pero ang katawan ko, kabaligtaran ang sinasabi. Parang nag-enjoy ako at gusto ko pang maulit 'yon.

Nako-konsensiya ako. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng isang pagkakamali. Pakiramdam ko, nagtaksil ako.

Trixie gave me a smile. That smile, I didn't like it. Parang simula pa lang ito ng isang bagay na hindi ko alam kung ano. All I knew was it wasn't a good thing.

Matapos ang nangyari, ang mga kaibigan ko'y hindi na natahimik.

They always brought her and that thing up. They talked about it like I wasn't with them and I couldn't hear their conversation. Ang dami nilang tanong. Para nila akong ini-interview. Minsan, nakakaya ko namang hayaan lang silang mag-usap at umaktong parang wala akong naririnig. Minsan, nagagawa kong ibahin ang topic. Ngunit minsan, hindi ko na kayang manahimik lang at wala akong magawa kundi ang sagutin sila.

"Hoy, James. Sagutin mo na kasi ang mga tanong namin. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin malinaw ang lahat," sabi ni Gio. "May nangyari ba talaga sa inyo ni Trixie? Kailan? Pwede mo bang i-kwento sa amin ang mga pangyayari noong araw na 'yon?"

Forever with You (Under Editing And Revision)Where stories live. Discover now