"AYIEEH!"
I gave Chris and Gio a deadly glare. Binigyan naman nila ako ng nakaaasar na ngisi.
"Akina nga 'yan." Bago ko pa malaman, kinuha na niya ang paglagyan ng aking ulam. Kinuha niya naman gamit ang kanyang kutsara ang hot dogs at longganisa at inilagay 'yon sa kinakainan ko. "'Yan ang kainin mo."
"Pero -"
Inilagay niya ang kanyang daliri sa harapan ng aking labi upang patahimikin ako. "Huwag ka nang magdahilan. If natatakot ka na may magsumbong sa 'yo, don't worry, dahil hindi ito malalaman ng mom mo." She looked at my friends. "Hindi ba, boys?" They nodded. "At para siguradong hindi malaman ng mother mo na hindi mo inubos ang niluto niya para sa 'yo, itatapon ko na lang ito."
"No!" I shouted.
Niluto 'yon ni mom at ayokong masayang ang effort niya kaya hindi niya 'yon maaaring itapon na parang basura. Ano ba ang problema niya? Yeah, palagi ngang masustansiya ang kinakain ko, pero ginagawa ko 'yon hindi dahil napipilitan lang ako't wala akong choice. Ginagawa ko 'yon dahil gusto ko at alam kong makabubuti 'yon sa akin.
Who did she think she was?
"Ah, I'm sorry, James. I forgot na mom mo pala ang nagluto nito. Sige, kakainin ko na lang ito para hindi sayang."
"Trixie, may problema ka ba? We're friends at halos palagi tayong magkasama, pero hindi mo pa rin ako kilala? Mukha ba akong 'yong uri ng tao na mas pipiliing kumain ng hot dogs kaysa sa tinolang manok na luto ng mom ko?"
"James, wala akong problema, okay? Inaalala lang naman kita. Huwag kang masyadong maging good boy, lalo na kung hindi mo naman talaga 'yon gusto." She stood up. "Sandali, may bibilhin lang ako."
I watched her walk away. Kaibigan ko ba talaga ang babaing 'yon? Kailan niya kaya ako mauunawaan? Parang ang labong mangyari no'n.
"Hoy, James. Ikaw yata ang may problema, eh. Trixie was right, too much is bad, kahit ang pagiging mabuting tao pa. Pakinggan mo siya kahit minsan lang. Hindi masamang i-break mo ang rules paminsan-minsan," sabi ni Gio.
"Be nice to her, James. She's so gorgeous and she likes you. Huwag mo siyang sayangin."
"Sige, tama na kayo. But it's my life at kalusugan ko ang nakataya rito -"
"Nakataya?" sabi ni Gio sabay tawa. "Baliw ka talaga, James. Sobrang seryoso mo naman. Kung magsalita ka, parang ang tanda mo na at alam mo na ang lahat, ah. You don't even know the meaning of naka-shoot or naka-score. At saka ang pagkain mo ng hot dogs paminsan-minsan ay hindi mo naman ikamamatay."
"There are lots of things that you don't know and that you need to know, James. Hindi mo 'yon malalaman kung nakaupo ka lang diyan, nag-o-obserba, at walang kahit anong experience. Bago mo maintindihan ang isang bagay nang tuluyan, kailangan mo muna itong ma-experience."
"And what you're trying to say is?"
Si Gio ang sumagot, "Bakit hindi mo subukan ang bagay na hindi mo pa nagagawa?"
Matapos niyang sabihin 'yon, dumating si Trixie. Inilagay niya ang soft drinks na binili niya sa tabi ng aking baunan. "'Yan ang inumin mo. Hindi pwedeng water palagi ang iniinom mo," sabi niya sabay upo sa aking tabi.
"Ayieeh!"
"Ang sweet naman sa 'yo ni Trixie, James. Umamin na nga kayo, mag-jowa na ba kayo?"
I looked at Trixie and she did the same. She smiled and looked at my friends. "Oo, hindi pa ba sinasabi sa inyo ni James?"
Tumaas ang mga kilay nila. Nanlaki naman ang aking mga mata.
"Girlfriend na kita? Kailan nangyari 'yon?" tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
Forever with You (Under Editing And Revision)
RomanceForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...
Chapter 16: Feelings on Fast Forward
Start from the beginning
