"Salamat, Alex... hindi mo lang alam kung gaano iyon kalaking bagay sa akin." Nakangiting sambit ni Kelly.

Habang buhay niyang tatanawin na utang na loob lahat iyon kay Alex.

"Noong nasa loob kayo ni Adam, sinubukan kong hanapin si Ma'am Oliva dahil alam kong kakalabas lang din niya. Kaso hindi ko siya nagawang makausap, kasi umalis na raw agad. Nagmamadali pa nga raw siyang umalis sabi ng ibang katrabaho natin." Pag kwento ni Alex. "Hindi ko lang siya maintindihan, tinatakasan ba niya tayo?"

Wala sa sariling nagkibit balikat si Kelly. "Hindi ko rin alam, pero posible nga iyon." Tila may pagsang-ayon na tugon ni Kelly. "Hindi naman na kasi bago sa mga tao iyon, na kapag may ayaw silang tanong o isang sitwasyon na hindi nila gustong mangyari, ang pinaka common na gagawin nila ay takasan iyon. Tulad na lang nang ginawa ko, 'di ba?"

"Nagets ko naman ang point niya, iyon nga lang hindi ko siya maintindihan sa part na nakausap natin siya. Harap harapan. Sinabi ko talaga ang tungkol kay Adam, na huwag niyang sasabihin kung sakali man na magtanong si Adam sa kanya. Pero anong ginawa niya, nagawa pa rin niyang sabihin." Napailing na lang si Alex, halatang-halata ang kanyang pagkabigo. "At malala pa niyan, siya pa ang bagong branch owner."

Napabuntong hininga na lang sila pareho. "May sarili naman siguro silang dahilan, pero iyon nga lang sadyang hindi pa handang magpaliwanag sa atin." Tugon ni Kelly, sinusubukan niyang mas ipaintindi ang panig ng dati nilang boss. Parang sa pinapakita kasi ni Alex siya pa ang mas naapektuhan sa nangyari na iyon.

Tumango na lang si Alex bilang pagsang-ayon. "Siguro nga."

"Kumusta ka naman?" Muling sambit ni Alex. "Alam kong gulat ka rin nang malaman na siya pala ang bagong may ari ng pinapasukan nating Kooperatiba. Ako nga unang kita ko palang sa kanya, parang bumalik lahat ng galit ko." Litaw sa mata ni Alex ang galit ng sambitin niya ang tungkol doon. "Pero natigil ako nang sabihin ng ibang katrabaho natin na siya pala ang bagong owner, hindi ko na rin nagawang sabihin sa iyo agad dahil inutusan nga niya akong bumili at mag-isa ko pa talaga." Umiling-iling pang dagdag ni Alex. Mukhang sa punto na iyon nakuha na niya agad kung bakit iyon ang kinakaharap niya sa kanyang bagong boss.

Hindi maitatago sa mukha ni Kelly ang pagkagulat. Hindi dahil sa sinabi nito tungkol kay Adam, pero iyong mismong mga salita na narinig niya kay Alex. Hindi talaga siya makapaniwala na marinig ang salitang kumusta mula kay Alex. Kung sa ibang tao sinasabi nilang simpleng salita lamang iyon, pero para kay Kelly napakalaking bagay na ng salitang iyon. Lalo na sa mga pinagdaanan niya ngayon at alam niyang hindi pa doon natatapos.

Papunta pa lang siya sa exciting part.

Tipid na ngumiti si Kelly. "Alam mo sa totoo lang, hindi ko rin alam kung kumusta na nga ba ako..." Saglit siyang tumigil. "Masasabi ko pa noon, na ayos lang ako, kasi katulong kita sa mga bagay bagay. Iyong mga dapat pinagdaanan ko mag-isa, pero hindi ko iyon hinarap mag-isa kasi nandiyan ka. Tinulungan mo ako, hindi mo ako iniwan." Kusa na lang napangiti si Kelly nang sabihin niya iyon kay Alex, sobra-sobra ang kanyang pasasalamat kay Alex. "Mas lalo kong naramdaman ang salitang ayos lang ako, nang dumating sa buhay ko si Riri." Tila naalala ni Kelly iyong araw ng dumating sa buhay niya si Riri, hindi lubos maipaliwanag ang kasiyahan niya noong araw na iyon. Ngunit, mabilis na napawi ang kanyang ngiti nang maalala niya na may kailangan pa pala siyang harapin. "Pero alam mo ngayon, hindi ko masagot... dahil alam kong malapit ko na naman harapin ang katotohanan."

"Naiintindihan kita, lagi kong sinasabi 'yan sa iyo. Pero ganoon siguro talaga ang buhay, Kelly. Darating talagang masasagot mong ayos ka na, kuntento... pero may pagkakataon din na babawiin mo rin pala ang mga katagang iyon. Pero sa kabila dapat ng lahat... ang importante pa rin naman ay ang magpatuloy ka. Hindi magiging hadlang iyon, para sumuko ka." Mahaba ngunit may kahulugan na sambit ni Alex.

Napatango tango naman si Kelly. "Totoo 'yan." Sang ayon niya. "Iyong galit ko nga na naipon. Hindi ko alam kung bakit parang nasapawan agad." Napailing na lang si Kelly ng maalala niya iyong nangyari. "Galit na galit ako noong una ko rin siyang makita, pero nang malaman ko na siya ang boss natin parang ako pa ang nakaramdam ng hiya. Nagkaroon pa nga kami ng pagtatalo na kayang kaya niya raw akong tanggalin. Doon ko lang narealize na maling pangunahan ako ng galit dahil alam ko sa sarili ko ang pangangailangan ko, para sa anak ko... kaya kahit mahirap nagawa kong isantabi iyong pride ko... dahil ayaw kong masira ang mga plano ko para sa anak ko. Hindi ko kayang ipagkait iyon sa kanya."

Litaw sa mukha ni Alex ang paghanga sa sinabi ni Kelly. "Minsan ba naisip mong patawarin na lang siya, bumalik ka sa piling niya dahil alam mong kaya niyang ibigay sa iyo ang lahat?"

Ilang beses na umiling si Kelly. "Hindi ako ganyang klase ng tao, Alex. Mas gugustuhin kong mamuhay sa hirap ng walang ginagamit na tao. Hindi porket siya ang ama ng anak ko, magiging madali na lang iyon para sa kanya. Litaw pa rin ang dahilan kung bakit ako, tayo, nasa sitwasyon na 'to. Hindi pa ako handang kalimutan iyon." Seryosong tugon ni Kelly, hindi maitatago sa kanyang boses ang diin ng bawat salita na binitawan niya.

Tumango na lang si Alex. Ramdam kasi niyang malapit ng magalit si Kelly, ayaw niyang mas bumigat pa ang pakiramdam nito. "Alam ko, pero sana... kapag dumating man sa sitwasyon na malapit ka na sa katotohanan, huwag ka ng magdalawang-isip pa. Kahit hindi na para sa sarili mo, sa mga sakripisyo na pareho nating ginawa, para na lang sa anak mo. Deserve ng anak mo ang katotohanan. Deserve niya ang buong pamilya, Kelly."

Hindi naiwasan ni Kelly na mangilid ang kanyang luha.

Tipid siyang ngumiti Kay Alex. "M-Makakaasa ka, Alex." Nagawa pa rin niyang sabihin iyon kahit iyong pakiramdam niya sobrang bigat. "Kahit naman yata imposible para sa akin, basta't para sa anak ko magiging posible ang lahat ng bagay." Puno ng kasiguraduhan niyang dagdag.

Lumapit naman si Alex at hindi na napigilan pa ang sariling yakapin si Kelly. Mas ikinatunaw ng puso ni Kelly ang huling kataga na binitawan ni Alex sa kanya, sobrang bigat man ng kanyang dala-dala pero iyong katagang iyon napakasarap pakinggan.

"Proud ako sa iyo, lagi mong tatandaan 'yan."

Itutuloy...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now