[ 50 ] When you miss him

Start from the beginning
                                    

"Hahahahahahahaha puntahan mo na kasi!" Pang aasar pa ni Lerwil. Samantalang si Kevin ay tumatawa lang sa gilid katabi nina Harvey. Napangiti ako sa utak, buti maayos ayos na sila.

"Oo nga bakla! Sabado naman bukas walang pasok pwede tayong pumunta." May ngisi sa labi ni Ken.

Pwede pwede.

"Letche! Mga bakla tingan nyo 'to!" Sigaw ni Maggie. Hawak hawak niya ang cellphone at iritado ang mukha.

"Diba nga Magazine ang gagawin ng F5? May mga ka partner sila shocks mga bakla! Mga babae! Gaganda makinis." Dagdag pa nya.

"May kasama sila sa photo shoot na mga babaeng magaganda?" Naka awang ang labi ni Jewel sa gulat.

"Oo!" Sagot ni Maggie. Nahagip ng paningin ko ang upuan ni Audrey na bakante.

"Sinong ka partner ni Kurt?" Tanong ko, tumingin naman si Maggie sa cellphone niya at humarap sa akin.

"Si ano, Si Audrey.." Sagot niya.

"Ha?! Pano naman mangyayari 'yon?" Asik ni Chelsie, kumunot ang noo ko, oo nga paano?

"Ito basahin nyo." Sabi ni Maggie at inabot sa akin ang cellphone. Galing ito sa official page ng F5.

Nakalimutan kong i dadag-dag, yes may mga ka partner ang F5, Si Alex ay kapartner si Jenniza Manie, Si Rendell ay si Obrie Smith, Si James ay si Elisa Owran, Si Lorenzo ay Lenbenie Arkun, habang ang pang huling miyembro ay Si Kurt na ang kapartner ay Si Audrey Jesie Salud. — F5 Management.

"Shit. Shit. Shit. Sino 'yang Lenbenie??" Tanong ni Chelsie. Napahinto din siya sa pag laro. Na hindi kailan man nangyayari.

"Jenniza.. Mani?" Bulong ni Jewel.

"Manie bakla." Natatawang sabi ni Ken.

"Pano naman nangyari si Audrey ang kapartner ni Kurt???" Dapat ako.

"Pero ang camera man ng photo shoot na 'yon ay si Mr. Jemester Oliver Salud na kung hindi ako nag kakamali tatay niya?" Singit ni blue head guy Harvey.

"So?.." So hindi na akon mag tataka kung pano nangyari 'yon. Pero ang kinakatakot ko pano kung may gawing hindi maganda si Audrey kay Kurt? Pano kung lagyan ni Audrey ng kung ano ang inumin ni Kurt tapos may mangyari sakanila?!

Putangina. Iniisip ko palang 'yon hindi na makayanan ng utak ko.

"Hoy Mandy okay ka lang? Mukha kang papatay ng tao." Tanong ni Steven. Tumango lang ako.

Nakakainis—

"Shutangina! Taga India pala si Lenbenie Arkun shuta baklang Chelsie! Anong ihaharap mo sakanya?!" Sigaw ni Ken may hawak hawak siyang cellphone. Umirap si Chelsie.

"May lahi naman akong Japanese." Iritang sabi ni Chelsie.

"So? Isang model pala si Jenniza Manie sa Finland." Biglang sabi ni Jewel.

Still Your Number One Fan (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now