Oɴᴇ

344 5 4
                                    

[ 준규 | Junkyu 🐨]

. . .

"Aba! tingnan mo sino pa tulog!" narinig kong sigaw ng isang tukmol.

"Tulog mo puwet mo, tumahimik ka nga! Agang-aga" ungol ko sabay takip ng aking mukha at tenga gamit ang unan.

May posibilidad na sisigaw ulit 'tong manok na'to.

"Hoy! gago, maaga pa sayo? Wagas makatulog ha! Tanghali na bansot!"

Oo, edi ano meron? gusto ko pang matulog, period.

Nasaan naba yung nag-assign ng mga roommates sa mansion na ito, bakit isa sa mga roommate ko ay isang Park Jihoon?

Hyunsuk naman kasi, eh.

"Aba, may misyon kapang hindi natatapos. Gusto mo ipatanggal kita sa trabaho mo?" ani ni Jihoon.

Nga pala, boss ko rin ito.

Hala, sige. Tanggalin niyo ako. Nagiisang coffee maker niyo.

"Tatayo na po" sarkastikong sabi ko na may 'magalang' na tono habang tumatayo.

Natamaan ng araw ang mga mata ko mula sa bintana at napangiwi ako.

Kulang pa ako sa tulog eh, palibhasang may Jihoon pang bubwisit sa umaga, aaraw-arawin pa.

"POTANGINA!!!!!" o, may Doyoung pang pagmumura lang ambag.

"Sa laro palang namatay kana, pano sa mga mission mo?" Bulalas ni Yedam na nang-aasar.

Sa lahat ng tao sa mundo, ito pang mga pinakamaingay naging roommates ko????

Bahay nga pala to ng mga taong nagtratrabaho kina Park Jihoon, kanang kamay siya ni Choi Hyunsuk na nagluluto na siguro ng almusal.

Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ulit ang malaking hallway ng mansyong ito.

Yaman mo naman Hyunsuk hyung, successful ka nga na mafia. Pasensya nalang kapag lutang 'tong mga pangkat mo.

Sabagay, kahit mga mafia kami, itinuturi naman namin ang isa't-isa na parang magkakapatid, parang pamilya.

"Eomma~ ano kakainin natin?~" ani ng isang Kanemoto Yoshinori na tila nagpapababy sa 'nanay' namin.

"Nagluluto ng pancake si mama anak~"

Ay wow.

Hyunsuk eomma, kahit kailan hindi yan mawawala tandaan niyo.

Nagiisang nanay namin to sa bahay na 'to.

Ibang klaseng Mafia story to, no?

Ibang klaseng mafia gang rin kase kami, halos mga tanga at tukmol, mga walang ambag.

Hindi simple ang misyon namin sa pamumuhay, patayin ang mga karibal ng companya na pinag-kakasunduan nina Hyunsuk at Jihoon.

Companya ng relatibo nila at iba pa.

Pero parang wala lang sa amin ang misyon na yan, hindi ko siniseryoso pagkamafia ko. Pati narin ata sila.

Tinatrato kami ni Hyunsuk na parang anak, para narin namin siyang nanay. Sabi niya rin daw eh.

Itong bahay na 'to ay hindi puno ng kababalaghan katulad sa ibang mafia. Puno ng liwanag at saya ang mansyon na 'to.

You can't hear gunshots anytime, mga taguktok lang na tawa galing sa mga manok na kung kilalanin mo, putak na kung putak bente-kwatro siyete.

"Junkyu-ya!" tinawag ako ni Hyunsuk.

"Ma?"

"Kilala mo si Mashiho diba? yung kaibigan natin na leader rin sa kanyang mafia gang?"

Mafia coworkers in love | HarukyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon