“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo, hindi Lee ang surname ko. Hindi mo ba ‘to nakikita?” Itinuro niya ang pangalang Jason Eun na nakaukit sa tila bronze na bagay na nakapatong sa mesa niya.

“Hindi lahat ng tao sa paligid mo, maari mong manipulahin at maloko, Jason Lee.”

Napataas naman ng kilay si Mr. Eun sa narinig. “Makakaalis ka na.” Tinalikuran niya ang lalaki. Inikot nito ang kanyang swivel chair at kumuha ng folder sa table niya at saka kunyaring nagbasa.

“Jason Lee, kailangan nating mag-usap. Makinig ka sa’kin.”

“Wala kang karapatang utusan ako. Sino ka ba, ha?”

Nagtataasan na ang mga boses nila. Mabuti na lamang at soundproof ang bawat rooms ng KGP Inc. dahil kung hindi, baka marinig sila ng mga empleyado at akalaing nag-aaway dahil sa katigasan ng ulo ni Jason Eun – ni Jason Lee.

 “Ako si Nestor Jerusalem, lawyer, business partner, family friend.” Inabot ni Mr. Jerusalem ang kanyang kamay para makipag-kamay kay Jason pero hindi niya ito pinansin. Napakamot na lamang sa ulo ang matandang lalaki. Bakit ba ang tigas ng ulo ng panganay mo, John. Manang-manang sa’yo.

Si John, ang namayapang John Lee kasabay ng kanyang asawang si Jane – sila ang mga magulang nina Jacey at Jason Lee.

“Sabihin mo na kung ano’ng kailangan mo nang makaalis ka na. Hindi kita kailangan dito.”

Talagang walang sinasanto si Jason. Simula nang mamatay ang mga magulang niya, naging makitid na ang takbo ng pag-iisip niya. Gusto niyang siya ang pinakamagaling.  Siya lang ang gusto niyang masusunod. Siya lang dapat, at walang kahit sinong makapagdidikta sa kanya. At ang mortal niyang kaaway? Si Jacey Lee, ang nag-iisang kapatid niya.

“Kaibigan din ako ng KGP family. Actually, sila ang nagpadala sa’kin dito. Ma’am Arisha told me to tell you an important thing.”

Para namang nahiwagaan si Jason sa narinig. Ano naman kaya’ng balita?

“Continue.”

“The news is that, KGP family decided to merge KGP Inc and C&K Company and the merged company will soon be called….’The Lees’.”

 “No way!” Napatayo si Jason mula sa kanyang pagkakaupo. “Hindi ako papayag!”

* * *

Lunch break na pero si Boss Lee, nasa office pa rin niya at maraming inaasikaso. Napakasipag talaga niya.  Walang duda kung bakit sa kanya pinamana ng kanyang mga magulang ang C&K Company, bagay na ikinagalit ng kuya niya.

She received a mail from the founder of KGP Inc. who is Mrs. Arisha Recuerdo.

 Recuerdos and Lees are good friends, sa totoong buhay at sa negosyo. Kaya lang naman naging mortal na magkalaban ang C&K at KGP Inc ay dahil sa magkapatid na CEOs ng dalawang kompanya ang Lee siblings.

From: Madam Arisha Recuerdo

Open your Skype.

 In-open ni Boss Lee ang Skype account niya and online si Madam Arisha. Pagkaraan ng ilang minute ay tumatawag na ito sa kanya.

“Hi, Madam.”

“Hello, Jacey. Nice to see you again. Ang ganda-ganda mo pa rin.”

“Thanks, Madam. Uhm…”

“Okay, so hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. May business proposal ako sa’yo. and there are only two choices for your answer: a ‘yes’ or a ‘yes’.”

Bahagyang napatawa si Madam Arisha samantalang naguluhan naman si Boss Lee at naisip na mukhang wala siyang choice.

“Yes or a yes? Kayo talaga, Madam.”

“I’m dead serious, Jacey, dear. Magtiwala ka sa’kin. Para ito sa ikagaganda ng business world.”

“Okay, Ma’am. Ano po ba ‘yon?”

“Let’s merge our companies.”

“A-ano po? Pero, Madam, alam n’yo naman pong—”

“Okay na ‘yan, dear. Wala ka nang dapat alalahanin. Trust me. Gusto ko lang ding magkaayos na kayo ng kapatid mo.”

“Madam, hindi ninyo naman po kailangang gawin ‘yon para lang sa’min.”

“I’m doing this for you and your parents na itinuring kong mga kaibigan. Hindi kaila sa’kin ang pag-aaway n’yo ni Jason. Dumaan na ang Pasko at Bagong Taon, ganyan pa rin kayo. Sigurado akong hindi masaya ang mga magulang n’yo kung nandito man sila ngayon.”

“Madam…”

“Trust me with this, Jacey.”

“Hindi po siya papayag.”

“I know. Ako na’ng bahala roon. Actually, alam niya na. So, deal?”

“Uhm…Wala na naman akong choice, Madam, e.”

“So, is that a yes?”

“Yes. Thanks, Madam.”

And the video call ended. Sa narinig na balita, hindi maitanggi ni Boss Lee ang saya. Kahit papaano, napangiti siya. Bukod sa babalik na sa dati ang kompanya dahil malilinis na ang pangalan niya, chance na rin ito para magkabati silang magkapatid. Pero nandoon pa rin ang takot dahil alam niya ang ugali ng kanyang kuya. Hinding-hindi ito padadaig sa kanya. Magiging maayos pa ba ang lahat o pinaasa ko na naman ang sarili ko?

* * *

Umuwi na si Georgina. Nakakapagod ang araw na ‘to para sa kanya, kasabay pa ng balita ni Boss Lee na magme-merge na raw ang dalawang kompanya. Na-stressed siya dahil puro trabaho ang ginagawa niya. Puwede naman kasing magpahinga, pero ayaw niya. Hangga’t maari gusto niyang may ginagawa dahil ayaw niyang bumalik sa ala-ala niya si George, ang sakit, ang memories, lahat. Gayong ginagawa na niya ang lahat ng makakaya niya para makalimutan ito. Kaya lang kasi…mahirap.

Forgetting the one you love?

Letting go?

Disregarding all the happy memories you shared together?

Sobrang hirap para sa kanya, pero kailangan niyang gawin.

Pagkatapos niyang magbihis ay dumapa siya sa kama niya. May hawak siyang picture, ‘yong nakita ni Blesie sa mga gamit niya kanina. Naalala niya ang sinabi ni Blesie sa kanya.

“May mga bagay talagang nagagawa sa maling paraan pero sa magandang dahilan. Sa tingin ko kasi, hindi gano’ng tao si George. Hindi kita pinapaasa, bestfriend, a. Pero sa tingin ko talaga, minahal ka niya.”

Pero ano’ng sinabi niya kay Blesie? “May mga bagay lang din talaga na sadyang mahirap kalimutan. Na kahit nakapikit ka, nakikita mo pa rin. Pero makakaya ko ‘to, Blesie. Makakalimot din ako.”

Unti-unti na namang lumuluha ang mga mata niya. Bakit kasi ang sakit? Ngayon lang siya nagmahal tapos ganito pa.

Naisip niya na ang posobilidad na mangyayari ‘to, sa simula pa lang. Pero she took the risk. Kasalanan niya. Wala siyang puwedeng sisihing iba kundi sarili niya.

“Kung ganito lang din naman pala kasakit magmahal, ayaw ko na.”

She’s crying. Again. Gusto niyang makalimot. Gusto ng isip niya. Pero bakit gano’n, pinipigilan siya ng puso niya?

Tinitigan niyang muli ang picture nila ni George. “I miss your smile when you’re smiling at me, your eyes when you’re looking at me, your voice when you’re talking to me. But you know what I miss the most? Everything you do. That makes me fall for you. Why do I have to forget about you?”

Inub-ob niya sa unan ang kanyang mukha at umagulgol sa pag-iyak.

She’s hurt. Ang sakit-sakit. Sobra.

I'm 20 but still NBSB (Published)Where stories live. Discover now