Nagtaka ako nang makarating sa bahay dahil dalawang Sedan ang nakaparada sa labas. Sigurado akong hindi kay Klein ang isa doon.

Bago ko pa lamang pipihitin ang seradura ng pinto ay bumukas na iyon at iniluwa ang kapatid kong madlim ang mukha.

"Vanilla Leticia mag-usap nga tayong dalawa," aniyang hindi maitago ang iritasyon sa boses.

"K-Kuya..."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamang kaba lalo pa at wala ang mapaglarong aura ng aking kapatid.

Gulo-gulo ang kanyang buhok at suot-suot pa ang polo na mukhang ipinambyahe niya.

Bihirang-bihira ko siyang makitang galit at sa pagkakataong ito talaga hindi ako natutuwa.

"Ipaliwanag mo kung bakit may asungot sa bahay mo. Nawala lang ako ng ilang linggo pagbalik ko nandyan na ang... ang... ang kumag na yun!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Magpapaliwanag ako okay? Kumalma ka..."

Sinubukan kong abutin ang kanyang braso pero tinabig niya ang kamay ko.

"Galit yarn?" pang-aasar ko pa kaya tinapunan niya ako ng matalim na tingin.

"Kuya... Kalma..."

Halos kaltukan ko ang sarili ko nang maalalang tatlo kaming may susi sa bahay. Ako, si Erna at ang pinakamamahal kong half brother.

"Paano ako kakalma Vanilla ha? Walang ibang ginawa ang lalaking iyan kung hindi pasakitan ka!"

Malambing akong humakbang papalapit at dahil nakaharang siya sa doorway, madali ko siyang nayakap sa kabila ng mariing titig na ipinupukol niya sa akin.

"Kuya mabilis lahat, biglang nandyan na sya at boom andun din si Kendria. You still love me right? Right?" mas pinalambing ko ang tinig.

He scuffed but then tapped my back.

"Kapatid nga talaga kita, bakit napakatanga natin pagdating sa aspetong 'iyon'?"

I chuckled and hugged him even more.

"Na-miss kita, how's Palawan?" I asked trying to dodge the topic

And I succeeded, mukha namang nawala ang inis niya.

"Palawan is so great little sis, kung hindi lang hassle sa kompanya gusto kong doon tumira."

"Oh yeah? Itatakwil ka na talaga ng tatay mo kaunti na lang..."

Tumawa lamang siya.

"The old man is still in Europe, ineenjoy ang retirement days kahit hindi pa retired."

"Gagong anak ka kase. By the way nakita ka ni Kendi? Miss ka na nun."

"Tulog pa eh. Babalik na lang ako mamaya-"

"Kuya teka," bumitaw ako at sinilip ang kanyang mukha, "Cut ba iyang nasa gilid ng labi mo? Nakipag-away ka?"

"Aalis na ako, Vanna. Marami nga palang trabaho sa opisina."

"Pero fresh pa yung cut! Gamutin natin sa loob-"

He smirked.

"Sabihan mo ako kapag sinaktan ka ng gagong iyon, uupakan ko ulit talaga yun kahit makulong ako."

He kissed my forehead bago niya ako nilagpasan.

Naguguluhang pinanuod ko siya habang papasakay sa kotse. Agad niyang pinasibad iyon palayo.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora