Sa kahirapan ng buhay ngayon ay kailangang kumayod ng isang taong mahirap para may makain. Para may maimpambayad sa mga utang at gastusin.
Gaya ko. Dahil sa kahirapan ng buhay na dinadanas ko ay kung ano ano nang trabaho ang pinasok ko. Ang pagiging labandera, katulong, taga hugas ng pinggan, pagiging tindera at ang pagiging waitress.
At ang masasabi ko lang ay sobrang nakakapagod. To the point na gustong gusto nang sumuko ng katawan ko pero alam ko sa sarili ko na hindi pwede. Hindi naman dahil sa may pamilya akong ginagastusan pero syempre gusto ko pang mabuhay at ang paraan para manatili kang buhay ay ang may pangkain ka sa pang araw araw.
"Hoy Zielle dalhin mo ito sa table number 12" tawag saakin ni Ate Diana- ang manager ng pinagtatrabuhan kong restaurant.
"Nandyan na" sabi ko at pumunta na sa may cashier para kunin ajg order.
"Here's your order ma'am, sir" sabi ko at nginitian sila. Ngumiti naman pabalik yung babae habang yung lalaki ay seryoso lang. Ni hindi man lang tiningnan yung pagkain kundi sa Loptop niya lang.
Teka pakialam ko naman?! Nagpaalam na ako sakanila at pumunta ako sa kabilang table para kunin yung ioorder nila.
"One steak, one buttered chicken and one vegetable salad, is that's all your order ma'am?" pag uulit ko sa inorder niya at tumango naman siya. Pumunta ako sa may cashier para iabot sakanila yung order nang biglang may tumunog. Tunog sampal to be exact.
"How dare you?! Pagkatapos ng mga gabing pinagsaluhan natin sasabihin mo nalang na tapos na tayo?" umiiyak ngunit galit na sabi nung babae. Sila yung table 12. Mukhang may nangyayaring break up. Habang yung lalaki naman ay walang emosyong nakatingin lang sa babae. Tsk mukhang sanay na sanay manakit ng babae.
"Don't make a scenario here Cecil. I already told you were done." tanging sagot nung lalaki at tumayo saka dire-diretchong lumabas ng restaurant. Hinabol naman siya agad nung babae.
Magmamakaawa ba sya? Ay ang martyr niya naman pala. Sayang ang beautyness nya.
"Ganda ng pelikula ano?" nagulat ako ng biglang nagsalita sa gilid ko si Vinna- ang katrabaho ko. Isang waitress din. Nginitian ko naman siya at napakamot ng batok.
"Sayang ang ganda pa naman nung babae, kaso martyr ata" natatawa kong sagot sakanya. Sasagot na sana siya kaso hindi natuloy dahil may bagong customer na dumating. At ganun din ako.
Friday kasi ngayon, kaya marami talagang customer lalo na ang mga bagets. Ito kasing restaurant na pinagtatrabahuan ko ay may mga milk tea na din kaya mabenta talaga sa mga bagets.
••••••
"Grabe ang sakit na ng katawan ko" reklamo ko pagkahiga ko sa kama. Alas dose na kami nakapag sara dahil sobrang dami talaga ng mga customer. Parang di nauubos.
Nagmumuni muni muna ako sa kama ng bago maligo ng bigla kong naalala yung scenario na nangyari kanina sa restaurant. Grabe sayang talaga si girl. Tapos si kuya naman parang tanga. Ang ganda ganda na ng GF niya tas iiwan niya lang. Gwapo pa naman sana si kuya kaso mukhang playboy, papalit palit ng babae. Tsk, kaya ayaw ko talaga magmahal eh. Ok na ako sa buhay kong ito. Kahit napapagod sa kakatrabaho atleast safe naman ang puso ko.
~Kriiing kriiing~
Nagulantang ako sa pag mumuni ng biglang tumunog ang cp ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at si Ate Diana pala.
"Hello ate napatawag ka?" bungad ko sakanya pagka sagot ko palang ng tawag niya.
"Ah eh nag open ka na ba ng messenger mo?" tanong niya saakin sa kabilang linya. Parang kinakabahan na malungkot pa ang boses nya.
ESTÁS LEYENDO
My C.E.O
RomanceMeet Ziella Corpuz ang raketerang babae. Lahat ng trabaho ay kinakagat nya para lang may panggastos sya sa pang araw araw nya. Ayos na sana ang pagtatarabaho nya sa restaurant at balak na sana nito na magtagal pa duon bilang waitress ngunit sa di in...
