KABANATA 5

36 1 0
                                    


"LINA, are you okay?" Narinig kong tanong ni Marius mula sa labas ng banyo.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"I'm okay, don't worry about me."

"Kanina ka pa diyan. Masakit ba talaga? Nagpabili na ako ng pain reliever—" It's almost one hour. Kanina pa pala ako dito hindi ko man lang namamalayan. "Lina, open the door papasok ako!"

"Don't!" Sigaw ko bago natauhan. "I-I mean, hindi na kailangan. I'm okay, lalabas na rin ako!"

"Are you sure?"

"Of course!" Damn it! Inayos ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas. I'm wearing a maxi dress right now. Sinadya ko talaga na iyon ang isuot dahil mahaba at higit sa lahat I'm not wearing panty.

Nagtagal ang tingin ni Marius sa suot ko bago siya nag angat ng tingin sa mukha ko at mukhang problemado.

Kumunot ang noo ko sa reaction niya.

"You're not wearing any panty under that long dress of yours, tama ba ako?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya kasabay ng pag init ng mukha ko.

"How did you know?" Nanliliit ang mga mata kong tanong.

Napailing siya at napatampal sa kanyang noo na para bang ang laki ng kanyang problema. "The breakfast is ready, kailangan na nating kumain bago pa iyon tuluyang lumamig." Sagot niya sa tanong ko.

"Are you okay?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"I'm okay. Why do you ask?" Tanong ko pabalik habang patuloy sa pagkain.

"Kanina ka pa tahimik."

"I'm always silent, Marius." Mahinahon kong saad.

"Yeah, I know. I mean—" Nag angat ako ng tingin sa kanya bago muling nagbaba ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"I'm just thinking something. Don't mind me." Putol ko sa kanya.

"Is that about sa nalalapit na paghaharap niyo ng mga Montenegro?" Muli akong nag angat ng tingin sa kanya.

"Kinda." Maikli kong tugon. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa matapos kami pareho.

"Anong gagawin mo ngayong araw?" Napapitlag ako sa tanong niya. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.

"Ha? I mean?—"

"You should rest." He said.

"Oh, okay." Sabi ko nalang.

"Alam kong napagod ka kagabi kaya kailangan mong magpahinga." Makahulugan niyang sabi. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko.

"Anong gagawin mo?" Pag iiba ko sa usapan sabay pasada ng tingin sa hawak niyang laptop at mga papel.

"Magtatrabaho ako. Marami akong trabaho na dapat asikasuhin."

"Marami ka palang trabaho na dapat aasikasuhin, bakit kapa sumama sa 'kin?" Tanong ko habang nakataas ang kanang kilay.

"Importante sa 'kin ang trabaho ko.—"

"Exactly. Then why are you here?" Putol ko sa kanya.

"Pero mas importante ka sa 'kin at ayaw kong mapahamak ka, kaya sinamahan kita. And besides, I'm your personal lawyer kaya marapat lang na nandito ako." Seryoso niyang saad na nagpatigil sa akin. "Magpahinga ka na." Mahinahon niyang saad ng hindi ako nagsalita.

"Where are you?" Tanong ko sa kanya ng sagutin niya ang tawag ko.

"Nandito ako sa labas." Saad niya.

"Anong ginagawa mo?" Malamig kong tanong.

CATALINA IMPERIAL   (ISLA DE KINATARCAN SERIES)Where stories live. Discover now