Getting To Know Her

16 0 0
                                    

"AT LAST!!! " sabay sabay nilang sabi, nasa family beach resort sila nila Pat para icelebrate ang success presentation ng thesis nila. Himalang pinayagan si Charles ni Georlene na madalas ayaw syang pinapasama sa mga overnight outing lalo na at may kasama na mga babae.

Kasalukuyan nag iihaw sya ng mga dala nilang pagkaen para sa araw na yon. Habang yung iba naman nasa may tabing dagat at nagtatampisaw na. Si Kathryn ang pinakamaliit sa grupo, ang magbestfriend na Yhelle at Richie, si May na mali mali, si Macy at si Abby ang kasalukuyang nagkukulitan sa may buhanginan. Pero alam naman nya na kung sino lang naman talaga ang tinatanaw nya mula sa malayo.

Si Abegail..

"Hooy! Sunog na yang iniihaw mo!!!! " si Robert na nasa likod na pala nya.

"Adik! Hindi naman ah?! "

"Malapit na pre, sa iba ka kasi nakatingin. Haha"

"Saang iba? " ganon na ba ako ka obvious? Sa isip nya.

"Denial lang pre? Halata ka naman na, si Abby di ba? " sabay akbay ni Robert sa kanya

"Pre may Georlene ako. Sya lang sapat na. "

"Ang point ko Charles INTERESADO ka lang naman. Hindi mahal o kapantay ng Georlene mo, cute naman si Abby talaga kya nakakatawag atensyon. Pero problema yan kung kapantay sya ng nararamdaman mo kay Georlene. "

"Pre gagaya mo ako sayo??? Loyal to pre!! " sabay tapik nya sa dibdib

"Eh di wow?! magihaw ka na nga din ng denial at loyalty dyan bigyan mo ko pagkatapos"

"Baliw ka! "

*********

Kanina pa nya napapansin na palaging nakatingin sa gawi nila si Charles. Anu ba yun langoy na langoy na kaya panay nakatingin sa amin? Sa amin o sakin? Sa akin?? Bakit naman ako titingnan nun, at bakit parang gusto kong isipin na gusto ko ako ang tinitingnan nya?

"Lalafang na tayo guys!!! Tara na! " si. Pat na may hawak ng kaldero at sa likod naman nya si Erich.

"Buti Charles pinayagan ka ni Georlene kahit andito si Erich" puna ni Macy, alam kasi nila na napakaselosa ng girlfriend nito. Kahit nga ang best friend ni Charles na si Erich ay pinagselosan nito na walang batayan. Hindi rin pinapasama ni Georlene si Charles sa mga lakad na may kasamang babae. Minsan nga noong naglalakad silang dalawa sa mall may tumawag kay Charles na sa tingin nya ay mga naging kaklase nya noong high school sila. Naisin man nyang lumingon noong tinawag nito ang pangalan nya ay hindi nya nagawa dahil napansin nyang nagbago ang ekspresyon ng muka ang kanyang girlfriend. Alam nyang mauuwi sa away na naman ang bagay na yun kung sakaling pinili nyang lumingon ng oras na yon. Ang susunod kasi na eksena ay lalapitan sya ng mga dati nyang kaklase at makikipagkamustahan at makikipagbiruan. Naku doon selos na selos ang girlfriend nya ayaw na ayaw din nito nakikipagbiruan sya sa iba.

"Oo naman, bakit hindi nya ako papayagan? " pahayag nya pero alam nya kung ano ang tinutumbok ni Macy sa tanong nito.

"Ay nako tropa, alam mong alam namin kung anong ugali ng jowa mo?? Kami pang lolokohin mo, malamang sa hindi magdamagang pakiusapan ang nangyare bago ka noon pinayagan dito sa outing natin " si Erich, kahit kailan talaga napakatabil ng dila nito.

"Ay positive na positive yan. Si Charles pa eh under yan! " biro ni Robert

"Ako lang ba ang under dito?? " biro ni Charles.

YAM (you and me)Where stories live. Discover now