"S-Sir?" Nakakunot niyang tanong, sa mahinanon na paraan. Para bang lahat ng kanyang tapang kanina ay bigla na lang naglaho.

"Where are the records we are waiting for?!" Pag-iiba ng usapan ni Adam.

Nataranta naman na tumalikod si Kelly at dinampot iyong folder na nabitawan niya kanina. Mabilis niyang inabot iyon kay Adam.

"Go back to your seat!" Utos ni Adam.

Hindi agad nagawang umupo ni Kelly. Mabilis na hinanap ng kanyang mata si Alex, pero hindi niya ito makita. Naglakad siya dahil pinili niyang maupo na lang sa bandang likod, ngunit natigilan siya nang magsalita ulit si Adam.

"Are you looking for someone? Why can't you just sit? Don't mind people who aren't here!" Sunod-sunod na tanong ni Adam, ramdam ang galit sa kanyang boses. Parang may kaaway.

Dahan-dahan naman na binalingan iyon ni Kelly. "I will just go there, sir." Turo pa niya sa likod na may bakanteng upuan. "I will sit there."

Tinaasan siya ng kilay ni Adam. "It's not available anymore."

Nagtataka pa siya noong una, kaso nakuha niya ang punto ni Adam nang makitang may nakaupo na sa upuan na siyang tinutukoy niya at bakante lamang kanina. Para siyang pinagbagsakan ng lahat ng problema sa kanyang nakita.

Bakit ang bilis naman? Wala pang nakaupo roon kanina, eh!

"Just sit beside me and don't complain!"

Huminga na lang siya ng malalim at bagsak ang balikat na sumunod sa utos ni Adam. Sa tono kasi nito mas mukhang utos iyon, malabo sa kanya ang salitang pakiusap.

Malaki ang kagustuhan niyang magreklamo, pero nagawa pa rin niyang sundin. Kung sinasabi nga nilang si Adam ang kanilang bagong boss, paniguradong wala siyang magagawa sa kung ano man ang pinag uutos nito. Kailangan niyang sumunod, dahil kahit saang anggulo tingnan. Isa siyang empleyado at si Adam ang kanyang boss.

Hindi nagawang makinig ni Kelly sa nagsasalita sa harap na si Adam, mas litaw sa kanyang isipan kung nasaan si Alex at paanong wala ito? Noong umalis naman siya para kunin ang folder, naiwan lang naman iyon dito.

"Miss Tolentino!"

"H-Huh?"

Magkasalubong ang kilay ni Adam nang magtama ang kanilang mata. Hindi niya maiwasan na mapalunok! "Sir? You're saying something, sir?" Hindi maitatago ang kaba sa boses ni Kelly, sadyang tinapangan lang niya.

"What do you think, Miss Tolentino?" Madilim pa rin ang ekspresyon ni Adam, matigas pa ang kanyang pagkakasabi.

Nagawa pang ngumiti ni Kelly ngunit nauwi lang iyon sa ngiwi. "U-Uhm... sorry, Sir. M-Medyo may iniisip lang." Tugon niya, na alam niyang mali pang sinabi niya iyon. Mas lalo lang kasing sumama ang tingin ni Adam sa kanya, na para bang ang laki laki ng kanyang kasalanan.

Nakataas ang kilay ni Adam, mukhang hindi niya nagustuhan ang ideya na iyon. "May I remind you, Miss Tolentino, that you're in your working hours and not thinking about things that you shouldn't be giving your time to!" Tunog nangangaral ang tinig ni Adam, may nais siya na iparating kay Kelly.

"I'm sorry, sir. I promise not to do it again." May sinseridad na tugon ni Kelly, kulang na lang talaga itaas niya ang kanyang kamay para lang magmukhang nangangako talaga siya.

Ngunit, hindi yata nakuntento sa narinig si Adam. "I don't need your promises, Miss Tolentino." Makahulugan na tugon ni Adam. "In your job, I need your dedication and willingness. So, for you to know. We have a lot of applicants, and we can easily change you!"

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now