CHAPTER 12 - BLACKMAIL

19 2 0
                                    

PINAGMASDAN KO lang ang papalayong si Boy Siga at muling pinagpatuloy ang aking pagwawalis, mamaya pa naman ang labasan ng Special S.

Teka ano na bang oras?

5:05 pm na pala, Anak ng patola! Five minutes nang nakalabas si Honeybunch kaya naman dali-dali akong tumakbo papunta sa room nila.

Hingal na hingal akong nakarating sa room ng Special S pero wala man lang akong naabutan na tao doon.

"Aaaah kainis ka naman eh hindi ka tumunog." himutok ko ngayon sa cellphone ko, sinisi ko kasi siya hindi kasi tumunog ang alarm clock ko kaya naman bagsak balikat at nalulumo akong nakatungo habang papunta sa pintuan pero ganu'n na lamag ang gulat ko nang may biglang nagsalita sa harapan ko.

"What are you doing here? Don't tell me pati itong room namin balak mo ring linisin? Masyado mo namang kina-career ang paglilinis," nang-aasar na tanong sa akin ni Boy Siga. Nilagpasan ko na lang siya dahil 'pag pinatulan ko pa siya eh aasarin naman ako nito pero hindi pa ako nakakalayo sa pinto nang muling siyang magsalita.

"Oh I forgot you're waiting for your Honeybunch?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya muli ko siyang hinarap at nakitang prenteng nakaupo sa armchair.

"Paa-" akmang magtatanong pa lang ako nang muli siyang nagsalita.

"How did I know?" nang-aasar na tanong niya.

"Well... dear Zachary Hemeros, grade seven pa lang ako nang una kitang makita hindi man personal ka-"

"Akin na nga 'yan!" nagagalit kong sigaw sabay pilit na inaagaw 'yung love letter ko pero dahil matangkad siya, nahihirapan akong abutin iyon kaya naman kinagat ko ang braso niya dahilan upang mabitawan niya iyon at maagaw ko mula sa kanya.

"Ouch! That was gross! May lahi ka bang aso?" nandidiri niyang sigaw sa akin.

"Buti nga sa'yo, bleh," ganting sigaw ko sabay punit sa love letter ko.

"Waaah, wala ka nang ebidensya muwaahahhahahahaha," dugtong ko pa with matching tawang tagumpay.

"So childish, sa tingin mo ba wala akong copy? Tingnan mo nga 'yang pinunit mo. It's just a xerox copy," nakangiti niyang sabi habang patuloy pa rin sa paghimas ng braso niya.

Tiningnan ko ang hawak kong punit-punit na papel. Anak ng patola! xerox nga.

"So ano naman kung hawak mo 'yung love letter ko, aber?" tapang-tapangan kong tanong.

"I will personally give it to Zachary Hemeros." Dahil sa sinabi niya ay feeling ko nagliwanag ang paligid ko.

"Waaaah, thank you! At least 'di na ako mahihirapang ibigay 'yun sa kanya. Hindi ko akalain na matulungin ka palang tao," natutuwang sabi ko sa kanya.

"You didn't get it, right?" pagalit na sigaw niya na labis kong ikinataka.

"Okay watch this," pagpapatuloy niya at may ipinakita na video mula sa cellphone niya.

Namutla ako matapos panoorin ang video. Video ito kung saan may babaing lumapit kay Eros at nagbigay ng love letter pero tinangihan niya.

"Then after that incident, the girl dropped out because of what Zachary did. So if I give it to your Honeybunch, I'm sure it also will happen to you. Ayaw niya sa mga babaeng naghahabol sa kanya."

"Ano namang mapapala mo kung mangyayari sa akin 'yun? Wala ka namang mapapala 'di ba?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"Nah, you're wrong. You need to do what I want. That's my condition, so I don't give your stupid love letter to Zachary. Ayaw mo naman sigurong ma-turn off siya sa'yo at mapalayo kay Honeybunch mo 'di ba?" mapang-asar na sabi niya.

"Are you blackmailing me?" sigaw ko sabay punas ng ilong, baka kasi may tumutulong dugo. English pa man din 'yung sinabi ko at halos five minutes ko ding pinag-isipan 'yun. "For your information, hindi stupid 'yun. Pinaghirapan ko 'yun. Siguro para sa inyo wala lang 'yun pero para sa akin napakalaki ng halaga nu'n. At 'yung nangyari sa video hindi naman si My Eros Honeybunch ang may kagagawan nu'n, 'yung mga taong nakapaligid din sa kanya." Pagkatapos kong sabihin 'yun eh nag-walkout na ko. Bahala siya sa buhay niya, leche siya! Akala mo naman magpapauto ako sa kanya.

Started with a Love PotionWhere stories live. Discover now