---

Lou

"What time is my next meeting?" Hinihilot ang sentidong tanong ko sa secretary ko. Kakatapos ko lang mag review ng mga contracts and proposals na dapat kong pirmahan. Ngayon naman, meetings ang aasikasuhin ko.

Hindi pa ako naglalunch depungal!

"1:00 pm Ms. Shayke. May thirty minutes pa po kayo. Do you want me to order foods for you?" Finally! Food!

Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya. Alam na niya kung anong gusto kong kainin. Three years ko na din siyang secretary, she knows what I love and what I hate.

Pumikit ako at isinandal ang ulo sa swivel chair ko habang hinihilot ang sentido.

Fuck! Pinaka ayaw ko talaga ang pag atake ng migraine ko.

Ang dami kasing pending proposals na ipinasa ni Dad sakin tapos gusto pa nila hands on kami sa pag aayos ng kasal. May sapak ba sila? Hindi manlang ako pinayagang mag leave, gusto nila maging queen of multi-tasking ako.

Tss. Isa pang isipin ko ay kung paano maaasar si Ink today. Hindi ako dapat pumalya sa pangbubwiset sa kanya. Siya nalang nga nag papawala ng stress ko. I mean yung pang aasar ko sa kanya. Wag kayong maissue baka ibalda ko kayo!

Five minutes later, agad ding bumalik ang secretary ko with my lunch. My favorite meal sa cafeteria sa baba.

I ate my meal peacefully then drink meds for my headache.

Himala, walang paramdam ang Embutido seller.

I checked my phone at wala nga akong nataggap na kahit anong panlalait kay Fuego. Simula kasi noong nangyari yung sa Casa Han, araw araw akong pinapadalahan ng quotes ni Ink. Quotes about how I'm irritating her.

I look at my watch and smile after seeing na meron pa akong ten minutes.

Agad kong dinial ang number ni Ink.

Calling Embutido Seller....

The number you have dialed is currently unattended, please try again later.

Napakunot ang noo ko sa narinig. Where is she? Bakit patay ang cellphone niya?

I immediately type a message and send it to Ink.

To: Embutido Seller
Where are you, Fuego?
Sent 12:51

Pero nag ala una na at lahat, wala pa din akong natanggap na sagot mula sa babaeng pinaglihi sa klorox.

~

"Let's start the meeting" I authoritatively said as I maintain my stoic face to draw authority. Baliw baliw lang ako pero ayokong mapahiya ang tatay ko sa pagtitiwala sakin in leading the company.

The presentor starts by greeting everyone and distributing the folders containing her presentation.

Hindi na ako masyadong nakinig dahil nabasa ko na yon. I'm just attending the meeting for formalization. Pipirmahan ko din naman to dahil approved na din ni Dad nag project.

Habang salita ng salita ang nagppresent ay nasa ilalim ng table ang kamay ko, typing on my phone.

To: Embutido Seller
I swear, Ink. Kapag hindi ka nagreply, mamaya lang kakalat na ang pinaka paborito kong picture mo.
Sent 1:25 pm

But the meeting already ended and still no replies from Ink.

I dont know why I'm too eager to receive an answer from her. Basta gusto ko lang replyan niya ako kasi diamond ako! Isa lang siyang hamak na puwet ng baso kaya wala siyang karapatang ignorahin ako!

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon