"Ayan na. Tara," sabi niya't hinatak ako. Nauna siyang sumakay at naupo ako sa tabi niya. Nagbayad na siya agad kaya wala na rin akong nagawa.

"Inunahan mo 'ko, ah," biro ko.

"Syempre. Nahihiya na 'ko sa'yo, sinamahan mo talaga ako, e." Natawa naman ako.

"Sinong hindi sasama kung nag-please ka pa sa'kin?"

"Ah, gano'n?" Tinawanan ko na lang siya at baka maasar na naman kapag sumagot pa 'ko.

Napapansin ko naman ang may edad ng matandang lalaking katabi niya na panay ang tingin sa kaniya. Halatang naiilang na rin siya pero pilit niyang hindi pinapahalata.

"Umusod ka," bulong ko sa kaniya.

"Ha?" Nagtatakang tumingin siya sa'kin. Nakagat ko ang labi at naiiritang tumingin sa lalaki.

Iniusod ko ang hita ni Stay sa gawi ko at hindi ko na binitawan ang tuhod niya hanggang sa pumara na kami. Tahimik rin kami nang sumakay na kami sa tricycle, sabi niya doon daw kami sumakay, e.

"Bakit nandito tayo kay Bea?" tanong ko sa kaniya habang nag-aabot ako ng bayad sa driver. "Salamat, Kuya." Umalis na ito at wala na sa paningin ko si Stay kaya pumasok ako sa bahay.

Mukhang tanga pala akong nagtanong ro'n, wala na pala siya.

Nang hindi ko siya makita sa salas ay sa kwarto na 'ko dumiretso, nakakarinig rin ako ng ingay do'n.

"Ano ba'ng ginagawa mo..." naiinis na sambit nito habang nililinisan ang dugo sa kamay... ni Bea? Nagsalubong ang kilay ko.

Huh?

"Anong nangyari?" tanong ko pero walang sumagot. Natutulog rin pala si Bea at medyo tuyo na rin ang dugo. Ang daming nag-kalat na dugo sa bedsheets nito at sa sahig.

"Dalhin natin siya sa ospital, Archie..." Halos pabulong na lang iyon pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang panginginig ng boses niya. Agad na siyang tumabi, maingat kong binuhat si Bea.

"Saan natin siya isasakay?" tanong ko, kinakabahan na nga rin ako, e.

"Sandali." Nagmadali siyang lumabas kaya sumunod ako. Pumara siya agad sa dumaang tricycle pero may sakay ito. Nakakataranta rin ang kilos niya kaya lalo akong nagtaka, nag-alala at natataranta rin tuloy.

Malinaw sa isipan kong nag-laslas ang kaibigan niya pero magulo ang nangyayari sa'kin ngayon. Nasaan ang mga magulang ni Bea? Bakit wala manlang pumigil sa kaniya? Wala na naman ata siyang kasama.

"Sakay na 'ko, Chie, isunod mo si Bea sa loob." Nauna siyang pumasok at sinunod ko siya. Dahan-dahan kong itinabi sa kaniya si Bea at madali akong sumakay sa likod ng driver.

"Sa malapit na ospital, Kuya!" sabi niya sa driver.

"Paki-bilis, 'Ya," sabi ko dito.

Nang makarating kami sa ospital ay inilagay agad ng mga nurse sa stretcher si Bea. Sumunod kami kung saan siya dadalhin.

Sa emergency room.

"Anong nangyari, Ma'am?" mahinahong tanong ng nurse.

"Binalak na naman po niyang mag-suicide," mangiyak-ngiyak na sabi niya. Agad na nilukob ng pangamba ang puso ko at pagtataka kung bakit niya nagawa 'yon.

Tumango ang nurse sa kaniya at sumali rin sa pag-aasikaso kay Bea.

"Dito po muna tayo, Ma'am," sabi naman sa'min nung lalaking nurse at itinuro ang direksyon kung saan kami pwedeng maghintay. Kita kong nag-da-dial na si Stay sa cellphone niya at may ilang ring pa nito ay tsaka sumagot.

Stazie's ResentmentWhere stories live. Discover now