CHAPTER 5

1 0 0
                                    


"Magpakilala na kaya ako sa Mama at Papa mo 'no?" biro ko na agad niyang ikinailing. "Bakit? Ayaw mo ba?"

"Strict 'yon, e."

"Bulok naman 'yang mga dahilan na 'yan." Inirapan niya 'ko, tinawanan ko lang siya.

"Umuulan na," mahinang sabi niya habang nakatingin sa labas tsaka siya umayos ulit ng upo at humigop sa mainit-init niyang mami.

Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya.

Kinikilig ako? Syempre! Bwahahaha! Kaming dalawa lang, e!

"Nasaan pala si Bea?" Tumingin siya sa'kin at tumaas ang kilay.

"Bakit mo tinatanong? Siya ba gusto mong makasama?" Kumain na ulit siya. Ako naman ay natatawa sa kaniya. Bakit kasi ganyan siya? Tunog nagseselos.

"E, nasa'n nga?" pang-aasar ko pa, umiwas lang siya ng tingin at nag-kibit-balikat. "Hindi mo alam? Bakit ka nagsisinungaling?" kunwaring nagtatampong aniya ko.

"Nasa Manila na siya, iniwan na 'ko." Walang ekspresyong sabi niya.

"Naunang umuwi sa dorm niyo?" Umiling siya. "E, ano?"

"Apartment." Uminom na siya ng tubig nang matapos na siyang kumain. Siya lang naman ang hinihintay ko dahil kanina pa 'ko tapos pero badtrip yung ulan! Putek na 'yan.

Tumingin ako sa labas at malakas pa ang ulan. Mukhang hindi pa kami makakaalis, wala rin kaming dalang payong. Kanina ang araw, e. Tsk.

Binalingan ko na siya ng tingin at ngumiti.

"Happy birthday." Nilapit ko sa kaniya ang regalo ko. Tiningnan niya 'ko ng magkasalubong ang kilay at tiningnan yung maliit na box.

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo dahil 'yan lang ang naisip ko..." Huminga ako nang malalim.

"Salamat." Ngumiti na siya sa wakas! "Pero sa bahay ko na lang bubuksan," nahihiyang sabi niya. Tinanguan ko naman agad siya.

"Tara na, medyo tumila na yung ulan." Pumayag siya kaya tumayo na 'ko at nilagay ang may kalakihan kong kamay sa ulo niya para hindi siya mabasa.

Kung pwede lang ipasok ko siya sa damit ko ay ginawa ko na, total naman ay ang liit niya. Kapag talaga nagkaroon kami ng anak sisiguraduhin kong sa'kin imamana yung height, hindi sa kaniya. Hehehe.

"Huy, siraulo ka ba? Tumatawa ka na naman ng mag-isa." Natahimik ako agad at umiwas ng tingin sa kaniya dahil alam kong tatawanan na naman niya 'ko!

"Napaka-bully mo," bulong ko sa kaniya. Napatingin ako sa harap namin nang makita ko na naman yung lalaking bumugbog sa'kin. Nasa kabilang kalsada pa, tibay! Sama pa ng tingin!

Napatingin ako kay Stay nang binaba niya ang kamay kong nakapatong sa ulo niya at hinawakan ang kamay ko. Napatitig ako ro'n. Holding hands, gagi! Tangina namannnnn! Paano ako aahon nito?!

Para akong nakakain ng kalamansi na pinipigilang ngumiwi. Hindi sa asim! Kun'di dahil sa kilig dahil sa kahawak-kamay ko! Hays! Mababaliw na 'ko!

Tama naman 'yan, Stazie. Pinili mo daw ako, e, sabi niya. Pero naalala kong sinabi niyang mahal daw siya nito? Aba'y may saltik sa utak. Pero ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon? Bakit parang gusto niya na rin ako?

Hinatid ko siya sa tapat ng bahay nila dahil hindi pa naman ako nagpapakilala sa mga magulang niya. Nagtatatalon ako at suntok sa hangin nang makauwi ako sa bahay. Tawa ako nang tawa at humiyaw nang humiyaw para ilabas ang milyon-milyong kilig ko.

"Baliw na ata 'to, sinto-sinto." May umiling-iling sa gilid ng mata ko kaya napatingin ako ro'n kay — Ate Grace?!

"N-Nandito ka?" gulat na tanong ko.

Stazie's ResentmentWhere stories live. Discover now