"Kumain ka muna," puna ko sa kaniya dahil malapit nang matapos ang recess namin.

"Okay." Hinintay ko siyang matapos kumain. Iniisip kong si Stazie siya. Mabagal silang kumain, e. Wala sa loob na natawa ako.

"Eh... May dumi ba 'ko sa mukha?"

"Wala." Umiling ako.

"E, bakit ka tumatawa?"

"Wala lang. Masama bang tumawa?"

"Ay, nako! Baka iba na 'yan, ha? Crush mo siguro ako?" Natawa lalo ako. Parang si Bea siya mag-joke. Gano'n kasi 'yon mag-joke kapag kaming dalawa lang. Napailing-iling na lang ako sa kaniya at tinapon na sa basurahan yung pinagkainan naming dalawa habang umiinom pa siya ng tubig.

Hinintay ko siya sa exit door at nagmamadali naman siyang lumapit at sinabayan ako sa paglalakad paakyat sa room namin.

"Ano 'yan, ha?" malakas ang boses na asar sa'min ng bakla naming classmate.

"May manliligaw ka na Sayie, ah?" pagpapaalala naman ng babaeng classmate namin.

Tumango lang si Dimple sa kaniya at pumasok na sa room namin. Mukhang nanghihiram ng jacket, may aircon kasi sa'min. Dito na talaga ako pinag-aral ni Mama sa semi-private dahil wala ng strand na gusto ko sa ibang school tsaka walking distance lang.

"Cute naman si Sayie, pre. Agawin mo na sa manliligaw niya," sabi ni Jasfer. Tropa-tropa ko rin dito sa room.

"'Wag na, uy," Kinuha ko ang jacket ko at tinawag si Sayie. "'Wag ka nang manghiram, balik mo na lang sa'kin mamaya."

"'Wag na daw," bulong na asar pa sa'kin ni Jas, tinawanan ko lang siya.

"Salamat! Tsaka sure! Balik ko mamaya." Umupo na siya sa kabilang column sa harapan dahil iba na ang seating arrangement namin sa next subject.

Naupo na rin ako sa upuan ko at inaasar-asar pa rin ako ni Jas. Hindi ko na lang siya pinansin, magsasawa rin naman siya kaaasar.

Nang uwian na ay edi syempre umuwi na ako sa bahay, maghahanda lang ako para sa practice namin mamaya.

Tiningnan ko kung nasa kwarto pa si Diko, natutulog na pala ulit. Tinignan ko kung na-seen niya ba ang chat ko pero hindi. Tiningnan ko kung kumain siya, mabuti at kumain naman siya.

Kumain na rin muna ako bago maligo at nag-jogging pants na gray at black na t-shirt. Dinala ko rin yung cellphone at pera ko papunta sa pag-pa-practice-an namin.

"Yo!" Sumaludo ako sa kanila bilang bati.

"Naks. Aga, ah," sabi ni Toni.

"Hintayin na lang natin si Audrey," sabi nung mag-cho-choreo sa'min. Leader na rin namin kumbaga.

Nag-warm up muna kami para hindi mabigla ang katawan namin. Sa aming lahat ay ito talaga ang kailangan ko, matagal na kasi akong hindi sumasayaw, e.

"Nandiyan na pala kayo," maangas na bungad na pagpapakita ni Audrey.

Nasa bahay nila kami at siya talaga yung may kaya ang buhay sa'ming lahat. Nandito kami sa court nila para mag-practice. Kapatid niya rin yung nag-cho-choreo sa'min, si Kuya Andrei. Nung nakaraan na practice namin ay nag-basketball rin kami dito.

"Ahm... jacket mo?" Nabaling ang tingin ko kay Sayie na nandito rin pala. "Napa-laundry ko na 'yan kanina. Salamat," nahihiyang ani niya. Nag-si-sipol ang mga kasamahan namin kaya walang salita kong kinuha ang paper bag at nilagay doon ang cellphone at wallet ko.

"Tsk tsk tsk." Si Audrey 'to malamang, mahilig siyang gumano'n, e. Siguro inaasar niya ang kaibigan niya.

Nilagay ko na sa bench ang paper bag. Pumalakpak na si Kuya Andrei, mag-i-start na kaming mag-practice. Buong practice naman ay pansin kong nakatingin sa'kin si Sayie at nakakailang 'yon. Iniisip ko tuloy na crush niya 'ko.

Stazie's ResentmentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora