"Mamaya nang gabi. Darating nga rin pala ang Kuya Limuel mo bukas."

"Ha? Talaga? First time ata 'yon." Sana hindi ako mag-tunog sarkastiko.

"Mabuti nga at pupunta 'yon, e. Hindi ko lang alam kung kasama ang girlfriend niya." Hindi na lang ako nag-salita pa at nakipaglaro na lang kay Carl sa kwartong isa. Doon ako natutulog.

Nang mapagod naman ako sa kakadaldal sa pamangkin ko ay natulala na lang ako sa tabi niya. Iniisip ko yung kanina... Mukhang okay naman sila. Bagay sila.

"Gab. Gab? Hoy, gising!" Inilagan ko ang pagkalabit ng kung sino man 'yong animal na 'yon.

"Ano ba... natutulog, e istorbo." Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagtalukbong ng kumot.

"Nasa baba si Stazie, tanga." Napabalikwas ako ng upo at napahilamos ng mukha.

"Ha?! Saan?!" Inikot ko ang mata, natataranta pa!

"Bwahahahahahahaha!" Hagalpak niya ng tawa.

"Parang tanga 'te," magkasalubong ang kilay kong sambit at humiga ulit. Napatingin ako sa tabi ko at wala na si Carl. "Nasaan si Carl?"

"Nasa baba, buhat ni Ate," Hinila niya 'ko patayo. "Tara, ilagay mo na yung star sa Christmas tree!"

"Tapos niyo nang gawin?" tanong ko habang tinatanggal ko ang muta sa mata ko.

"Oo, kaya nga pinapalagay na sa'yo yung star, e," Maangas na sabi niya at sinipa pa 'ko. "Tumayo ka na diyan, daming pagkain sa baba. Pupunta kayo kay Kuya Owen sa ospital." Bumaba na 'ko agad dahil nadadaldalan na 'ko sa kaniya. Nakakarindi boses niya kapag ginigising ako, e!

"Sa susunod si baby Carl na magsasabit ng star!" masiglang sabi ni Dete. Kinuha ko na yung star at sinabit 'yon doon sa tuktok ng paskong puno. Tsk.

"Wish ko lang sa pasko ay maging healthy at masaya ang pamilya natin," nakangiting sabi ni Mama.

"Hayaan mo, Ma. Itawa na lang ang problema," singit ni Dete at inakbayan si Mama.

"Itawa, itawa, nako! Mataas nga lagi dugo ni Mama!" sabi ko. Bumaba na ako sa upuan at iginilid, total tapos ko nang ilagay yung star.

"Ewan ko sa iyo," sabi ni Mama at nilayasan kami.

"Oh... 'di'ba? Menopause na." Tinawanan naman ako ni Dete at pabirong sinuntok ang braso ko tsaka pumunta sa kusina.

Pero ang sakit ng suntok no'n, ah!

Wala akong nagawa kun'di sumunod na lang din sa kaniya. Ako na lang nasa sala e.

Nauna nang kumain si Dete dahil papasok pa daw siya mamaya kaya siya na muna ang magbabantay kay Carl habang nasa ospital kami. Hindi pa din naman pumupunta si Kuya Limuel. Kahit kailan talkshit.

Katulad nga rin ng napag-usapan ay pinuntahan namin si Kuya Owen doon. Masaya naman dahil namimigay rin si Mama ng pagkain sa ibang kwarto. Masaya si Mama sa gano'n, e. Yung nakikitang masaya yung tao sa simpleng bagay na binibigay niya.

Panay lamon lang ang ganap namin hanggang sa sumapit ang bagong taon.

"Happy new year!!!" sigaw namin. Nasa labas kaming magkakapatid at nagpapaputok.

"Huy, Diko, si Siri! Maano yung kamay nyan ng paputok!" sigaw ko. Dali niya namang kinuha 'yon sa anak niya at binuhat.

"Papa, ice cream!" Nagpa-cute pa ito sa kaniya kaya napangiti si Kuya.

"Halika, bumili kami ni Keith ng ice cream kanina, e," sabi ni Ate Grace at akmang bubuhatin si Siri. Natawa naman kami. Ngayon lang kasi ulit siya nakita ng bata kaya natatakot.

Stazie's Resentmentजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें