"Sige sige, ingat ka din."

"Upakan ko pa sila, e... — oh, eto. Panggastos niyo ni Mama 'yan, ah?" Inabutan niya ako ng pera, kinuha ko naman.

"Madaling-madali 'te?" biro ko pa. Tinapik niya lang ako sa balikat at mabilis na kumaway at umalis na. Pumasok na 'ko sa bagong bahay namin... o nila dahil hindi pa naman ako dito nakatira. Tatapusin ko lang ang Senior High at dito ko na rin balak mag-college sa Manila.

"Oh! Nandito na pala ang mashuba!" bungad ni Heaven pagkapasok ko sabay tawa nang malakas.

"Nandito ka pala... ang umubos ng star ko." Naupo na ako sa tabi niyang single sofa at sinandal ang likod ko. "Bakit ka nandito?"

"Tagal na nung star mo hanggang ngayon may sama ng loob ka pa rin?! — At tsaka wala, trip lang ko lang kaya ako nandito?" Tumawa siya. "Kamusta ka na, Gabby? Tagal nating hindi nagkita, ah hahaha."

"Happy ka?" Lumingon ako sa kaniya at umayos ng upo. "Nga pala, may nakita akong picture."

"Huh?" magkasalubong ang kilay niya habang matiim na nakatingin sa'kin.

"Parang takot naman 'to," Umirap siya pero nandoon pa rin yung nagtatanong niyang tingin. "Magkaibigan ba kayo dati nila Bea?"

"Bakit? Paano mo sila nakilala?"

"Malapit lang bahay nila, e."

"Tagal na silang nakatira do'n, e ngayon mo lang nalaman?" Hinampas niya ako at tumawa, umiling-iling na lang ako.

"Ano kasi... Nagkagusto ako... kay Stay." Kumunot ang noo niya.

"Stay?"

"Oo... Stazie."

"Nga pala, bumili ako ng pizza. Nandiyan sa mesa. Kumain na kami nila Tita, ikaw na lang." Sa pagka-excite ko ay pumunta ako doon at nilantakan agad 'yon. "Dahan-dahan naman! Mas lalo kang shushuba!" Pinakyuhan ko lang siya, tumawa lang siya at sa iba na ulit ang atensyon.

"Sabi mo may gusto ka kay Stazie 'di'ba?" Lingon niya sa'kin, tumango na lang ako dahil busy ako sa kinakain. "Kabit ka, tanga!" Tinawanan niya na naman ako.

"Anong kabit? Tanga ka din!" balik ko.

"Tignan mo, tignan mo... sinong tanga?" Pinakita niya sa'kin ang story ni Stay at may ka-holding hands siya ro'n habang nakangiti pero hindi kita ang lalaki, tanging relos lang. "Kilala ko kung sino yung lalaki. Resbakan na ba natin?" sabi niya habang nasa cellphone ang paningin. Nawalan naman ako ng ganang kumain at pilit na inubos ang kinuha kong slice.

"'Wag na! Haha, hayaan mo na lang."

Haha.

Tangina, pakiramdam ko nagmukha akong tanga. Sana sinabi niya na lang sa'kin ang totoo kesa sabihing hanggang magkaibigan lang kami. Pero kasalanan ko rin ba? Hindi ako nagtanong... sa takot ko sa isasagot niya.

Hays!

Puta naman!

"Hindi ko alam na kaya pala'ng mag-sabay ni Stazie..." Alanganin siyang tumawa at umiwas ng tingin. "Sa pagkakakilala ko sa kaniya... hindi siya gano'n, e. Loyal na loyal 'yon sa ex niya; na ngayon jowa niya na naman." Napatingin ako sa kaniya at lumapit na magkasalubong ang mga kilay.

"Ex niya na 'yon?" Tumango siya.

"Mukhang mahal na mahal niya 'yon kaya binalikan niya? Haha, ewan ko lang, ha? 'Wag kang magalit sa kaniya, nagmamahal lang..." Tss. Bukod pala sa nagmukhang tanga ako, ginawa rin akong pampalipas oras.

Hays... Stazie.

"Pa'no ako magagalit sa kaniya?" Nakatingin sa kawalang sabi ko. "Mahal ko na nga ata siya... sakit, e gago." Kumunot lang ang noo niya nang balikan ako ng tingin.

Stazie's ResentmentWhere stories live. Discover now