"May iba na 'yan... hindi ka ba chinachat?" Umiling ako. "May iba na nga..." Pareho silang tumawa ni Diko, nang-aasar.

"Epal ka 'te." Umirap ulit ako.

"Kalalaking tao marunong umirap." Diko. Nawala rin ang ngiti niya nang makita ang asawa niya. "Mikha..." Agad niyang inupos ang sigarilyo niya at nilapitan ang asawa. Ako naman ay binalik na sa crib si Carl nang matapos ko siyang linisan.

"Nasaan si Mama?" mahinahong tanong ni Ate Mikha pero bakas sa tono ang sungit, normal na.

"Nasa kusina," sagot ni Dete na hindi na nangopo dahil magkasing-edad lang naman sila.

"Nasaan si Siri?" Pagkatanong no'n ni Kuya ay pumasok na si Siri at pulang-pula ang mukha. Gano'n talaga siya kapag naaarawan.

"Aba... active na ang batang 'yan, ah? Tumatakbo na," natatawang sabi ni Dete sa tatlong taon ng batang si Siri. Tawag namin sa kaniya Siri pero ang buong pangalan niya ay Serene Madeline.

"Pa..." sambit ng bata at excited na yumakap sa binti ng Papa niya. Mabilis akong tumabi kay Dete.

"Ngayon lang ba sila nagkita?" pakiki-chismis ko.

"Oo, tanga. Nag-away nga sila no'n 'di'ba?" Ah... okay.

Tumulong na lang ako kay Mama sa kusina dahil alam ko namang maaasahan na si Dete sa pagbabantay kay Carl, tahimik lang naman yung bata at hindi iyakin kaya madaling alagaan.

Nang handa na ang mga pagkain ay sakto naman ang pagdating ni Ate Grace... may kasama nga lang lalaki. Ito na ba? Yung nakabuntis sa kaniya? Bakit parang medyo... matanda na? Ang ibig kong sabihin ay parang nasa edad trenta na.

"Hali kayo at maupo kayo," aya ni Mama at kinuha ang iilang dalang gamit ni Ate. Ni hindi man lang niya tiningnan yung anak niya kung kamusta na? Mahigit isang buwan nang nandito ang anak niya at ngayon lang siya umuwi!

"Ah... Ma..." Tumingin siya sa'ming lahat. "Si Owen, boyfriend ko po... Owen, si Mama nga pala. Tapos ang sumunod sa'kin, si Ladrim, si Keith at ang bunso naman ay si Gab." Napilitan na lang akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan.

"Akala ko lima kayo?" tanong nung Owen.

"Ah... oo, si Limuel yung pinaka-panganay sa'ming lahat pero wala siya dito, e..." — Kasi nga nakalimutan na kami, nagpakalunod na ata 'yon sa pera niya, psh. Walang utang na loob kay Mama. Ni singkong bulag ay wala manlang nakuha.

"Kumain na tayo..." sabi ni Mama pero bago 'yon ay nag-dasal muna kami.

Yung susubo na sana ako pero biglang umiyak si Carl... hays. Tumayo agad ako at nag-timpla ng gatas niya tsaka siya nilagyan ng lampin sa gilid ng leeg niya para hindi mahulog ang bote na dinedede niya.

Nang bumalik na 'ko sa inuupuan ko ay nagkasalubong pa ang mga tingin namin ni Ate. Umiwas na lang agad ako ng tingin... hindi ko alam, basta naiinis ako sa kaniya.

"Ma, punta ako next week kina Stazie, ah? Sabado naman 'yon, pabantay si Carl, Ma, ah?" nakangiting sabi ko.

"Kukunin na namin si Carl..." Sabay banat ng gano'n? Hindi ko siya pinansin pero puno na ng tanong ang utak ko.

"Tsaka lilipat na rin tayo ng bahay..." anunsyo ni Mama at ngumiti.

"Po? Saan?" tanong ko.

"Sa Maynila."

Yes!!!!!

"Nandoon kasi ang trabaho ko, nahihirapan akong mag-byahe kaya inaya ko na si Mama total may ipon naman na 'ko..." sabi ni Dete habang namamapak ng manok.

"May... trabaho na nga rin po pala ako. Sa kumpanya nila Owen." Nabaling ang atensyon nila kay Ate Grace pero ako nabaling kay Ate Mikha dahil sumama ang tingin niya kay Diko pero umiwas lang ng tingin ito at inasikaso ang anak sa pag-kain.

Stazie's ResentmentWhere stories live. Discover now