33 | Owe Him Again

Start from the beginning
                                    

Tamang tango lang ang sinagot ko bago na ako tuluyang pumasok sa loob.

Habang naglalakad paakyat sa hagdan, napapahawak pa ako sa dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko na naghuhurumentado.

Lintik na yan!

Pero aminin ko man, parang pamilyar sa akin ang halik na yun. At aaminin ko, malambot ang labi niya-

"Aishhh! Gumising ka, Samantha Luna Crimson!!" Madiing singhal ko sa sarili at napapasabunot na lang na nagpatuloy sa paglalakad sa hallway ng floor kung nasaan ako. Nakarinig pa ako ng pagsara ng pintuan di kalayuan sa hinintuan ko kanina.

Binale-wala ko lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makarating sa room kung saan ako mamamahinga ay agad akong pumasok at dumiretso sa banyo para maligo.

Nang makapasok sa banyo, hinubad ko na ang lahat ng suot ko at inilagay yon sa lalagyanan ng marumi bago dumiretso sa shower at pumailanlang sa maligamgam na tubig.

Pumikit ako at dinama ang tubig. At pumasok na naman sa isip ko ang nangyari. Parang biglang nagtaasan ang balahibo ko.

Damn it! Bakit ba di ko siya tinulak kaagad!? HININTAY KO PANG LUMAPAT YUNG LABI niya!!!

Napabuntong hininga na lang ako bago pinindot ang lalagyanan ng liquid soap sa lalagyanan ng mga gamit panligo. Then I started putting soap on my face.

At maya maya lang napahawak ako sa labi ko.

"Bwiset! Urghhh!"

Naiinis na binilisan ko na lang maligo at nang makapagdamit na ay lumabas na ko ng banyo. Sakto naman na lumabas na rin sa kwarto namin sina Arine at Firexia na parehong nakapangtulog kagaya ko.

"Saan ka galing, Sam? tatawagin sana kita kaso mukhang nagmamadali ka kanina maglakad sa main facility eh." Sabi ni Firexia at inabutan ako ng suklay na agad kong tinanggap.

"A-ahh hehe, naglilibot lang ako. Nagpapababa ng kinain natin sa field kanina." Sagot ko dito.

Kapag sinabi ko na hinanap ko si Sir Fier at tinulungan si Azriel sa steam niya malamang maha-hot seat ako nito.

"Ayos ka na? Tara na sa baba?" Ani Arine.

"Hmm, tara na."

Sabay sabay na kaming lumabas ng kwarto at ang ilan ay pababa narin.

As usual ay ngini-ngitian ako ng nakakakita sa akin kaya ngini-ngitian ko rin pabalik kahit na pilit dahil sa nahihiya ako.

"Crimson, huh?"

"Huh?" Tanong ko at napalingon sa gilid kung saan may narinig akong nagsabi ng surname ko. Ngunit paglagpas lang ng isang babae ang nakita ko at ang likuran niya.

Bakit kaya?

"May problema ba, Samantha?" Tanong ni Arine at sinundan ng tingin ang tinatanaw ko ngunit wala na yung babae. "Sino yung tinatanaw mo?"

"Ahh, yung babaeng nasa likuran natin kanina. Binanggit niya kasi yung sur-"

"Yow, Ladies! Good evening!" Bati ni Aeros sa amin sabay bow kaya napagaya na rin ang dalawa niya pang kasama.

Nag curtsy naman si Firexia kaya napagaya rin kami ni Arine. "Good evening too, gentlemens."

"Kailangan ba talaga nito?" Tanong ni Lucas ng makatayo kami ng ayos. Napatawa naman si Light.

"Hindi. Pauso lang ni Aeros. Adik yan eh."

"Ay wow! Nagsalita ang-"

"Ang ano, Aeros?" Tanong ni Arine dito na tila sinusubukan ang katalinuhan ni Aeros pagdating sa kalokohan. "Oh di ba? Wala kang maisip."

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now